CHAPTER 9: LABAN

81 5 0
                                    

-Celestina (Mambabarang)

Medyo nagulat ako sa pagkakakilanlan ng isang lalaki. Ito pala'y isang engkanto at ang isa naman ay natitiyak kong isang lambana dahil sa pakpak nito. Ang maliit naman ay dwende.

Hmmm... Hindi sila pangkaraniwan. Natitiyak kong malalakas ang mga ito

Biglang naglabas ng baging at nagliwanag ang kamay ng dalawang nasa harapan ko kaya inihanda ko na din ang aking sarili.

Hindi lang ako basta mambabarang na ang alam lang ay mangkulam, magpahirap o kung ano man. Ako'y isinilang na may ibang kakayahan kaya akoy hinasa ng aking ina para magamit ko sa oras na kinakailangan. Mukhang ngayon ang oras na iyon.

Nagpalutang ako ng madaming karayom. Sinamahan ko ito ng dasal para mas malakas ang tama sa oras na madikit sa kanilang mga balat.

Aatake na sana ako ng makarinig ng isang ingay.

"Aaaaaaaaackkkkkk!!"

***

-Vesto (Engkanto)

Nakahanda na ang aming gagawing pag atake ng bigla kaming makarinig ng matinis na sigaw.

"Aaaaaaaaackkkkkk!!"

Sabay sabay kaming napalingon sa taas. Nagulantang kami sa naglalakihang paniki na lumilipad. Hindi din ito basta lamang.

"Mga alan..." mahinang sambit ni Dony.

"Mag iingat kayo sa matutulis nilang kuko" paalala ni Dony sa amin.

Tumigil sa paglipad ang tatlong paniki na tinawag ni Dony bilang mga Alan.

Mabilis itong lumapag sa bato ngunit iyon ang akala namin.

Naghanda lamang pala ito sa gagawing pag atake. Sa sobrang bilis ng ginawa nitong paglipad ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Iwinaksi ko sa direksyon nito ang mga baging ko ng sa gayon ay mapigilan ito ngunit maging ang mga pakpak nito ay matatalas kaya nahiwa lang ang mga inilabas kong baging.

"Aghh"

Daing ko matapos madaplisan ng kaniyang pakpak sa aking braso.

Pinalutang naman ni Faura ang mga batong malapit sa amin maging ang mga kahoy ay isinama na niya at itinutok sa direksyon ng mga alan. Sabay sabay na tumilapon ang mga pinalutang ni Faura ngunit mabilis na nakaiwas ang tatlo.

Kita ko din nagpapalipad ng sandamakmak na karayom ang mambabarang patungo sa tatlo. Nakapikit ito habang umuusal ng dasal. Gumagalaw ng kusa ang karayom at tila hinahabol ang tatlong alan.

Mukhang natakot ang mga alan sa karayom na papalapit sa kanila kaya agad silang lumipad papalayo sa amin.

Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit alam kong baka hindi pa kami ligtas lalo't nandito pa ang mambabarang. Mas malakas at bihasa siya sa paggamit ng kakayahan kumapara sa amin.

"Ako si Celestina" pagsasalita ng mambabarang saka naglakad papalayo.

Kalaban ka ba o kakampi?

****

-Celestina (Mambabarang) -

Matapos kong magpakilala sa kanila ay agad na akong lumisan. Hindi ko na hiningi ang kanilang pangalan dahil sa hindi naman sila ang mga pakay ko. Ngunit alam kong isa lang ang aming mga pakay at iyon ay ang hanapin ang susunod na tagapagmana.

Ibinigay ko ang aking pangalan sa kanila ng sa gayon ay matulungan ko sila. Sa oras na banggitin nila ang pangalan ko ay madali akong makakarating sa kinaroroonan nila.

Ibinulong kase sa akin ng isang kaluluwa na mabuti ang intensyon ng mga iyon sa tagapagmana kaya hindi ko na sila ginalaw.

Kami ba?



Ano nga ba ang Intensyon namin kung bakit ito pinapahanap?







👇

MAHIWAGA (Ameurfina's Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon