Mavi's POV
Alasais palang ng umaga at kararating lang namin kaninang alastres at nagpahinga kami mga dalawang oras at ngayon ay aalis kami para mamasyal.
"Okay guys let's go na" sabi ni Elaina.
Lumabas kami sa hotel room namin at kumatok sa pintuan nila kuya.
"Baka hindi pa sila gising?" Sabi ni puma.
"Tanga gising na yun. maaga palaging nagigising si kuya eh" sabi naman ni kit.
"Ano bayan kit ang aga aga ng mura mo" sabi ko sakanya.
"Pake mo" sabi niya. Tss attitude talaga ang babaeng to.
Bumukas ang pinto ng hotel room nila kuya at tumampad saamin si kio na halatang kagigising lang.
"Morning brodah!" Sabi ni puma at tinapik niya ito sa balikat bago pumasok sa loob.
Gising pa sila kuya Zael kaya si kit na ang pumasok sa kwarto para gisingin sila.
"Bilisan niyo guys mamaya alaskwatro ng hapon ay aalis na din tayo dito" sabi ni mira.
KUMAKAIN palang kami ng breakfast ngayon ng mga kaibigan ko. 6:30 na at kailangan na naming kumilos para madami kaming mapuntahan na sikat na pasyalan dito.
"Ang sarap naman ng pancake na 'to" sabi ni puma.
"Patikim nga" sabi naman ni jaycee at tatangkain niya sanang kumuha ng pancake sa plato ni puma ng hampasin ni puma ang kamay ni jaycee.
"Anong patikim! Akin to" sabi ni puma at nilayo ang pagkain kay jaycee.
"Damot mo. Patikim lang eh" nakangusong sabi ni jaycee.
Buraot kasi ang loko.
Katherine POV
Break time ngayon at kanina ko pa hindi nakikita si kuya Zael at kio pati ang mga iba pang kaibigan nito.
"Hi Katherine" biglang sulpot ni ate irish.
Jusko para namang kabute ang babaeng 'to.
"Hi po" sabi ko sakanya.
"Mukhang may hinahanap ka ah" sabi ni ate irish.
"Opo. Hindi ko po kasi napansin ngayon sila kio eh" sabi ko sakanya.
"Hindi sila pumasok ngayon dahil nasa Baguio sila" sabi ni ate irish.
"Ano pong gagawin nila sa baguio?" Tanong ko.
"Namamasyal. They deserve a break daw kasi after nilang lumutas ng krimen" sabi ni ate Irish na ikinatango ko. Sabagay napaka hard working naman kasi nilang magkakaibigan pag dating sa pag lutas ng krimen eh.
"Kailan po sila uuwi?" Tanong ko pa.
"I don't know siguro mamayang hapon or gabi" sabi ni ate irish at saglit itong napatingin sa wrist watch niya.
"I have to go kath maiwan na kita ah, may klase pa kasi ako" paalam niya sakin.
Ako naman ay tumambay lang since wala namang ang last subject teacher namin. Kung pwede nga lang na lumabas na ng school para makapunta na ako sa trabaho ko eh kaso ang higpit kasi ng guard dito akala mo siya yung may ari ng school!
Naglakad lakad muna ako saglit hanggang sa makarating ako sa gate ng S.A.U nakita kong papasok si sir kaiden kaya kinawayan ko siya.
"Hi po sir kaiden" nakangiting sabi ko sakanya.
"Hi kath. Wala kang klase?" Tanong niya.
"Wala po eh. Wala po kasi yung last subject teacher namin" sabi ko.
"Ganun ba? Kung ganon bakit hindi mo ako samahan sa office ko tulungan mo ako" sabi niya na sinangayunan ko naman.
Sumunod ako kay sir kaiden hanggang sa makarating kami sa office niya.
Ngayon lang ako nakapasok sa office niya at sobrang lawak nito. Puro white and gold ang disenyo ng opisina ni sir kaiden.
"Ano pong maitutulong ko sainyo?" Tanong ko sakanya.
"Tulungan mo akong magligpit ng mga papeles ko" sabi ni sir at tinuro niya ang drawer na malapit sa pinto.
Habang inaalis ko ang mga nakalagay na papeles doon na related sa S.A.U ay may nakita akong litrato ng bata.
Napatitig ako sa litrato dahil parang familiar saakin ang batang nasa picture.
"Sir kaiden sino po ang batang 'to? Para po kasing nakita ko na siya noon" sabi ko at pinakita sakanya ang picture ng batang babae.
"Anak ko ang nasa picture na 'yan" sabi niya.
"Ang ganda niya po. Nasaan na po siya?" Tanong ko pa.
"Uhm Kath. Siya si Jerzel at matagal na siyang patay. Parehas silang namatay ng asawa ko" malungkot niyang sabi.
Bigla ko namang naalala ang sinabi saakin ni Zael. Shocks bat pa kasi ako nagtanong.
"Sorry po" sabi ko at mapait siyang ngumiti sa direksyon ko.
"It's okay matagal na 'yon" sabi naman ni sir kaiden.
"Sir kung hindi niyo po mamasamain. Ano po ang ikinamatay ng asawa't anak niyo?" Tanong ko kay sir.
"Katherine hindi ko ata kayang balikan ang nangyaeit noon" sabi ni sir kaiden.
"Okay lang po sir naiintindihan ko po" sabi ko at pinagpatuloy ang pagliligpit.
Mavi's POV
Nandito kami ngayon sa strawberry farm gusto daw kasi nila mamitas ng mga strawberry.
"Ako lang ba yung nandidiri sa strawberry?" Sabi ni puma.
"Bakit naman?" Tanong ko sakanya.
"Kasi para siyang ano" sabi niya naman.
"Anong ano?" Nakakunot kong sabi.
"Yung ano alam mo na" sabi niya ilang minuto pa bago ko nagets yung ibig niyang sabihin sa ano.
"Kadiri ka pre" sabi ko sakanya.
"Bakit? Ano ba 'yon?" Tanong ni mira.
"Yung ano ng ano" sabi ni puma kay mira.
"Yuck kadiri ka naman!" Sabi ni mira sabay hampas sa braso ni puma.
"Hoy bat may pahampas! Ikaw hampasin ko diyan eh" sabi ni puma habang hinihimas himas ang braso niyang hinampas ni mira.
"Magsabi gawa" sabat naman ni kit. Hahampasin na sana ni puma si mira ng biglang magsalita si lucas.
"Babae yan pre. Baka bakla ka?" Nakangising sabi ni Lucas.
"Gago hindi ako bakla" anas ni puma.
Nagtawanan naman kami dahil sakanya at hanggang sa lumipas ang oras at inaasar parin namin si puma na bakla.
To be continued.
BINABASA MO ANG
CHANCES (IHBILY SEASON 3)
Mystery / ThrillerSeason 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga babaeng kanilang mamahalin.