Chapter 7

683 47 20
                                    

Simpleng pamumuhay lang ay mayroon ang pamilya ni Katherine kaya pinagsasabay niya ang pagaaral at pagtatrabaho.

Pero kasalukuyan siyang naghahanap ng panibagong trabaho dahil kailangan niya ng mas malaki pang kita para makatulong na din sa pamilya niya.

"Anak aalis kana?" Tanong ng kanyang ina.

"Opo ma, makikipag kita pa po kasi ako kay Mr. Park para pagusapan yung about sa scholar ko" sabi ni Katherine.

"Osige, wag kang magpapagabi anak" paalala sakanya ng kanyang ina.

"Ma, wag niyo nga po pala kalimutang painumin ng gamot si papa ah. Nakabili na po ako ng gamot niya" sabi ni Katherine na tinanguan lang ng kanyang ina at naglakad na ito paalis.

Sumakay siya ng jeep at nag lakad papasok sa loob ng village kung saan nakatira si Kaiden.

Pinindot niya ang doorbell at saktong nasa labas si Kaiden kaya napagbuksan siya kaagad ng gate.

"Magandang umaga po sir" nakangiting bati ni Katherine. Malaki ang pasasalamat ni Katherine kay kaiden dahil bukod sa pinagaaral siya nito ay tinutulungan pa nito ang pamilya niya.

Nakilala niya si Kaiden noong nakaraang taon dahil sa anak nitong si Mavi.

Si mavi kasi ay nakita niyang nakahiga sa kalsada na puro pasa at sugat ang braso nito mabuti nalang at hindi napagdiskitahan ang gwapo nitong mukha kaya't si Katherine ang nagdala kay mavi sa ospital.

"Maupo ka muna diyan iha at ipagluluto kita ng pagkain" sabi ni kaiden.

"Ay hindi na po kailangan sir kumain po kasi ako bago pumunta dito" sabi niya.

"Ganun ba? Osige ikukuha nalang kita ng maiinom" ani ni kaiden at nagtungo sa kusina.

Inikot ng paningin ni Katherine ang kabuoang bahay ni kaiden at palihim itong namangha sa sobrang laki.

Pangarap niyang mabigyan ng ganitong kalaki ang mga magulang niya.

Napukaw naman ang atensyon ni Katherine sa malaking picture frame na nakadikit sa dingding.

Picture nila itong magpapamilya. Namamangha siya sa taglay na kagandahan at kagwapuhan ng mga ito.

Naalis ang tingin ni Katherine sa picture frame ng dumating na si kaiden.

"Ang ganda naman po ng lahi niyo sir" ani ni Katherine at bahagya namang natawa si kaiden.

"Tignan niyo po oh sng ganda't gwapo ng mga anak niyo lalo na po ang asawa niyo" puri ni Katherine.

"Salamat Katherine" nakangiting sabi ni kaiden.

"About nga pala sa grades mo. Natutuwa akong matataas ang gradong nakukuha mo" masayang sabi ni kaiden.

"Opo, pinagbubutihan ko po talaga hehe" sabi nito.

"About nga pala sa trabaho mo?" Tanong ni kaiden.

"Nag re-sign na po ako sir at may ina-applyan po akong coffee shop" sabi ko.

"Ganun ba? Eh kamusta naman ang pamilya mo?" Tanong ni kaiden.

"Okay naman po sila. Si papa po umo-okay na po siya dahil hindi na po nahihinto ang pag inom niya ng gamot" sabi naman ni Katherine.

"Mabuti naman kung ganon" may ngiti sa labi ni kaiden ng malaman niyang nasa mabuting kalagayan ang pamilya ni Katherine.

At kaya siya masaya dahil magaan ang loob niya sa batang ito. Panigurado siyang maganda ang papalaki kay Katherine.

"Katherine, wag ka mahihiyang humingi ng tulong sakin" sabi ni kaiden.

"Sige po sir. Pero sa tingin ko po ay sapat na ang naitulong niyo saakin at sa pamilya ko" sabi ni Katherine.

"Kung kailan niyo ng tulong wag kayong mahihiyang magsabi sakin. Okay?" Ani ni kaiden.

"Sige po. Salamat po sir kaiden" nakangiting sabi ni Katherine.





Kauuwi lang ni Katherine sakanilang bahay at gusto na niyang magpahinga dahil kailangan niya ng madaming lakas mamaya pag gising niya.



Nakarinig ako ng batang umiiyak habang nakayakap ang mga braso niya sa kanyang tuhod kaya't nilapitan niya 'yon.

"Bakit ka umiiyak? Anong problema?" Tanong niya. Tumingin sa kanya ang bata at nagulat siya ng makita niyang may peklat din ito sa pisngi katulad niya.

"Gusto ko na sa mommy at daddy ko" sabi ng bata habang walang patid ang pag agos ng kanyang mga luha.

"Shhh tumahan kana. Bakit kaba nandito?" Tanong ni Katherine at niyakap niya ang bata para kahit papaano at kumalma ito.

"Kinuha po ako ng bad guy at sabi niya po ay papatayin niya ako" naiiyak na sabi nito.

"Shh wag ka ng umiyak okay? Walang bad guy na papatay sayo" sabi ni Katherine.

Hindi niya alam ngunit bumibigat ang pakiramdam niya dahil pakiramdam niya ay nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ng bata. Nakaramdam siya ng awa kaya napaluha na din siya.







To be continued.

Bukas next update! Sana hindi ako tamarin huhu!

Comment naman kayo guys para may mabasa ako hahaha! Yung nakaka entertain na comment ah BWAHAHA

Tinatry ko din na madaming maupdate sa isang araw kasi gusto ko mabigyan kayo ng madaming chapters para hindi kayo nag rereklamo na bitin.

Hihihi!

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon