Day 05

207 90 152
                                    

I was sleeping peacefully when Red came shouting that I should wake up already

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I was sleeping peacefully when Red came shouting that I should wake up already. I rubbed my eyes and got up from bed.

"What?" matamlay kong sabi. Gusto ko pang matulog. Ano ba kasi nanaman ang problema nitong lalaking 'to?

"Nakakita ako ng isang bangka kanina na palaot-laot doon!" aligaga niyang bulyaw habang nakaturo sa dagat.

Matagal bago ko na-realize ang sinabi niya.

"Ano?!"

"Halika bilis!" Hinila niya ako patayo at tumakbo kami papalapit sa dagat.

When we reached the shore, Red wasn't lying. There was really a boat but I think it is too far away from us. We started jumping and shouting for help.

"Tulong!"

"Tulungan ninyo kami!"

"Help us!"

"We are stuck here! Tulong!"

Halos mawalan kami ng boses kakasigaw pero nabigo kami dahil mas lalong lumayo ang bangka. I swallowed hard ang tried yelling until I ran out of breath.

"Hey! Come back here!"

"Bumalik kayo rito! Tulungan niyo kami!"

Pero napaos na kami lahat lahat ay mas lalong hindi lumapit sa amin ang bangka hanggang sa hindi na namin sila nakita.

Napahilamos ng mukha si Red habang nakatulala lang ako sa kawalan. Tuloy ay napaupo kami sa dalampasigan at malayong tinanaw ang natatanging pag-asang unti-unting nawala.

I cheered him up. "Huwag kang mag-alala, baka bukas o makalawa ay bumalik ulit iyon dito." I smiled.

He looked at me with his sad eyes. "You think?"

I just nodded and stood up. Inabot ko ang kamay niya at pilit itinayo. Kunot noo niya akong tiningnan.

"Halika, maghanap na tayo ng agahan. Idaan nalang natin sa pagkain 'yan!" Ngumiti ako na siyang ikinatawa niya.

Isa sa aming dalawa ang dapat maging positibo palagi dahil walang mangyayaring maganda kung pareho kaming negative mag-isip.

He smiled back. "Let's go."

Nagsilbing agahan namin ang hinog na mangga at bangus na nahuli ni Red kani-kanina lang.

"So ganito pala ang feeling na tumira sa isla. Walang gadgets, walang tv, at pati pagkain ay nakukuha lang sa gilid," naka-ngiti niyang saad.

I nodded. "Feeling ko tuloy, tayong dalawa sina Eva at Adan."

Nangunot siya ng noo dahil sa sinabi ko bagaman kalaunan ay natawa lang din siya.

"Baka ikaw si Adan?" tukso niya sa akin. Mukha ba akong lalaki?

"Bakit naman ako si Adan? E 'di ikaw si Eva? Bakla ka 'no?" Ibinalik ko ang pang-aasar sa kan'ya.

Island SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon