Kahapon ay nilinis namin ang bahay kubo para may matulugan. Buti na lang talaga ay may nakita kaming ganito rito. I think there were people who lived here too kaya may ganoon?
Tuwing natutulog kami ay palaging isang metro ang layo namin sa isa't-isa. Parang social distancing kumbaga. Hindi naman sa iniisip kong may virus siya at naka-quarantine kami, I am just making sure that he will not do anything to me.
Lagi akong nagpapasalamat na siya ang naging nakasama ko rito. I am now convinced that he's a good man. A gentleman one that respects me as a woman. Noong unang araw pa lang namin dito ay hindi ko pa siya nakikitang hinawakan ako.
Nauna akong nagising kaysa sa kanya. Sinigurado ko talaga iyon dahil maghihiganti ako sa pinag-gagawa niya sa akin.
I smirked and walked towards him. It's payback time! Humanda ka sa akin ngayon. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha habang natutulog. Chickboy siguro 'to? His face will surely attract many girls.
Kinuha ko ang timba na ginamit niya sa akin kahapon at pinuno iyon ng tubig galing sa dagat. The sun is still down. I glanced at my wristwatch and saw that it's quarter to five. Buti na lang ay may dala akong relo. Ang bag ko at iba pang gamit ay nawala noong paggising ko.
Nagbilang muna ako ng isa hanggang tatlo bago tuluyang ibinuhos sa mismong mukha niya ang tubig. I was about to laugh so hard when he awakens but he's not responding, still asleep.
Napakurap ako saglit at tinadyakan siya ng mahina baka sakaling magising, pero wala pa rin. Nagsimula akong kabahan.
Is he dead or something? I gulped and my heart started to beat fast.
Unti-unti akong lumuhod at inilapit ang tenga sa kaniyang dibdib. When I didn't hear anything, I started to shake his shoulders. Hindi ko alam pero kusa na palang tumulo ang mga luha ko.
"Red..." Niyugyog ko ang balikat niya habang nanginginig ang mga labi ko.
"Red!" pagsusumamo ko.
Hinawakan ko ang pulsuhan niya ngunit bago nagawa iyon ay bigla siyang nagmulat ng mata at ngumisi.
"It's the first time I heard you say my name."
Umasim ang mukha ko at nagsimulang huminga ng malalim. Titigan ko siya nang mariin habang nagtitimpi sa galit. Sinusubukan talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko, ah?
"Can you say it again, please..."
I shook my head and stood up. Umatras ako papalayo sa kanya dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
"How dare you!" I shouted. As usual, he just laughed. Uh!
"Pinag-alala mo ako!" I started shedding tears which made him stilled. Akmang lalapit siya pero tinulak ko siya nang malakas.
"I'm sorry... It's just that, I saw you holding the bucket with water, kaya naisip ko kaagad na gaganti ka sa akin," mahina niyang sambit.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad at nagsimulang umiyak.
BINABASA MO ANG
Island Serendipity
Teen FictionSTAND ALONE | COMPLETED Like a bolt from the blue, falling in love is the last thing Cora Eliana Laurel would do in life. One thing is for sure, instead of investing her time to have a boyfriend, she considered focusing on herself first. Nevertheles...