CHAPTER 19: PAMUMUNO

78 4 0
                                    

AMEURFINA'S POV

Matapos ang kakaibang laban na naganap kanina ay pansamantala muna kaming nagpahinga. Kahit wala naman talaga akong naitulong sa laban.

"Maaari ba namin malaman ang pangalan niyo?" Tanong ni Aleyah sa kanila.

Napatunghay naman ang babaeng nakaitim sa pagtatanong ni Aleyah. Ilang minutong katahimikan din ang namayani bago magsalita ito.

"Ako si Celestina. Isang mababarang" pakilala nito.

"Ako naman si Cailey, mababarang din" sambit naman ng babaeng nakapulang damit.

"Ako naman si Ethan, mahikero" sambit ng katabi nitong lalaki.

"Ako si Lynx, Bampira" malamig nitong saad.

Matapos nilang magpakilala ay si aleyah naman ang nagsalita. Siya na din ang nagpakilala sa amin upang isang sabihan nalang.

Matapos ang lahat ay napagpasyahan na naming maglakad.

"Tekaa. Saan kayo pupunta?" Tanong ni Celestina sa amin.

"Ihahatid namin si Amor kung saan siya dapat naroroon" sambit ni Faura.

Tumango lang ito..

Maya maya pa ay bigla itong nagsalita.

"Maaari ba kaming sumama?" tanong pa nito sa amin.

"Dahil na rin sa pagligtas niyo ay tatanawin namin itong utang na loob" dagdag pa nung Cailey.

Tahimik lang ang dalawang lalaki sa likuran nila.

"Ikaw Lynx sasama ka ba?" tanong ni celestina sa bampira.

"Oo. Kailangan kong maghiganti sa pumaslang sa aking kalahi" sambit nito.

Pumayag naman si Vesto kaya sama sama na kami naglakad.

***

Sa Pusod ng Kagubatan....

Hinang hina at tila ba pinahirapan ng sobra ang kalagayan ni Amara. Ang naatasang magbantay ni vesto sa gubat.

Ngunit talagang nadaig na ng mga aswang ang lahat ng naririto.

"Ikaw babaylan!! Amin na iyang dala mong pagkain!" sambit ng isang aswang sa babaylan na may dala dalang karne nito.

"Hindi po maaari..... Pagka-" hindi na nakasagot pa ang babaylan ng bigla itong kalmutin ng aswang sa leeg dahilan para bumulwak ang berde nitong dugo at mawalan ng buhay.

Takot na takot naman ang iba pang nilalang na nagsipasok sa kanilang lungga.

"Mahal na pinuno! May dala ho akong mga karne para sa inyo" saad ng isang aswang papalapit kay rico na nakaupo sa dating trono ng Reyna.

Galit na galit namang nakamasid ang matandang diwata dito..

Magbabayad kayo!

Saad nito sa isip

Naisip ng matandang diwata na siguro oras na para kumilos siya kaya agad niyang nilabas ang kaniyang mahiwagang tungkod.

Sarap na sarap naman ang pinunong aswang sa kinakain.

Iwinasiwas ng matandang diwata ang kaniyang tungkod at itinutok patungo sa aswang.

"Ahhhhhh!!!!!!" sigaw nito saka bigay todong pinalabas lahat ng kapangyarihan patungo sa aswang sa pag aakalang matatapos niya ang lahat sa pamamagitan ng isang tira.

"Arghhhh!!!!!!!" napadaing ang aswang matapos tamaan nito. Nagkaroon siya ng napakalaking sugat sa dibdib gawa nito.

"Lapastangan! Patayin niyo siya!" sigaw niya sa alagad na aswang.

Dalian namang nagsipagsugod ang mga aswang sa diwata.

Kalmot at kagat ang natamo nito sa mga aswang. Ngunit nakangiti lamang ito dahil kahit papaano ay nasaktan niya ang pinuno ng aswang.





"Para sa Kaayusan..." mahina pa nitong usal saka ipinikit ang mata.








👇

MAHIWAGA (Ameurfina's Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon