Kahapon, pagkatapos akong hinalikan ni Red ay hindi niya na ako pinansin buong araw. Nagsisisi kaya siya kaya ganoon ang reaction niya?
Kagigising ko lang at nakahanda na ang agahan namin. Nilagang kamoteng kahoy ang nakahain sa hapag. Hindi ko makita si Red sa buong bahay. Nasaan siya?
"Red!" I called his name.
"Red!" I shouted again.
"Re–" nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.
A smile was plastered on his face as we locked our eyes.
"Miss mo na ako agad?" He playfully smirked.
Bakit biglaan namang nag-iba ang mood niya? Natuwa ako dahil ganoon. Minsan kasi naiisip ko, paano kung iwan niya ako? O kaya magbago pakikitungo niya sa akin? Parang hindi ko yata kaya dahil nasanay na ako sa presensiya niya.
"Bati na tayo?" I smiled widely.
His eyebrows creased. "Hindi naman tayo nag-away, ah?"
I tilted my head and drifted my eyes to look up the sky. Sa pagkakatanda ko ay pagkatapos naming naligo sa dagat ay buong magdamag niya na akong hindi pinansin.
"Ah!" Nagkamot siya ng ulo. Mukhang alam niya na ang ibig kong sabihin.
"I was just..." He deeply sighed. "Iniwasan kita kasi nahihiya ako roon sa ginawa ko. Alam kong hindi iyon makatarungan at posibleng magalit ka sa akin."
He looked away every time I want to meet his gaze.
Humalakhak ako. "Ngayon ka pa mahihiya, e ilang beses mo na nga akong nahalikan."
Hindi siya kumibo at nanatiling nasa malayo ang tingin. Ngayon, kaharap ko ang mukha niyang naka-sideview. Kahit pala ganito, ay napaka-gwapo niya pa rin.
I saw him clenched his jaw while gulping a couple of times. He looks so handsome when he's like this. I wonder if he's foreign blooded? He has the foreign looks kasi, e.
Just by thinking that he once had feelings for Jaira, makes me feel upset. Is this the jealousy they are talking about? Pero hindi ko naman siya gusto para magselos diba? Yes, hindi ako nagseselos. Period!
"Kumain na tayo." Naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Jaira dahil bigla siyang nagsalita. He still didn't look at me in the eyes.
I smiled and followed him until we reached the kitchen. While we're eating breakfast, silence occupied us pero kalaunan ay nagsalita rin si Red.
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" tanong niya na siyang nagpatigil sa akin sa pagsubo.
I bit my lower lip and shook my head. I saw him smiled devilishly. Why is he so happy about that? Ano naman ngayon kung wala pa akong nagiging boyfriend?
"E 'di ako ang magiging first boyfriend mo kapag nagkataon na sinagot mo ako?"
Nagtaas ako ng kilay. "Feeling! Hindi pa nga nangyayari, e!" I gave him an amused smile.
"Sisiguraduhin kong makukuha ko ang matamis mong oo, Cora."
"Let's see..." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.
I was already going outside to wash the dishes but Red came and towered me. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit ko kumpara sa kanya. My height is 5'6 and if I'm gonna compare it to others, matangkad na ako kung ituring. But seeing Red taller than me, made me think that I am too small.
"Okay ka lang ba rito? May pupuntahan lang ako saglit doon," pagpapa-alam niya.
"Saan?" Nangunot ang noo ko at ngumuso. Iiwan niya ako mag-isa rito.
He patted my head when he saw me pout. "Don't pout, I might kiss you again." He chuckled sexily.
Pinalo ko ang dibdib niya dahilan para mapa-atras siya ng konti. Pinanliitan ko siya ng mata. May pagka-pilyo rin itong si Red. Ewan ko ba kung matutuwa ako o hindi sa mga pinapakita niyang katangian sa akin.
"Bilisan mo, ah! Huwag kang magpapa-gabi."
"Yes, ma'am! Babalikan kita rito, huwag kang mag-aalala." He smiled, assuring me.
I smiled back. "Sige, mag-ingat ka, Mr. Cuevas!" I waved my hand at him before he went out.
Nagtaka ako. Saan kaya ang tungo no'n? At anong gagawin niya? Hindi man lang sinabi nakakainis! Lumaylay na lang ang balikat ko at pumunta sa likod para hugasan ang pinag-kainan namin. Katulad ng sabi niya kanina, babalik naman siya. Kaya dapat huwag ko nang ikabahala iyon. Baka kung usisain ko siya ay aasarin niya lang akong miss ko na siya.
Dumating ang pananghalian ay akala ko darating na si Red pero nag-antay ako hanggang alas dos ay hindi pa rin siya umuuwi. Baka siguro ay mamayang hapon o gabi pa iyon uuwi. Nagsikap akong huwag muna siyang alalahanin at inabala na lang ang sarili.
Dahil bored ako at walang maka-usap ay nagpasya kong paglibangan ang mga bulaklak. Pumitas ako sa may gilid ng kubo at in-arrange ang bawat kulay nito. Mayroon din akong ibang pinaghalo na pwedeng ilagay sa loob ng bahay para i-disenyo.
Napansin kong malapit nang magtakip-silim. Abala ako sa pag-aayos ng mga bulaklak at hindi ko namamalayan na lumulubog na pala ang araw. Pumasok na ako sa loob dahil baka delikado kapag gabi na.
Delikado...
Si Red! Nasaan na siya? I started to get worried and nervous because he's out in the forest for how many hours.
Hindi ako mapakali at umikot-ikot sa loob ng bahay dahil sa pag-aalala. Sinabi niya naman sa akin na babalik siya diba? Kaya babalik siya. I will trust him on that.
Pero lumipas ang isa, dalawa, at tatlong oras ay hindi pa rin siya umuuwi. Halos ma-iyak na ako dahil sa kaba. Nasaan ka na ba?
I glanced at my watch. It's quarter to eight already! It's dangerous walking alone outside. I hate him! Pinapakaba niya ako ng ganito. Paano kung may nangyaring masama sa kanya roon?
Uh! Isa-isang pumapatak ang mga luha ko habang aligaga sa paghahanap ng gasera. I will go out and find him! What if something bad already happened? Hindi iyon magpapagabi ng ganito kung walang ibang nangyari! I'm gonna lose my mind if I find him dead!
No! Don't think negatively, Cora! He is alive! Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko palabas ng bahay kubo ay may nabunggo akong matigas na bagay dahilan para matigilan ako.
"Sorry for keeping you waiting..." his baritone voice filled my ears. I blinked twice and looked up. After waiting for hours, he's finally home!
Pinalo ko ng malakas ang dibdib niya.
"Sorry?! Matapos mo akong pinag-alala ng husto sorry lang ang sasabihin mo?!" galit kong sigaw sa kanya at nagsimula na akong humagulgol.
"Oh freak!" napamura siya nang mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"I thought you were dead!" I shouted in between my sobs.
"Shh..." He pulled me closer to him and hugged me tightly. "Sorry, nawala kasi ako sa daan. Pero nandito na ako, hindi na ako ulit aalis."
"I thought you'll gonna leave me." I cried on his chest. Wala akong pakialam kung mababasa ng luha ko ang damit niya. Hindi ko lang talaga mapigilan mga luha ko.
"Hindi ko gagawin iyon. Mahal na mahal kita at simula ngayon hindi na ako aalis sa tabi mo," he whispered to my ears.
"I promise."
I'll hold onto your promise, Red.
BINABASA MO ANG
Island Serendipity
Teen FictionSTAND ALONE | COMPLETED Like a bolt from the blue, falling in love is the last thing Cora Eliana Laurel would do in life. One thing is for sure, instead of investing her time to have a boyfriend, she considered focusing on herself first. Nevertheles...