CHAPTER 16: KASAMA

73 7 0
                                    

ANA'S POV (KUBOT)

Pinagmasdan kong muli kung ano ang ginagawa ni ate.

Ayun. Busy parin pala ito sa pagtutupi ng damit. Chineck ko naman si nanay at tatay kung nasaan. Busy naman ang mga ito sa pagluluto kaya dahan dahan na akong pumuslit papalabas. Nang makalabas ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at saka tumakbo ng mabilis.

HAHAHA INTAYIN MO AKO ATE!

***

AMEURFINA'S POV

Dahil sa ginawang pagpapakalma sa akin ni Aleyah ay natigil din ako sa pag iyak. Inawitan niya lang ako ng isang magandang tinig at tila ba napawi lahat ng aking pighating nararanasan.

"Salamat Talaga Aleyah!"

"Wal-"

"Aleyah! Amor! May paparating!" naagaw nito ang atensyon namin.

May nararamdaman rin akong paparating tila ba napakalakas ng awrang bumabalot dito.

Pansamantala munang ibinaba ni Vesto si Faura at Dony para madali siyang makalaban sa oras na may dumating.

" Ako na muna ang bahala sa dalawa" saad ko" Tinanguan lang ako ng dalawa at sila ang naging panangga namin.

***

ALEYAH'S POV (SIRENA)

Inihanda kong muli ang aking matatalas na kaliskis, dama ko din na umiilaw na ang aking mata ngayon sa kulay ng asul. Ilang minuto pa ang aming hinintay ng biglang may sumulpot sa isang daanan. Tumatakbo ito. Wait...

Isang Bata??

Ramdam kong bumalik ang normal na kulay ng mata ko dahil sa nakita. Pero may naamoy akong kakaibang presensya sa batang iyon. Kakaiba.

Tumatakbo lang ang bata pero nakatingin sa likudan tila ba may tinatakasan kaya hindi niya namalay na bubunggo siya kay Vesto.

Agad siya tumilapon matapos mauntog kay vesto kaya napadaing ito habang hinihimas ang kaniyang balakang.

"Aray...." saad nito.

Ng makita niya ang aming mga itsura ay biglang nag iba ang kaniyang mga mata. Naging purong itim ito at tila ba parang lumalago ang mga buhok nito. Anong klaseng nilalang ang isang to??

Isusugod ko na sana ang mga kaliskis ko patungo sa kaniya ng makarinig ng sigaw.

"Bataaa! Ikaw ba iyan?" Biglang sigaw ni amor. Etong bata ba na kaharap namin ang tinutukoy niya?

"Ate!!" masayang sambit nito at agad nanumbalik ang normal na hitsura. Nilagpasan kami nito at dali daling tumakbo sa kinaroroonan ni Amor.

***

AMEURFINA'S POV

Gulat naman ako ng makitang yung batang nakita ko nung nakaraan ang sumulpot sa amin. Bago pa magkasakitan nag mga ito ay agad ko ng kinuha ang kaniyang atensyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

Napakamot naman siya ng ulo. Tsk. Mukhang tumakas itong bata sa kanila.

"Tumakas ka ano?" nakasingkit kong sabi sa kanya. Mukhang natakot ito ng bahagya kaya napatango ng mabilis.

"Gusto ko... Pong sumama sa iyo ate" sambit nito.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Nararamdaman ko po kasi na matutulungan kita balang araw saka napaka gaan po ng loob ko pag kasama kayo. Kaya nais ko po kayong tulungan" nakangiti nitong sambit.

Kagulat gulat na sa murang edad nito ay marami na siyang nalalaman. Kakaiba talaga ang mundong ito, hindi ko akalain na sa tanang buhay ko ay makakakita ako ng iba't ibang klaseng nilalang. Siguro kung hindi sinabi ni nanay ang lahat takot na takot ako ngayon.

Ngumiti na lang ako dito at dahan dahang tumango. Tuwang tuwa naman ito. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Aleyah at Vesto parehong nakabusangot ang mukha nito habang umiiling sa akin. Nag peace sign na lang ako dito.

"Waahh ateee sino nga po pala sila?" tanong muli ni ana habang nakaturo kila vesto at aleyah. Maging sa natutulog na Faura at Dony.

Tinignan ko naman ang aking mga kasama upang senyasan na magpakilala.

***

ANA'S POV (KUBOT)

"Ako si Aleyah ang prinsesa ng karagatan. Isang sirena" pakilala ng babaeng naka asul na bestida. Maganda pala ito pag ngumingiti. Natuwa naman ako dahil ngayon lang ako nakakita ng tulad niya. Ngunit agad nangunot ang noo ko dahil sa mga napapanood ko ay ang mga sirena daw ay may buntot ng isda pero bakit paa ang kaniya?

"At kung nagtataka ka kung bakit hindi buntot ang mayroon ako iyon ay dahil dito" saka itinaas ang kwintas na may bato.

"Hihiling lang ako at tutupadin niya ito" wow namangha naman ako. Grabe pala ito sana may ganun din akong kwintas.

"Ako naman si Vesto ang prinsipe ng mga engkanto" Wow engkanto tas prinsipe pa may ganoon pala. Gwapo ang isang ito ngunit may kakaibang tainga na napaka tilos pero gwapo pa din hihihi.

"Hoy bata bat ka namumula? May masakit ba sa iyo?" tanong sakin ni Aleyah. Napakamot nalang ako ng ulo saka umiling. Nagsalitang muli Si Vesto.

"Yung babaeng natutulog naman ay si Faura, isang lambana. Tapos yung lalaking maliit naman ay si Dony, dwende" wowww ang cute naman ng mga ito. Lumapit ako at saka tinignan ang mga mukha nila. Halaaa. napalingon naman agad ako ng magsalita si ate.

"Ako naman si Ameurfina, Amor nalang" nakangiti nitong saad. Kaya napangiti rin ako.

Mukhang ako naman ang kailangan magpakilala.

"Ako naman si Anastacia, pero ana nalang. Isang Kubot" sambit ko na agad ikinakunot ng noo ni ate Aleyah at kuya Vesto ngunit hindi si ate Amor.

"Sabi ni nanay ang kubot daw ay may kakayahang payabungin at pahabain ang kanilang buhok, may taglay na kakaibang lakas ito na maaaring makasira o makabali ng isang bagay o kahit buto pa ng tao" sabi ni Ate amor tumango naman ako dahil tama siya pero may kulang.

"Ngunit hindi lang iyon ang kaya kong gawin. Nakakapanggamot din ang aking mahabang buhok" saad ko pa. Ang galing nga para ako yung napanood ko sa tv ano nga ba pangalan non? Ramzel? Rapu-ah basta yung mahabaa din na buhok tapos kulay yellow.

"Kaya mo bang mabalik ang lakas nila" sambit ni kuya Vesto saka tinuro ang dalawang natutulong. Akala ko basta lang itong natutulog ngunit may iniinda pala. Lumapit ako dito at saka pinahaba ang aking mga buhok. Umilaw ito ng bahagya matapos lumapat sa katawan ng dalawa. Ipinikit ko ang aking mga mata saka bumanggit ng mga salita matapos ang ilang minuto ay iminulat kong muli ang mata ko.

"Maayos na sila. Maya maya pa ay gigising na din sila" nakangiti kong sambit ngunit agad akong nahilo mabuti't nasalo agad ako ni at Amor.

"Ayos ka lang....?" nag aalalang tanong nito.

"O.. Opo ate napagod lang po ako dahil sa paggamit ng ganoong lakas. Pinagbabawal po kasi ni nanay sa akin na gamitin iyon delikado daw po" kita ko naman ang pangamba sa mukha ni ate.

"Wag mo ng gagamitin iyon ha.. Siya mag pahinga ka muna saka tayo lalakad pag maayos ayos kana" nakangiti nitong sambit.







👇

MAHIWAGA (Ameurfina's Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon