Ikaapat na araw na namin ni Red sa islang ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa kaming magawang paraan para maka-alis.
I was relieved when there were things that can help us to survive inside the nipa hut we saw. Mayroon ding poso sa likod na siyang malaki ang tulong sa pag-inom namin ng tubig. Sobrang alat kasi ng tubig sa dagat.
Mayroong mga damit, lamesa, mga gamit sa kusina at kama sa loob. Ako ang naka-higa sa kama habang sa papag naman si Red. At dahil gentleman siyang tao, hinayaan niya ako. I told him that we should take turns in using the bed, but he declined.
Sa umaga ay sa dagat kami naliligo. Ang pagkain namin ay nakukuha diyan lang sa labas. Hindi kalayuan ang bahay kubo roon sa dagat kaya minsan pabalik-balik kami sa dalawang lugar.
"I will never forget this experience until I grow old," I said and looked at the blue ocean.
"Me too. That I lived on an island with a beautiful girl." Tiningnan niya ako gamit ang mga mapupungay na mata.
Napalingon ako dahil sa sinabi niyang iyon.
"Wow! May gana pang mambola!"
Wala kaming magawa ngayong araw kaya naman nagpasya na lang kaming mag-kuwentuhan tungkol sa mga buhay namin.
"Cora." May hinugot siya mula sa kanyang bulsa. Nangunot ang noo ko sa nakita. It was the ID that I wore on school.
"Hoy! Sa akin ba 'yan?" Pilit kong inagaw iyon sa kamay niya ngunit hindi niya binigay.
"Hindi ah! Feeling mo naman! Akin ito," pahayag niya kaya tumango na lang ako.
I blinked twice when I saw the ID again. Magka-schoolmates kami? Kaya ba kilala niya ako?
"Schoolmates tayo. Ako iyong... n-nagpahiram ng payong sa 'yo noong umuulan malapit sa school," he uttered and scratched his head like that is something to be ashamed of.
"Ikaw 'yon?!" gulat kong tugon. Hindi ko siya halos nakilala. Parang ang sama kong tao tuloy dahil doon.
Tumango siya. "Sikat ka school dahil sa pambubully sa'yo ni Jaira," sabi niya.
Jaira... Naiinis ako sa tuwing maririnig ang pangalan niya. Siya ang dahilan kung bakit ko nararanasan ang pagdi-discriminate ng ibang estudyante sa akin sa school. Si Jiara ang nag umpisa ng lahat lahat.
"Dati kong nililigawan si Jiara–"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil parang naga-alborutong bulkan ang bunganga ko sa pagsasalita.
"Yuck! Ano nagustuhan mo roon? E, puro paganda lang ang alam no'n!" biglang tumaas ang boses ko nang maalala ko si Jaira.
"Bakit ganyan ka maka-react? Selos ka?"
My eyes widened. "Hindi no! Why would I? And besides, it's normal that I talk behind her back 'cause she's mean to me!"
"Okay." Tumango-tango siya. "Niligawan ko siya dati," binigyan niya ng diin ang huling salita. "Pero tumigil ako dahil nalaman ko ang totoong ugali niya. At... may iba na akong nagugustuhan noon."
"Ah... tapos?"
"Pinaghigantihan niya rin iyong taong nagustuhan ko bukod sa kaniya."
"Tsk! Kawawa naman pala iyong babae. I feel her," malungkot kong sambit pero hindi umimik si Red, siguro naaawa rin siya.
Hindi ko maintindihan ang pinanghuhugutan ng babaeng iyon. Walang siyang puso. Kaya ganoon nalang ang awa ko sa mga target niya dahil ako na mismo ang nakaranas ng pambubuyo niya.
Her father owns the school na kaibigan ni Auntie Jamara. Kahit gustong-gusto kong umalis sa school na iyon ay pinipilit ko pa ring pumasok dahil malaki ang utang na loob ko kay Auntie sa kabila ng pagmamalupit niya sa akin.
"Ikaw? Anong kwento mo? I already told you about my Mom, mag-kwento ka rin naman!" usisa niya sa akin.
I looked at him. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya sasabihin ko sa kanya ang kwento ko sa buhay.
"Bata pa lang ako, wala na parents ko. Namatay sila dahil sa isang aksidente, buti nga nabuhay pa ako. Siguro, I was around eight years old or something."
"Ay! Mas bata ako noong iniwan ako ni Mama. Five years old!"
Dinilatan ko siya. "Ako iyong magku-kwento 'di ba?" Nagtaas ako ng kilay at ngumuso.
"Sige, sige... ituloy mo na." Tumawa siya kaya natawa na rin ako. Alam kong sinasadya niya ang mga hirit na ganoon para matawa na rin ako. I just rolled my eyes and pursed my lips.
"Pagkatapos nilang namatay ay tumira ako sa kalsada at–"
He cut me off from talking. "Really?!" His mouth formed an o. Mukhang gulat na gulat ang mokong.
"Ano ba!" inis kong saad dahil hindi ako makapag-kuwento ng maayos.
"Sorry," pagpapaumanhin niya.
"Tumira ako sa kalsada. Namulubi at halos mamatay sa gutom hanggang sa may dumating na ale para tulungan ako. Si Auntie Jamara." I stopped and took a deep breath before continuing.
"She was good to me at first but..." My eyes started releasing hot liquids that rolled down my cheeks.
"It's okay if you're not ready yet, I understand," aniya at pinunasan ang mga luha ko.
I shook my head. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita ulit. Gusto kong ilabas ang lahat ng ito.
"Lagi niya akong sinasaktan at minsan hindi pinapakain ng maayos. She told me that she owes my parents a lot but it's the other way around. Nang nalaman ko iyon ay binalak ko kaagad tumakas pero nahuli niya ako at kinulong ng isang araw," dire-diretso kong sambit.
"Natatakot ako sa mga pwede niyang gawin sa akin. Actually, dapat pagkatapos sana ng uwian namin noong lunes ay lalayas ako ulit pero napunta ako rito..."
"Bakit siya maghihiganti?"
"Isinisi niya sa parents ko kung bakit namatay ang anak niya. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong hindi iyon magagawa nina mommy at daddy."
Sigurado naman akong walang ginawang masama ang mga magulang ko ninuman. They are both kind, alam ko iyon dahil anak nila ako.
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Hinawakan ni Red and pulsuhan ko para hilain palapit sa kanya.
He hugged me. Hinaplos niya ang likod ko at paulit-ulit na bumubulong na magiging okay lang din ang lahat.
"Akala ko ay iyong problema ko na ang pinakamasaklap, iyon pala ay hindi. Huwag kang mag alala dahil kapag nakabalik na tayo ay tutulungan kitang maka-alis sa puder ng Jamara na 'yon!"
"Talaga?" Ang kaninang malungkot na damdamin ay napalitan ng saya.
"Oo naman! That's what friends are for 'di ba?"
I smiled. "Friends na tayo?"
"Oo naman!" masaya niyang banggit.
Hindi namin namamalayan na kanina pa pala kami nakakapit sa isa't-isa. Unti-unti kaming humiwalay at nag-iwas ng tingin.
"Sorry..." sambit naming dalawa ngunit kalaunan ay sabay din kaming natawa sa hindi malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Island Serendipity
Teen FictionSTAND ALONE | COMPLETED Like a bolt from the blue, falling in love is the last thing Cora Eliana Laurel would do in life. One thing is for sure, instead of investing her time to have a boyfriend, she considered focusing on herself first. Nevertheles...