End

273 69 48
                                    

Upon waking up, my brain replays the last few scenes of my dreams

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Upon waking up, my brain replays the last few scenes of my dreams. Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang mga aligagang boses na nakapaligid sa akin. May lalaki at mayroon ding babae.

"She's awake. Check her vital signs!" utos ng lalaking naka-puting coat.

Is he a doctor? Bakit may doktor dito? Napalingon ako sa kamay kong may nakakabit na dextrose. Sa bunganga ko naman ay may oxygen para makahinga ako.

Teka! Nasa ospital ba ako? Nakabalik na ba kami ni Red? Medyo gumaan ang pag-iisip ko dahil doon.

"B-bakit ako... n-nandito?" nauutal at nahihirapan na tanong ko sa nurse na babae. Inalis niya ang nasa bunganga ko para makapagsalita ako ng maayos.

"Wala po ba kayong na-aalala, Miss? Ayon po sa mga nakakita, nabundol daw po kayo ng truck," sagot ng nurse sa akin.

"Huh? E, a-ang pagkakatanda ko... ay n-nasa isla ako," naguguluhan kong sabi.

Kumunot ang noo ng nurse. "Mabuti na lang po ay ang doktor na lang ang kausapin niyo tungkol sa mga nararamdaman niyo."

Tumango ako. May nagligtas ba sa amin ni Red doon sa isla? Pero kung meron nga, nasaan si Red?

"Nurse, wait!" Sinubukan kong bumangon pero sumasakit ang katawan ko.

"Ano iyon, Miss?" pagdududa niya at tinulungan akong bumangon.

"May kasama ba ako? Si Red?" sunod-sunod kong tanong kahit pinipilit kong indain ang sakit ng katawan. Kahit nahihirapang magsalita ay sinisikap ko pa rin.

"Red?" Kumunot ang noo niya. "Redentor Cuevas ba?" tanong ulit niy. May tiningnan siya sa chart at saka bumaling sa akin.

I nodded repeatedly. Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin niya.

"Ah! So kakilala mo siya. Kani-kanina lang ay inagawan na siya ng buhay bago ka nagising," banayad na sabi ng nurse. Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

Natawa ako. "Nurse, huwag mo nga akong lokohin ng ganyan! Sawa na ako sa mga pranks doon pa sa isla!"

Her face remained the same. "I'm telling you truth," mariin niyang sabi.

Kinabahan agad ako. Napalingon kaming dalawa sa pinto dahil bumukas ito. It revealed the doctor earlier.

"How are you feeling, Ms. Laurel?" Ngiting bati ng doktor. He seemed to be happy when he knew I already woke up but I just can't help feeling different.

"Nasaan si Red? Dalhin mo ako sa kanya!" sigaw ko kahit paos ang boses. Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga kalamnan ko.

"Ms. Laurel, calm down. You're still not fully recovered," pagpapakalma niya.

"No! He's not dead right?" I looked at him but he turned his head.

"Ms. Laurel, you were in a comatose for ten days baka kung ano ang mangyari sa katawan mo kapag pinilit mo siyang puntahan."

Island SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon