Chapter 19

515 38 0
                                    

Mavi's POV

Alastres na ng hapon at magkakasama na kami ng mga kaibigan ko maliban lang kay kuya na may importante daw siyang gagawin.

Ano naman kayang gagawin nun, Whatever.

"Fing Dela Cruz ang pangalan mo" panimula ni Lucas.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa didiretsuhin na kita mister Dela Cruz. Maaari mo bang sabihin saamin kung bakit ka tumawag kay Anthony at kaano ano mo siya?" Ani ni Lucas.

"Ako si Fing Dela Cruz at tumawag ako sakanya dahil ang sabi ko magkikita kami bandang alasdose dahil may ibibigay ako sakanya, pero ang sabi niya ay marami siyang ginagawa kaya hindi kami natuloy sa tagpuan naming dalawa kaya pinuntahan ko nalang siya" sabi niya.

Pinakita naman ni lucas ang passcode na 6-9-14-7

"Hindi ko alam yan" bigla niyang sagot.

"Ito ang message ng pinsan ni Anthony bago siya mabaril" sabi naman ni jaycee.

"Hindi mo alam?" Napangisi si kio. "6-9-14-7, hindi ba't Fing ang ibig sabihin nito" nakangising sabi ni kio.

"H-hindi nagkakamali kayo. Paano naman kayo nakakasigurado na ako ang pumatay sakanya" sabi niya. "Wala kayong malakas na ebidensya para mapatunayang ako ang pumatay sakanya!" Sabi niya pa.

"Hindi ba't magkasabwat kayo ng pinsan ni Anthony. Simple lang yan mister Fing Dela Cruz. Kaya ninyo pinatay si Anthony ay may nalaman ito sainyo kaya agad niyo siyang pinatahimik. Pero wala kayong ligtas saamin, inutusan ka ng pinsan ni Anthony para patayin siya dahil nalaman ni Anthony na gumagamit kayo ng illegal na gamot at balak nito kayong  isuplong sa police. At ang ina naman ng pinsan ni Anthony ay hindi totoong may sakit, nanghiram ito para bumili ng ipinagbabawal na gamot kaya lang hindi siya nito pinahiram ng pera" mahabang sabi ni kio.

"H-hindi, walang katotohanan ang mga sinabi ninyo!" Sabi nito at nagtangkang lumabas ngunit hinarang siya ng mga pulis.

"Pasalamat ka nga't ikukulong ka lang. Hindi sapat ang pagkakulong mo para makuha ang hustisya para kay Anthony. Kung tutuusin mas gusto kong patayin ka din pero ayoko maging kriminal at ayoko mabahidan ang maganda kong kamay ng malansa mong dugo" sabi ni elaina.

Woah... Eto na pinapakita na ni Elaina ang maldita side niya.




Ng makalabas kami ng police station ay saglit kaming tumambay sa van.

"Guys meron pang kasunod" sabi ko sakanila.

"Nanaman!?" Sabay sabay nilang sabi.

Napabuntong hininga ako at napatango tango sakanya. "Napansin ko lang na sunod sunod na ang mga kailangan nating lutasin na krimen. Deserve naman natin ng break gosh! Can we just have a vacation for just three days or para mas bongga one week!" Reklamo ni Elaina.

"Gaga! Ka wag ka ngang mag reklamo baka gusto mong matanggal sa squad" sabi naman ni kit.

"Hoy ayoko nga noh! Para namang hindi tayo magkakaibigan dito" sabi ni Elaina.

"Teka nga. Ano ba yung susunod na kailangan nating lutasing krimen?" Tanong ni mira.

"Sasusunod na araw na natin yun problemahin mag pahinga muna tayo kahit isang araw lang" sabi ko sakanila.

"What!? One day lang? Oh my gosh it's not sapat you know" ani ni Elaina.

"Atleast nga may pahinga kahit isang araw lang duh!" Sabi naman ni puma at tinarayan naman siya ni elaina.

"Tara na nga umuwi na tayo" sabi ni Lucas at pinaandar na ang van na sinasakyan namin.





Ng makarating kami sa bahay ay nadatnan namin si daddy na may kausap sa kanyang telepono.

Ng makita niya kami ay agad nitong pinatay ang tawag at lumapit saamin.

"Natapos niyo na ba ang nilulutas niyong kaso?" Tanong ni dad.

"Opo tito, at may panibago nanaman po" sabi ni Mira.

"Mukhang madami dami pa kayong lulutasing kaso sa mga susunod na araw kaya maghanda na kayo hangga't maaga pa" sabi saamin ni dad at iniwan kaming nakatanga sa living room.





To be continued.

Wala si Zael kasi nag date sila ni Irish hahaha.

Btw, namiss niyo ba ang update ko??

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon