Zael's POV
Kasama ko ngayon si dad sa opisina niya at nandito ako para makitambay lang.
"Dad sino na nga pala ang nagmamamage ng company ni mommy?" Tanong ko kay daddy.
"Ako. Pero tinutulungan ako ng tita daisy mo" sabi ni daddy.
"Soon kayong dalawa ang mag mamana ni mavi ng kumpanya ng mommy mo at ng kumpanya ko" sabi ni dad.
Tumango tango lang ako kay daddy at kinuha ang diyaryong nakalagay sa ibabaw ng coffee table ni dad.
Habang nagbabasa ako ay biglang tumunog ang telepono ni dad na agad naman niyang sinagot.
Ng matapos siyang makipag usap sa telepono ay napatayo siya sa swivel chair na inuupuan niya.
"Ano yun dad?" Tanong ko kay daddy.
"Tumawag ang sekretarya ko at may nangyari daw sa third floor" sabi ni dad.
Sumunod naman ako sakanya palabas at pumasok kami sa elevator.
Ng makarating kami sa third floor ay may mga pulis na at maraming employees ang nagkukumpulan.
"All of you! Go back to your work!" Utos ni dad sa mga empleyado na agad naman siyang sinunod ng mga ito.
"What happened here?" Tanong ni dad sa secretary niya.
"Sir hindi po namin alam ang buong nangyari basta nalang po kaming nakarinig ng putok ng baril." Sabi ng secretary ni daddy.
Hinawakan ko naman ang bangkay ng biktima at mainit pa ang katawan nito. Napatingin naman ako sa relo ko at pansin kong katatapos palang ng lunch time.
Dahil lunch time nangyari ang pag patay malamang ay sinadya ito dahil kaonti lang ang tao at karamihan sa mga empleyado ay nasa cafeteria.
"Ano ang pangalan niya?" Tanong ko.
"Anthony Mercado, 29 years old" sabi ng isa sa mga police.
Kinuha naman ng isa sa mga police ang cellphone ng biktima na nasa sahig.
Nag suot ako ng gloves at kinuha ang cellphone para icheck 'yon.
May tatlong message sakanya ang dalawa doon ay relatives niya base sa mga pangalang nakalagay which is ang "Pinsan ko" at ang "papa" niya pero ang isa ay unknown number at kaonti lang din ang paguusap nila.
Binalik ko naman sa police ang cellphone ng biktima.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni mavi pero walang sumasagot.
Kingina mo sumagot ka!
Nakailang tawag na ako sakanya ngunit walang sumasagot kaya kay Lucas nalang ako tumawag para papuntahin sila dito.
NG makarating sila lucas dito kasama ang iba ngunit wala si mavi at kit.
"Nasaan sila mavi at kit?" Tanong ko sakanila.
"Hindi namin alam eh" sagot ni puma.
"Lucas? Nasaan yung kapatid mo?" Tanong ko.
"Wala siya sa bahay ng umalis ako hindi ko naman siya matawagan dahil naiwan ang cellphone niya at si mavi naman hindi ko ma contact dahil walang sumasagot" sabi ni Lucas.
"Baka nag tanan na?" Biglang sabi naman ni jayvee.
"Gago! Bawal family stroke" sabi ni jaycee at binatukan ang kapatid niya.
(Author: family stroke amp! Hinabol kasi ng aso yung dalawa dzuh!)
"Anyway, pinapunta ko kayi dito dahil gusto kong makiisa tayo sa pag lutas ng kaso" sabi ko sakanila.
"Mukhang exciting ang kasong to ah" ani ni mira.
"Listen. Si Anthony Mercado natagpuang patay sa third floor base sa pag kalkula ko tumawag ang sekretarya ni dad bandang 12:50 ng tanghali. Malamang nangyari ang pagpatay sakanya bandang 12:30 dahil mainit pa ang bangkay nito. Sinadyang patayin siya at sinadyang isakto ang pagpatay sakanya sa lunch time para hindi mapansin ng ibang employees ang balak ng killer. Nakita din sa cellphone niya ang mga nakausap niya bago siya barilin. Una ang Pinsan nito at ang tatay niya at pangatlo ang unknown number" sabi ko sakanila.
"Teka naicheck na ba yung CCTV?" Tanong ni kio.
"Oo. Nakita namin kung paano siya barilin pero hindi nakita ang mukha ng killer" sabi ko.
"What about sa mga contacts niya?" Tanong ni Elaina.
"There are three suspects, it could be one of them" sabi naman ni kio.
"Nakausap ni Anthony ang pinsan niya ng 9:40 at nakausap naman niya ang tatay niya ng saktong 10:20 at ang sumunod ay ang unknown number 11:40 at natapos ito ng bandang 12:20." Sabi ko sakanila.
Napahawak naman si puma sa chin niya.
"May iba pa ba?" Tanong naman ni jaycee na tinanguan ko naman.
"May message naman sakanya ang pinsan niya at ang nakalagay sa message ay numero lang" sabi ko at pinakita sakanila ang kopya ko.
6-9-14-7
"Ano naman ibig sabihin niyan?" Tanong ni mira.
"Maybe it's a code" sabi naman ni puma.
"Duh! Code nga yan what I mean is ano ang ibig sabihin ng numbers na yan" sabi ni mira.
"Baka inutusan si Anthony na tumaya ng lotto?" Sabi ni jayvee
"Kingina mo Jayvee hahaha! Pota ka talaga" natatawang sabi ni puma.
To be continued.
Sino sa tingin niyo sa tatlong suspects? Hmmm.
BINABASA MO ANG
CHANCES (IHBILY SEASON 3)
Misterio / SuspensoSeason 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga babaeng kanilang mamahalin.