Shaira Denize POV
Pumasok ako sa loob na parang Reyna kung maglakad. Syempre naman no Ang laki ng bahay este mansiyon pala. Kung alam ko lang na ganito kaganda Ang pupuntahan ko Edi sana nagdala pala ako ng red carpet HAHA charrr
Pumasok ako at hinanap si Sir. Sakto naman na may nakita ko si manang bakit ba fc ako ehh.
"Ahh good Afternoon po"
"Good Afternoon din ako nga pala si manang lorna. Ikaw ba si Miss Shaira?" Tanong nito kaya nagulat ako dahil alam niya Ang pangalan ko.
"Ahh manang tawagan nyo nalang po akong Shaira. Nakakahiya naman po." sabi ko dito halata namang mabait si manang kaya dapat maging mabait din Ako.
"Ahh tama nga Ang sinabi ng alaga ko mabait ka." Sabi nito kaya napakunot Ang noo ko. Kinukuwento nya ba ako?
"O siya ikaw na muna Ang bahala sa kanya ahh may pupuntahan lang ako sinabi na din niya sa akin na darating ka. Nga pala andun na Ang pagkain ni jhared sa mesa kasama Ang gamot. " tuloy-tuloy nitong sabi At lumabas nga halatang nagmamadali pero teka? Gamot?
Nagpunta ako sa kusina at tama nga si manang may nakahanda ng pagkain at gamot nakalagay sa tray.
Shet! Di ko nagtanong kay manang kung saang kwarto ni jhared.
Pumunta ako sa second floor at may Isang pinto doon na nakabukas ng konti kaya sure ako na doon na nga Ang kwarto ni sir.
Shettt! Makakapasok ako sa kwarto ni jharedddd!
Umiling-iling ako sa mga naiisip ko. Ano ba yan you know kasi first time kong pumasok sa kwarto ng lalakeee. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.
Tok tok tok. Ano ba yan Ang tagal ahh.
"Jhared? Sir? Si Shaira po ito." Sabi ko. Pero walang sumasagot.
Naghintay ako ng ilang Segundo pero wala pa ring nagbubukas kaya pumasok na ako.
Pagpasok ay madilim at nakapatay Ang aircon dahil Hindi malamig dumako Ang mata ko sa kama ni sir at nakita ko siya dun na nakakumot ng makapal kaya nilapitan ko. Medyo nanginginig din sya. Hinipo ko Ang noo niya at shitt sobrang init niya. Halos mapaso na ako.
Nagulat ako ng hawakan niya Ang kamay kong pinanghawak sa kanya at dumilat Ang mga mata niya.
"A-a-ahh s-sir k-kain ka na po"utal utal na sabi ko.
Binitawan naman niya Ang kamay ko at umupo na.
"Feed me then" shett Ang husky ng boses niyaaaa
"Hey" sabi niya sa akin at kumaway sa harap ko. Hindi ko alam na natulala na pala ako. Boses palang yan ahh hihihi
Sinubuan ko na siya pagkatapos ay pinainom ko na Ang gamot niya.
"Ahh sir bakit Hindi nyo po sinabi na may sakit pala kayo nung pinapunta niyo ako?" Tanong ko sa kanya habang inaayos Ang pinagkainan niya.
Hindi naman siya sumagot kaya tiningnan ko siya at nagulat ako ng makitang nakatitig siya sa akin kaya napatitig din ako sa kanya. Hindi nagtagal ay umiwas din ako ng tingin at nagpaalam na bababa muna para ilagay sa kusina Ang tray. At kumuha ng palanggana na may laman na mainit na tubig para mapunasan ko sya
Pagkababa ko ay duon lang ako nakahinga ng maluwag. At naalala kong di pala ako nakapagpaalam kay mama kanina kaya't tinawagan ko siya.
"Hello Ma? Baka malate po ako ng uwi ngayon."
"O siya sige akala ko nasa kwarto ka kanina."
"Sorry nay nagmamadali kasi ako kanina. Babye po."
Pagkatapos kong tumawag ay kumuha muna ako ng maligamgam na tubig at pamunas. Pagkatapos kong kumuha ay umakyat narin ako sa kuwarto.
Nakita ko si jhared na tulog na kaya nilapitan ko siya. Binaba ko muna sa lamesa ang pinggan at lumapit sakanya.
Pagkalapit ko nagulat ako ng higitin niya Ang kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"Please stay. Just for a few hours" sabi niya.
"O-okay pero Sir pupunasan ko po kayo para bumaba ang lagnat nyo " sabi ko pero hindi sya nag respond.
Bumibigat na Ang hinga niya kaya alam kong tulog na siya. Napatitig ako sa mukha niya at mas gwapo pala siya kapag malapitan kaya Hindi ko napigilan Ang sarili kong hawakan Ang mukha niya from his beautiful eyes, pointed nose and his thin lips napatitig ako duon at Hindi ko namalayan Ang mukha kong unti-unti na palang lumalapit.
Pero bago pa lumapit Ang mukha ay nagulat ako ng nagmulat siya ng mata kaya kahit na nakayakap pa siya sa akin at tumayo na ako inayos ko ang sarili ko.
"Sir punasan ko po yang mukha nyo para makapagpalit po kayo ng damit nyo" sabay kuha ng pingan at pinunasan si Sir
Hindi naman sya umangal kaya pinagpatuloy ko na ang pagpupunas sakanya. Nakatitig lang sya saakin kaya naiilang ako. Binilisan ko nalang ang pagpupunas sakanya. Pagkatapos kong punasan ay nahihiya kong sinalubong ang tingin nya.
"A-h Sir" napasinghap ako "H-hubadin nyo na po ang damit nyo para mapalitan ng bago" namumula kong sabi.
Hindi naman sya nagsalita. Nagumpisa na siyang maghubad. Halos hindi naman ako makatingin sakanya dahil nakahubad na siya. Nanghihina kong binigay sakanya ang damit na bago. Nasuot na nya ang damit nya at humiga ulit. Naririnig ko naman ang mga yabag sa labas ma hula ko ay kay manang. Pwede na siguro akong umuwi.
"Ahh sir uuwi na po ako baka hinahanap na ako sa amin "
pagkatapos kong sabihin yon ay lumabas na ako at Hindi na tiningnan Ang mukha niya bago lumabas. Naabutan ko naman si Manang sa labas ng Pinto."Ahh manang uuwi na po ako baka hinahanap na po ako ni nanay" pagkatapos magpaalam kay manang ay dali-dali na din akong umalis at nagtawag ng taxi.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Pervert Billionaire Vampire
VampireIsa lang siyang ordenaryong babae. Maganda,Matalino,Mabait,Makulit at higit sa lahat Mapagmahal Pero isang araw. Nagtapat ng sekreto ang kaniyang BOSS " I have something to tell you. And I hope you will not be affraid" At Sinabing " I'm a Vampire" ...