CHAPTER EIGHTEEN

9.5K 215 14
                                    

Pababa ako ng hagdan ng marinig ko ang mga tawanan sa kusina, pumunta agad ako roon at nabungaran si Emmanuel na nagluluto at nasa harap niya sila Papa na pinapanood siya. Agad na dumako ang tingin sa akin ni Manuel at ngumiti ng malaki.

"Excuse me, audience," he said before coming near me and hug me tightly.

I heard my mother's giggle from the background.

"Hope all!" she exclaimed and slap my dad's arm.

"I didn't wake you up kasi ang sarap ng tulog mo but I don't forget to give you kiss before going here." he said and kiss my forehead. Inalalayan niya ako umupo sa stool.

"I'm cooking our breakfast—"

"Mama! Bakit niyo naman pinag—"

"I insisted, baby. Madali lang naman 'to and I like doing this with you all." he said sincerely kaya ngumiti lamang ako.

Maya-maya rin ay napuno ng aming halakhak ang paligid ng kusina. Pagkatapos noon ay nag-ayos kami at umalis na rin sa bahay. Maraming paalala and life advice ang family ko kay Manuel na lagi ko naman naririnig but he is attentive and listening in what my parents saying.

Nagtagal kami ni Manuel sa Maynila ng tatlong araw para ayusin niya ang ibang negosyo rito, pero tuwing gabi ay lulutuan ko siya pagkauwi niya at manood kami hanggang makatulog.

Ngayon ang byahe namin pabalik sa Bataan kaya sobrang excited ako, kahit nung nakaraan ay halos isumpa ko ang lugar na iyon, pero ngayon ay iba ang nararamdaman kong saya dahil ginusto kong pumunta doon at para makasama si Manuel at makilala siya ng lubusan. Inaayos ngayon ng bodyguard niya ang mga bagahe namin, halos hindi ko sila nakita nung nakaraan siguro ay inutos ni Manuel na huwag muna kaming bantayan.

Tinawag niya si Fredo, tinanong kung naisakay na ang lahat ng gamit namin para makabyahe na. Tanghali na din kaming nagising dahil kagabi ay inumaga kaming dalawa sa pagbibigay ng kaligayahan sa isat isa.

Napapangiti nalang ako sa naiisip.

Pagkatapos nilang magusap ay siya na mismo nagbukas ng pinto para sakin kaya pumasok ako habang siya naman ay umikot para sumakay na rin, may driver kami ngayon, dahil mahaba ang byahe hindi rin siya magmamaneho dahil puyat padin daw siya at para na rin daw makatulog kami sa byahe.

"Magiistop over nalang tayo sa isang restaurant mamaya, tutal malapit ng maglunch, baby." sabi niya, tumango nalang ako at umusog malapit sa kanya, ang braso naman niya ay nilagay sa balikat ko, sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya.

Nararamdaman kong may tumatawag sakin, kaya napadilat ako, nakita ko si Manuel na nakatingin sakin, nakahinto din ang sasakyan kaya tiningnan ko kung nasaan kami, bumungad sa akin ang isang restaurant.

"Let's eat? It's lunch." nag-inat muna ako at tumango sa kanya, bumaba na siya at hinintay niya ako, naglahad siya ng kamay para kunin ko dahil pababa ako. Humangin ng malakas kaya ang suot kong dress ay tumaas kaya nakita ang hita ko buti nalang ay nahawi niya agad ito, kung hindi ay kita na ang lingerie ko, napatingin naman ako sa kanya at sa mga paligid namin pero wala naman nakapansin kaya hinawakan na lamang ni Emmanuel ang bewang ko.

"Fucking wind." he cursed.

Natawa na lamang ako kaya lalo kumunot ang noo niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumapit agad ako sa bandang duluhan na pwesto dahil walang masiyadong tao roon. Ayoko rin ng mga tingin na pinupukol sa akin ng tao, No. Ayoko ng tingin nila kay Emmanuel.

"You are really famous, huh?" I told him with amusement in my voice.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at ngumisi. Tinawag niya ang waiter upang lumapit sa amin, Pinagsalikop niya naman ang kamay namin na nasa lamesa.

Paint Of The Enchanted Nights (Marchero Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon