"Mornin'..." he greeted me. I was walking in the kitchen towards him.
"Morning! Dapat ako ang gumagawa niyan, e. Gawain ng babae 'yan," I said in amusement when I saw him preparing for our breakfast.
"Ako na, ayokong mai-stress ka, kaya kita pinagsisilbihan."
"I am not a damsel in distress Red, I don't need you to serve me," mariin kong tugon.
He looked at me and smiled. "Just let me do this, I wanna spoil you." Hinaplos niya ang buhok ko habang titig na titig aa akin.
I can't help smiling. "Parte ba 'yan ng panliligaw mo?" I asked the obvious. Kahit alam ko na ang sagot, may parte sa akin na gustong marinig iyon mula sa kanya.
"Yes..." he spoke.
We ate breakfast as usual. Like before, I washed the dishes. Red tried to stop me but I always insist. Gusto kong may pagka-abalahan dahil sa ganitong paraan na nga lang ako nalilibang.
"May pupuntahan tayo, Cora," bungad ni Red nang makalabas ako.
Sa kamay niya ay may panyo at nagulat ako nang ginawa niya itong piring. Naramdaman kong inilahad niya ang kamay niya sa akin bilang gabay.
"Ano nanamang kalokohan ito, Red?" I asked in curiousity.
"Cora, this is not a prank. Just wait and see." I heard him chuckle a bit.
I pursed my lips as he guided me to walk. He's always careful every time there's a stone in my way or anything else. Sinasabi niya rin kung may pababa na daan at kung ilan ang dapat na hakbang ang gagawin ko.
"Dahan-dahan, baka madapa ka. Ayokong magkaroon ka ng galos dahil sa akin..."
"Surprise ba ito?" I said excitedly.
Hindi ko siya narinig magsalita. Baka surprise nga. I giggled in happiness. Ano kaya ito? After walking for minutes, he stopped. I can hear some water flowing from somewhere. May sapa ba rito?
"Stay right there. And don't take off your blindfold unless I ask you to, okay?" he said.
Tumango lang ako. Naramdaman kong umalis siya sa harap ko.
"Uy! Saan ka pupunta?" aligaga kong tanong. Kinabahan ako nang ma-realize na wala siya sa tabi ko.
"Tanggalin mo na!" he shouted from a far.
I slowly untied the handkerchief covering my eyes. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ganoon na lang ang paghanga ko sa lugar na kinatatayuan ko.
"Wow..." I was amazed by the beautiful waterfalls in front of me. Napakataas nito at bumubuhos mula sa tuktok nito ang sari-saring tubig na bumabagsak sa ibaba.
Hindi ko rin mapigilan ang pag-awang ng aking labi dahil sa mga magagandang puno na kulay berde. Mayroon ring arko na puno ng bulaklak habang si Red naman ay nasa dulo ng nagkalat na petals.
BINABASA MO ANG
Island Serendipity
Teen FictionSTAND ALONE | COMPLETED Like a bolt from the blue, falling in love is the last thing Cora Eliana Laurel would do in life. One thing is for sure, instead of investing her time to have a boyfriend, she considered focusing on herself first. Nevertheles...