CHAPTER 23: ANG GALIT

73 5 0
                                    


AMEURFINA'S POV

Sa Unang pag usbong ng aking kapangyarihan ay tila ba nagkaroon ng kulay muli ang aking buhay. Tila ba lahat ng bumabagabag sa akin ay nawala ng bigla.

Nandito ako ngayon sa isang malawak na kapatagan at dinadama ang hampas ng hangin. Ang lamig nito ay tila ba nagpapakalma sa buo kong pagkatao.

Matapos ang naganap kanina ay napagpasyahan kong lisanin muna at dito ako dinala ng aking mga paa.

Makalipas ang ilang minutong pagpapahangin ay naisipan ko ng bumalik kung saan sila naroroon.


Malayo pa lang ako sa kanila ay nakatanaw na silang lahat sa akin.

Mga dalawang metro na lang ang aming pagitan ng bigla silang lahat na yumuko kaya nagulat ako.

"Huy! Ano ba kayo, wag na nga kayong yumuko!" sambit ko sa kanila at pilit silang pinapatunghay.

"Ngunit mahal na prinsesa, ramdam namin na dapat ka talagang galangin kaya hindi namin mapigilan ang aming mga sarili na yumuko" sambit ni Faura.

"Ah basta wag niyong kakalimutan na ako lang to. Kaibigan niyo" paalala ko sa kanila habang di mapigilan ang mapangiti.

Matapos naming magpahinga ay agad na muli kaming naglakad....

***

Ang demonyo.....

(yung pinuno na tinutukoy nila at ang demonyo ay iisa tapos bukod pa yung pinuno ng mga aswang na nadoon sa gubat)

"HAHAHHAHA Mukhang sa pagkakataong ito ay tayo na ang magwawagi" sambit ng Demonyo.

"Batid kong alam na nila ang ginawa nating pagpaslang sa mga mambabarang base sa aking nakikita" saad ng mangkululam.

Napangisi naman ang demonyo dahil nararamdaman niyang nalalapit na ang inaasam nitong digmaan.

***

AMEURFINA'S POV

"Malapit na Tayo" nakangiting sabi ni Vesto sa amin.

Agad namang nagtatalon ang dalawang bata, mababakas naman sa mukha ni ana ang tuwa dahil naeexcite itong mapuntahan ang kagubatan.

Habang naglalakad ay isa isa kung kinilatis ang aking mga kasama. Mukhang maayos naman sila ngunit may kakaiba kay Lynx at Celestina....

Hmmm ano kayang meron sa dalawang ito.

Matapos ang malayong lakaran sa kalsada ay lumiko naman kami upang suungin ang madamong bahagi ng kagubatan.

Habang papalapit kami ng papalapit sa paroroonan ay tila ba nakakaramdam ako ng kakaibang awra, tila ba mga takot ang nilalang na nandito. Akala ko'y masaya ang lugar na kinaroroonan ng aking ina pero bakit ganito?

"Hindi maganda ang kutob ko" hindi ko na napigilan ang sarili na mabulalas ang aking nararamdaman.

"Maging ako ay binubulungan din ng mga kaluluwa na mag iingat daw tayo" sambit ni Celestina.

"Mukhang kailangan na nga nating magmadali, naiwan ang iba pang kauri namin sa pangangalaga ng mga aswang kaya't baka nanganganib na nga ang mga ito" natatakot na saad ni Faura. Nagulat naman ako sa nalaman.

"Hindi ba dapat kung may hahalili man sa pangngalaga ng kagubatan ay dapat mga parte din ng kalikasan ngunit bakit aswang?" nagtataka kong tanong.

"Napaka tuso at mayabang ng aswang na iyon at mas madami ang bilang nila kumpara sa amin at hindi rin maipagkakaila ang taglay na lakas ng nga ito. Tapos naatasan kami ng Reyna na hanapin ka kaya wala na kaming nagawa ang mga ito kungdi iwanan. Nagbili naman ako sa kalahi kong Engkanto upang mangalaga sa Ibang naiwan doon" paliwanag ni Vesto.

MAHIWAGA (Ameurfina's Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon