I left her in one of the guest room upstair, Naririnig ko sa ang sigaw niya sa may taas ngunit binalewala ko yon. Mapapagod din siya kakasigaw at tama nga ako dahil tumigil din siya. Lumapit sa akin si Fredo, ang head ng mga gwardiya ng aming pamilya.
"Bantayan mo si Avella habang wala ako. Ibigay mo sa kanya ang lahat ng kailangan niya maliban sa bagay na makakapagpatakas sa kanya rito." Wika ko at tinignan siya, Tumango ito bago nagsalita. "Okay po, Sir."
Tumingin ako sa aking orasan at nagtawag ng isa sa mga katulong, agad naman itong lumapit sa akin.
"Dalhan mo ng pagkain ang Ma'am niyo." Matipid kong wika, tumango naman siya at agad na pumuntang kusina.
I bet she is not eating yet. Lumabas na ako sa bahay at sumakay ng sasakyan upang tapusin lahat ng dapat kong tapusin.
Nagpalakad lakad ako at nag iisip ng plano kung paano ako makakatakas rito nang nakita kong nagbukas ang pinto kaya sabay kaming nagulat ng matandang babae na nagbukas ng pinto.
"Kumain muna kayo Ma'am at ipapahanda ko na ang gagamitin n'yo sa silid habang namamalagi po kayo rito." nakayuko ito sakin habang nagsasalita.
Naglakad ako pa palapit sa kanya para makausap ng maayos dahil mukhang siya ang makakatulong sakin na makatakas dito.
"Avella nalang ho Manang, hindi rin ho ako mamamalagi rito kasi may mga importante pa ho ako na gagawin, pwede n'yo po ba utusan yung mga driver n'yo rito na ihatid ako sa exhibit?" nakangiti kong sagot rito at kinuha ang dala niyang pagkain. SAkto rin na gutom ako dahil hindi ako nakakain kanina, sino pa ba ang dahilan?
Umangat ang ulo niya at mabilis na umiling.
"Mahigpit na pinagbibilin po ni Sir Emmanuel na 'di kayo pwedeng lumabas ng mansion." sagot ng isang lalaki, tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay habang lumalapit dito.
"Ang kapal talaga ng mukha ng amo mo at diba iba ikaw yung aso ni Emmanuel at ikaw rin ang may hawak ng painting ko kanina?! ibalik n'yo sa akin yung painting ko and I dont care about you and his stupid order." galit kong sambit sa kanya at nilagpasan siya ngunit wala pang ilang hakbang ay maraming bodyguard ang nakita ko, nakahilera sila isa isa sa bukana ng hagdan.
"Sundin n'yo nalang bilin ni Sir, Ma'am kundi masesesante ho kami at patay sa kanya pag-nagkataon." Sabi niya, Aba naman at nag-guilt trip pa siya. Ha!
Hindi na lamang ako nagsalita dahil wala naman dapat madamay sa away namin. Hindi ko namalayan na bumigay na pala ang tuhod ko at napahawak ako sa gilid ng hagdan. Kita ko ang pag aalala at awa sa mata ni Manang sakin, napalunok ako sa sitwasyon ko.
Inalalayan ako ni Manang, but I just look at her and give her assurance that I can manage. She started to walk and show me where is the dining area, I follow her while massaging my forehead.
I can't stop myself to be mesmerized by how well constructed this mansion is. Bawat sulok ay puno ng mamahaling gamit, ang kisame ay gawa makintab na mamahaling kahoy at ang mga sahig ay marmol. Puno ng painting halatang hindi biro ang presyo ng mga painting na ito. Tinawag ako ni Manang kaya naudlot ang pagtingin-tingin ko sa bahay. Napakaraming pagkain sa hapag kainan at mag isa lang akong nakaupo rito. Tiningnan ko ang ibang katulong ni Emmanuel na nakatayo sa gilid at ang iba ay inaayos ang pagkain sa harap ko.
"Sabayan ninyo ako sa pagkain manang, madami 'to at sigurado akong di ko 'to mauubos." sabi ko sa kanila at ngumiti.
Napasinghap ang iba sa sinabi ko tila may mali akong naisambit.
"M-ma'am hindi na po, kumain na kami." nauutal na sagot ng isang dalaga, nilapitan ko sila at pinilit padin kumain, Nang napilit ko naman sila, ay isa isa silang umupo at sinabayan ako. Pagkatapos kong kumain ay tumigil na sila sa pagkain at nilinis ang hapag kainan, nilapitan ako ni manang at ang dalaga na kanina ay nagsalita.
BINABASA MO ANG
Paint Of The Enchanted Nights (Marchero Series #1)
RomansaI will do everything to make her stay on my side, forever. 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟭 𝗘𝗺𝗺𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵𝗲𝗿𝗼 is the first grandson of great Don Marchero who had a lot of connection and privilege in every aspect of life. He's known...