EPILOGUE

78 4 0
                                    


AMEURFINA'S POV

"Aleyahhh!!!!" Tuwang tuwa kong sigaw saka dali daling tumakbo sa kaniya upang yumakap. Hindi ko na rin napigilan ang luha.

"Aghh.. Amor hindi...ako makahinga.."

"Hehe Sorry.." paumanhin ko nalang.

Siya naman itong yumakap sa akin wahhh.

Bigla ko tuloy naaalala ang pagtulong niya sa akin sa panghuhuli ng isda...

Nakakatuwang ala ala.

***

Makalipas ang ilang araw ay napag pasyahan ng umalis ng mag Kubot at ang malungkot dito ay isasama nila si Ana.

"Maaa! Hindi ba ako pwedeng maiwan dito?" lumuluhang pagmamakaawa ni ana. Napapailing na lang ang kaniyang pamilya kaya ako na ang lumapit kay ana upang kausapin.

"Ana..." pagtawag ko rito. Nilingon naman niya ako saka agad niyakap.

"Atee.... Gusto ko dito..." umiiyak nitong sambit kaya naiyak na rin ako. Gustuhin ko mang dito na lang siya ay hindi maaari't may pamilya siyang nag aabang sa kanya.

"Ana.. Makinig ka sa akin, sumama ka nalang muna sa pamilya mo... Wag kang mag alala't bibisitahin kita paminsan minsan o maaari ring ikaw ang bumisita" pag aalo ko nalang dito. Napangiti naman ito.

Nagpasalamat sa akin ang pamilya niya kaya Nginitian ko rin ang mga ito. Yumakap muli sa akin si ana sa huling sandali saka tuluyan ng umalis.

"Paalam ana..."

***

Matapos umalis ni ana kamakailan ay ngayon naman si aleyah kaya't naririto kami sa tabing dagat upang ihatid sila.

Hindi ko mapigilan ang aking mga luha habang naglalakad. Si aleyah kasi ang una kong nakilala kaya mabigat para sa akin ang pakawalan siya.

"Amor.. Ano ka ba. Babalik pa din naman ako" pag aalo nito sa akin kaya napatango naman ako. Hindi ako pwedeng magdesisyon ng basta basta lalo't sa susunod na araw ay kokoronahan na ako.

Yumakap ako sa huling sandali kaya aleyah. Hinawakan nito ang kwintas saka may biglang sinambit. Umilaw ang ibabang bahagi nito at ang paa niya'y biglang napalitan ng buntot.

Muli itong lumingon sa akin at dahan dahan na silang lumulusong sa tubig. Kumaway pa sila sa amin saka sabay sabay nagsipaglanguyan papalayo.

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Mabuti narito pa sila Cailey, Celestina at Faura upang akoy damayan. Nakamasid lang naman sa akin si Lynx, Ethan at vesto.

***

"Ngayon ay Ipinapaalam ko sa inyong lahat na ang prinsesa Ameurfina ay ganap ng reyna ng kagubatan" masayang sambit ng matandang diwata.

Agad namang namayani ang hiayawan at palakpakan dito.

Napangiti naman ako habang nakatuwid ang tayo sa harapan ng iba't ibang nilalang. Nakita ko sa kabilang banda sila Celestina kasama ang iba pang kababaihan at sa kabilang dako naman ay sila Vesto kasama ang mga kalalakihan.

Hindi ko aakalain na makakatagpo ang ako ng mga ganitong klaseng kaibigan at pamilya.

Nawalan man ako ngunit marami namang ipinalit.

Ang simpleng buhay ko noon kasama ang dating malupit na nanay ngayon ay napakahiwaga na ...


Nilibot kong muli ang paningin. Nagpapasalamat ako at nakilala ko ang mga nilalang na ito.

Pangiti ngiti ako ng biglang may sumagi sa aking isipan.

Ughhh bakit nalimutan kong itanong kay ina kung sino ang tunay kong ama.. Tskkk..



Sa tamang panahon anak....


Napangiti naman ako sa narinig dahil alam kong boses iyon ni ina.








Ako si Ameurfina na may dating malupit na buhay

Naging sunud sunuran sa aking nanay.

Pero ngayon ako na ang namamahala sa lahat at ako na ang sinunusod.








Hanggang sa muli nating paglalakbay..









-THE END-

👇

MAHIWAGA (Ameurfina's Life) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon