Today is our sixth day here on the island. After talking some serious things with Red last night, it made me a bit uncomfortable to be with him.
E, paano ba naman kasi, sino ba naman ang hindi ma-awkward sa pag-amin niya kagabi.
"Palagi kong binabalak lumapit sa' yo pero... ang presensiya ni Jaira ang pumipigil sa akin sa tuwing tatangkain kitang lapitan. Ngayon, wala siya rito at sasabihin ko na lahat ng nararamdaman ko sa 'yo."
His voice echoed in my mind. I remember him saying that me to last night. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses niyang sinabi kagabi na gusto niya ako. My gosh!
"Why are your cheeks so red?" bungad niya sa akin.
"Wala ka namang blush on kaya bakit ganyan?" His brows furrowed.
'Yan ang napapala mo sa kakaisip kay Red, Cora!
"Ah... huwag mo nang pansinin! Natural ito dahil sa sinag ng araw. Alam mo na, dahil sa kutis kong porselana." I tried smiling.
Tumango lang siya at nag-iwas ng tingin. Napansin kong may tinatago siya sa likod niya. Sinisilip ko iyon pero ayaw niyang itong ipakita.
"Ano ba kasi 'yan?" Kumunot ang noo ko.
"Uy!" pamimilit ko.
He let out a deep sigh before showing me a bunch of flowers in different colors. I smiled widely as I clapped like a kid.
Ang ganda-ganda!
"For you." He handed me the flowers. I can't stop smiling while looking at it. It is so beautifully arranged.
"Thank you! Where did you get these?" tanong ko habang naka-titig lang sa mga bulaklak. May red, may violet, at white na bulaklak.
"Diyan lang," mahina niyang sagot animoy nahihiya. Ang cute niya kapag ganito. Sarap pisilin ng cheeks niya.
My heart feels so warm and happy by receiving these flowers from him. May kung ano ring nasa tiyan ko na sobrang sarap sa pakiramdam.
Why am I feeling like this?
I just shrugged my shoulders. Binalewala ko lang iyon dahil siguro natural na bibigyan niya ako ng ganoon. Manliligaw ko siya, e.
Wow! Feel na feel mo naman, Cora Eliana! Landi mo!
Pagkatapos kong inihaw ang nahuling isda ni Red ay saktong dumating naman siya, dala ang mga prutas.
He was smiling while walking towards me. Ang gwapo niya kahit bagong gising at walang ligo. Napaka-bango rin ng natural na amoy niya. Iyong tipong gusto ko siyang amuyin buong araw.
Pero char! Hindi ko gagawin iyon!
"Let's eat!" masaya kong sabi at umupo kami sa lamesa kaharap ang mga pagkain.
Habang kumakain ay nagsalita ako. Pinipilit ko talagang maging kumportable kapag kasama siya. Minsan kasi ay naiilang ako kapag nakatingin siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mata. Aakalain mo na lang talaga na may masama siyang balak. Pero hindi naman! Good boy itong si Redentor.
"Kung tatanungin ka gusto mo pa bang manatili rito? Ayaw mo na bang bumalik sa lugar natin?"
Napatigil siya sa pag-nguya at ngumiti sa akin. "Yes, I would love to stay here when you are with me. Pero kung hindi kita kasama, huwag na lang!"
Natawa ako dahil para siyang nagdadabog.
"Bolero!" panga-asar ko.
"Maganda!" balik na sigaw niya na nagpa-estatwa sa akin. I blinked twice before meeting his gaze.
"Uy! Nag-blush siya! Kinikilig ka, no?" He teased me.
"Hoy, huwag kang ma-feeling, ha?" I raised a brow and rolled my eyes.
"Ay sus!" Humalakhak siya.
I remained my stoic face. Taas noo akong tumayo at iniligpit ang kinainan naming dalawa at hinugasan sa labas.
"Tulungan na kita..." Biglang sulpot ni Red sa tabi ko. He was just a few inches away from so I felt our skin touched.
"Huwag na Red, kaya ko na. Kakaunti lang naman nito, e." Ngumiti ako.
"Sure?"
I nodded and he nodded too. Buti na lang ay nagkaintindihan kami agad. Hindi niya ako pinipilit sa gusto at hinahayaan na lang.
Tanghaling tapat ay hindi kami nagpunta sa dagat dahil sobrang init. Kahit walang salamin ay nararamdaman kong umitim na ako. Uh! Ang hirap pa namang ibalik ang kulay ko sa dati. This is why I hate going to beaches.
While sitting on a rock in front of the nipa hut, I felt Red came closer to me.
"Hey," pagbati niya.
"Hey..."
"Huwag kang mag-alala, kapag naka-alis tayo rito ay uulanin kita ng mga regalo. Gusto kong ibigay lahat sa 'yo ng luho mo."
Kumunot ang noo ko. "Ano ka ba! Hindi na kailangan. Baka sabihin pa ng iba, lalo na ni Jaira na pera lang ang habol ko sa'yo."
"I won't allow that to happen. Trust me," he assured me with his words. Napangiti ako sa kung paano niya ipinipapakita na poprotektahan niya ako.
Nagpakawala ako ng ngiti. My uneasiness towards him slowly faded. Gumagawa talaga siya ng paraan para maging komportable ako sa kanya.
Friends pa rin kami 'di ba? Kasi 'di ko pa siya sinasagot. I wonder, paano kaya kapag naging boyfriend ko na siya?
"Kapag naging boyfriend na kita, anong mga gagawin mo?" inosente kong tanong.
"You will surely like it," he sounded so sexy as hell.
Inaakit niya ba ako? Nanliit ang mga mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa looban para maitago ang ngiti. Baka mamaya kapag nakita niya akong kinikilig, kung ano na isipin niya.
Tumawa lang si Red at hindi na dinugtungan ang sinabi ko.
"Ano pangarap mo?" tanong ko.
"Hmm... I want to become a doctor. A heart surgeon to be exact. My father has a heart disease so..."
"Sorry to hear that."
"It's okay, ikaw? Ano gusto mo maging?"
"Abogado. Gusto kong ipagtanggol ang mga inaapi!" malakas ang loob kong banggit.
"That fits you, Atty. Cuevas."
Humalakhak siya ulit. Puro siya tawa!
"Atty. Cuevas? Ikaw iyon hindi─" Natigilan ako nang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Ayos din ang mga banat niya sa akin, ah. I can't deny that it's really effective.
"Speed lang? Hindi pa nga kita sinasagot, e!" Umirap ako pero ngumiti rin kalaunan.
He just stared at me and remained silent. We talked about other things the whole day. Wala rin kasi kaming magawa kundi mag-kwentuhan lang. Our talk served as 'getting-to-know-each-other session. Sa gayon, marami akong nalaman tungkol sa kanya. Mas lalo kong nakilala kung sino talaga si Redentor Cuevas na dumating sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Island Serendipity
Teen FictionSTAND ALONE | COMPLETED Like a bolt from the blue, falling in love is the last thing Cora Eliana Laurel would do in life. One thing is for sure, instead of investing her time to have a boyfriend, she considered focusing on herself first. Nevertheles...