Mavi's POV
Nagpaalam ako sa mga kaibigan kong ako na ang pupunta sa lugar kung saan dinala ni Lucky si Atasha.
Mamaya din ay magkakaroon ng party dahil birthday ni daddy ngayon.
Ng makarating ako sa destinasyon ko ay lumabas ako ng kotse. Isang abandonadong bahay ang pinuntahan ko at medyo nakakaramdam ako ng takot dahil baka may multo sa loob ng bahay na to.
Gosh! Mavi lalake ka!
Binuksan ko ang ilaw ng flashlight na dala ko at pumasok na sa loob.
Chineck ko ang bawat kwarto pero wala si Atasha.
Nakarating ako sa basement at may isang pintuan dito. Pagbukas ko ng pintuan ay may babaeng nakahiga sa higaan at wala itong suot na pang itaas pero may suot ito sa pangibaba niya.
Tanging kumot lang ang nagsisilbing pantakip nito sa pantaas niya.
Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ni Atasha at binuhat ko ito palabas.
Sakto namang paglabas ko ay tumawag si kuya.
[Have you found her?] Tanong ni kuya sa kabilang linya.
"Oo. At mukhang tinangka pang gahasain ng kupal na 'yon si Atasha" inis kong sabi.
[Ihatid mo na siya sakanila] sabi ni kuya at walang sabing pinatay ang tawag.
Habang nagmamaneho ako ay naramdaman kong nagising na si Atasha.
"S-sino ka?" Gulat nitong sabi.
"Wag kang matakot. Ako si Mavi Park, ang anak ng may ari ng S.A.U niligtas ka namin ng mga kaibigan ko" sabi ko sakanya.
"P-paano niyo nalaman?" Tanong niya.
"Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman" sabi ko pa.
Tumahimik ito at napatikhim ako para sirain ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Pwede mo bang ikwento sakin ang lahat ng nangyari at kung ano ang ginawa sayo ni Lucky ng kidnapin ka niya?" Sabi ko.
"Si lucky ang nagkakagusto sakin pero ilang beses ko na siyang ni-reject" sabi niya.
"Ng malaman kong kinidnap niya ako ay pinagtangkaan niya akong gahasain mabuti nalang at may tumawag sakanya at nagmadali siyang umalis noon" sabi pa niya. "Hindi niya ako binibigyan ng pagkain o inumin non kaya nakatulog nalang ako sa sobrang gutom" dugtong pa nito.
Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bilihin ng damit at binilhan ko ng damit pang itaas si Atasha.
"Ito oh suotin mo" sabi ko sakanya at inabot ang damit tsaka lumabas at iniwan ko siya sa loob para makapag bihis.
Ng matapos itong magbihis ay kumatok ito sa bintana hudyat na tapos na siya sa pagbibihis niya.
"Salamat" sabi niya na tinanguan ko lang.
Pinaandar ko na ulit ang sasakyan at bago ko siya ihatid sakanila ay kumain muna kami.
"Uhm mavi wala akong dalang pera" sabi ni Atasha.
"It's okay treat ko" sabi ko at tumango tango naman ito.
Tahimik lang kaming dalawa ni Atasha hanggang sa dumating na ang waiter na may dala dalang pagkain na inorder namin.
Zael's POV
Kararating ko lang sa bahay nila Katherine para sunduin siya.
Nakaupo ako ngayon sa sofa nila sa sala at hinihintay siyang lumabas ng kwarto niya.
"Katherine! Matagal kapa ba?" Bored kong sabi.
"Saglit nalang kuya Zael" sabi niya mula sa kwarto niya.
Hindi ko alam kung bakit tinatawag niya pa akong kuya gayong mag kaparehas naman kami ng edad.
Lumabas siya sa kwarto niya na naka ayos na.
"Tara na po" nakangiting sabi niya. Lumabas na kaming dalawa pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse.
Ng makarating kami sa bahay ay naroon na ang mga tito at tita namin pati na rin ang mga pinsan at kaibigan namin ni Mavi.
"Kuya Zael nasaan po ang kapatid niyong babae at ang mommy niyo?" Tanong saakin no Katherine.
Matagal na namin siyang kilala and she still don't know everything.
"They are gone" maikli kong sabi.
"Huh? Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong nito.
"Wala na ang mommy at kapatid ko patay na sila." Walang buhay kong sabi.
"Sorry, sana hindi ko nalang tinanong" sabi nito at bahagyang napayuko.
Napabuntong hininga ako napailing iling. "Nah. It's okay" mapait kong sabi.
To be continued
Sorry guys kung walang update kahapon at hindi ko kayo na inform. Hindi kasi ako okay kahapon and I'm still not okay hanggang ngayon for some reason.
I hope you understand. I'll try to update more today.
:)
BINABASA MO ANG
CHANCES (IHBILY SEASON 3)
Mystery / ThrillerSeason 3 of IHYBILY Paano malalampasan nina zael at mavi ang pagsubok na mararanasan nila? Ating tuklasin ang istorya nilang magkapatid at ang mga babaeng kanilang mamahalin.