CHAPTER 14: PAGKIKITA

78 5 0
                                    

AMEURFINA'S POV

"Nay.. Aalis na po ba talaga tayo?" pailang ulit ko ng tanong.

"Kailangan amor. Natitiyak kong naamoy kana nila dahil nasa wastong edad kana hindi rin magtatagal ay lalabas na ang tunay mong kapangyarihan" paliwanag ng ina habang nag aayos.

*Toktok!

Wait first time to ah.wala namang bumibisita sa amin. Lumapit na ako upang buksan ito iikutin ko na ang siradura ng pinto ng biglang..

"Celestina lumayo ka sa pintuan!" sigaw ni nanay kaya napaatras ako at agad na lumapit sa kaniya.

"Ano pong problema nay?" natatakot kong tanong dahil bigla nalang nagbago ang aura nito. Maging ang kaniyang mga mata ay umilaw.

"May mga aswang.."

Agad akong kinilabutan dahil sa sinabi ni nanay. Pero nakakapagtaka at may araw naman pero may gumagalang aswang?

*Blag!

"AHHHHHHH!!!" napasigaw ako ng bumagsak ang pintuang kahoy namin at tumambad ang tatlong kakaibang nilalang. May nakakatakot itong itsura at malalapat na pakpak. Matilos din ang mga kuko at ngipin nito. Mga aswang nga!

Itinago naman ako ni inay sa kaniyang likod at naging alerto sa mga maaaring maganap.

"Ibigay mo siya sa amin at walang masasaktan"

"Hindi maaari! Dadaan muna kayo sa akin!" sigaw ni nanay dito.

Hindi pwedeng wala akong gawin. Nilibot ko ang paningin at namataan ko ang isang itak sa di kalayuan kaya agad ko itong tinakbo saka bumalik sa likod ni nanay.

Sumugod na ang tatlong aswang at napapalibutan na nila kami

Rawrrrrhhh!!!

Nadaplisan si nanay sa pisngi matapos sumugod ang isa. Nagpakawala naman agad ang nanay ng isang bolang liwanag papunta dito ngunit sadyang mabilis ang mga nilalang na ito.

Rawrrrrhhh

Sinugod ako ng isang aswang kaya iwinasiwas ko ang hawak na itak. Yess nadaplisan ko ito sa dibdib kaya napadaing ito ng bahagya.

Pansin kong nanghihina na si nanay Matapos magpakawala ng sunod sunod na liwanag.

"Nay..." nag aalala kong tawag. Tinignan lang naman ako nito saka ngumiti at muling nagpakawala ng sunod sunod na bolang liwanag.

Napadaing ang tatlo matapos tamaan nito ngunit matigas ang mga ito.

***

-Vesto (Engkanto) -

"Faura madali kayo! Nakakaramdam ako ng masamang presensya sa bahay na iyon! " sigaw ko sabay turo ng bahay.

"Sige na kuya at ate mauna na kayo. Hahabol na lamang ako mas mahalaga ang buhay ng tagapagmana" sambut ni dony. Madali namang akong tumakbo patungo sa bahay at nagulat ako sa aking nadatnan.

May isang ginang na nakaluhod at tila hirap na hirap na katabi naman nito ang isang dalaga. Ito na marahil ang tagapagmana. Napapalibutan naman sila ng tatlong aswang. Ang mga umatake sa amin nung nakaraan!

Agad kong ihinampas ang aking dalawang kamay sa hangin kasabay nito ang pagsugod ng mga matutulis na dahon patungo sa mga aswang. Ibinaba ko muna ang kanang kamay ko saka inihanada upang magpakawala naman ng matitinik na baging. Itinutok ko ito sa direksyon ng isa kaya agad itong nanghina matapos matusok ng mga tinik ko. Sumugod naman ang dalawa ng sabay sa akin kaya naalarma ako ngunit bago ito makalapit ay nabagsakan na ito ng isang putol na kahoy. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng bumagsak sa sahig.

"Faura!" sigaw ko matapos makita ito na nanghihina sa sahig. Masyado niyang ginamit ang kapangyarihan mapalipad lamang ang katawang ng isang kahoy.

Nakita ko naman sa aking gilid na paalapit ang aswang na aking nasugatan kanina ngunit natigil din ito ng may maghagis dito ng pabilog na bagay at bigla na lamang sumabog. Napaatras ito at makikita mong labis na ang pinsala sa katawan.

Kita ko ding nanghina si Dony matapos maglabas ng isang malakas na bomba mula sa kaniyang katawan. Ito pala ang kaniyang kakayahan.

Awang awa ako sa sinapit ng dalawa kong kaibigan kaya hindi ko namalayan na papasugod na sa akin ang dalwang aswang. Iwawasiwas ko na sana ang aking kamay ng biglang may tumamang mga matitilos na kaliskis sa pakpak ng mga aswang.

Kaliskis?

Napalingon ako sa pinang galingan nito at nakita ko ang isang dalaga na nakasuot ng asul na bestida. Isa ba itong dyosa?

"Hwag mo akong titigan engkanto baka matunaw ako niyan" saad nito sa akin saka umirap. Maldita pala ang isang ito.

"lalalaaaaaa.... Lalaaaalaaaaaa..."
Narinig kong umawit ito habang nakatingin sa tatlong aswang. Tila ba nakadama ako ng pagod matapos marinig ang pag awit nito. Napaka makapangyarihan pala ng isang to.

"Imulat mo ang iyong mata binata, kailangan na nating makaalis dito habang natutulog ang tatlong aswang. Limitado lang ang pampatulog na isinagawa ko sa kanila kaya mabuti pang alalayan mo na yang mga kaibigan mo. Ako na ang bahala sa babae sa loob" paalala nito sa akin.

***

-Ameurfina -

Namangha naman ako sa aking nakita. Mga kakaibang nilalang ngunit hindi pa din mapakali ang aking damdamin dahil nanghihina na ang aking inay.

Ngunit bakit kung kailan ko kailangan ng lakas ay saka naman hindi uto dumating!

"Amor.... Anak... Natitiyak kong hindi na ako magtatagal kay sumama ka sa kanila at h'wag na lalayo. Nararamdaman kong ipinadala siya ng iyong ina para makatulong..." usal ng ina habang umuubo ng dugo. Labis talaga itong napinsala sa nangyari.

"Ina... Pero hindi ko kaya ng wala ka..." sambit ko pa dito ngunit hindi na niya nagawa pang umimik. Ngumiti na lamang ito saka biglang lumiwanag ang katawan. Hindi ko na napigilan ang aking hagulgol dahil ramdam kong lilisan na ito.

"Inaaaaa..." pabulong kong saad sa pagitan ng aking paghikbi. Nakayuko lamang ako at patuloy na umiiyak. Naglaho na ang katawan ni nanay at sumalo na lang sa hangin.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng presensya sa aking harapan. Pinunasan ko ang aking matang nanlalabo dahil sa luha saka sinimulang tignan kung sino ang aking nasa harapan. Nagulat ako sa nakita.

Ang babae sa ilog..

Inalalayan ako nitong makatayo saka agad akong inakap. Yinakap ko din ito at tuluyan ng humagulgol muli.

"Magiging maayos din ang lahat Amor. Ngunit bago iyon ay kailangan na nating umalis bago pa magising ang mga aswang na ito" sambit nito sa akin kaya napatango na lang ako.

Muli kong nilibot ng tingin ang kabuuan ng munti naming tahanan na ngayon ay magulo na at puro sira.


"Babalik ako dito..." sambit ko pa saka tuluyan ng lumabas ng bahay.









👇


MAHIWAGA (Ameurfina's Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon