Prologue

4 0 0
                                    




"Nalei, ano ba. Tigilan mo na" nanginginig sa pagkataranta na saway nya sa kaibigan na patuloy parin sa pagwawala at pananakit sa kaawa-awang dalaga sa harapan nila.

"tigilan? Can you hear yourself Mac? Ng dahil sa babaeng 'to, iniwan tayo ni Alli!! Kasalanan ng babaeng 'to kung bakit wasak na tayo ngayon. Or don't tell me, kinakampihan mo 'tong babaeng 'to? Are you out of your mind?"  hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng kaibigan. Nanggagalaiti na ito sa galit. Nanlalaki ang mata na umiling sya.


"No! O-ofcourse not"
Nanginginig na pagtanggi nya. Nilingon nya ang iba pang mga kaibigan pero bigo syang nagbawi ng paningin ng makita ang galit sa mga ito. Ibinaling nya nag paningin sa dalagang nakatali sa isang kahoy na upuan. Putok ang noo at labi nito. Puno ng dugo ang maganda nitong mukha. Nanlalagkit ang buhok dahil sa dugo na nanggaling sa sugat nito sa ulo bunga ng pagkakahampas dito ng isang dos por sos. Puro pasa at sugat ang makinis nitong braso at kulay pula na ang kulay puti nitong damit. Marumi ang paa.
Kawa-awa.

Naging malapit sa kanila ang babaeng ito ng ipakilala sya sa kanila ng kuya Alli nila. Girlfriend nito ang babae.
Masaya naman sila. Mabait ang babae at nakakasabay sa trip nila kaya agad na napalapit ang loob nila dito.

Pero totoo nga siguro ang mga sabi-sabi na ang taong mabait at tahimik, nasa loob ang kulo.

Nagluko ito. Niloko ang kaibigan nila. Naabutan pa nga nila na nakikipag sex sa ibang lalaki.

Nasaktan ang kaibigan nila. Halos di makakain. Laging nagpapakalasing. Walang oras na hindi umiiyak at dumating pa sa punto na nagpakamatay ito.

Ito ang dahilan kung bakit wala na ang kuya nila. Kung bakit wasak na sila.
Ito ang dahilan kung bakit nawasak ang ang pagkakaibigan na iniingatan nila.
Kaya bakit kelangan nyang makaramdam ng awa dito?
Dapat lang dito ang paghihirap na nararanasan nito, kulang pa nga ito kung tutuusin.



Nawalan na sya ng pakialam. Nawala na ang awang nararamdaman nya tuwing humihiyaw ito sa sakit kapag tumatama ang malakas na hampas ni Nalei gamit ang bat na hawak nito.

"namatay si Alli kaya dapat din syang mamatay"

Natigilan sila at napatingin kay Ja.
Nanindig ang balahibo nya ng makita ang kakaibang galit sa mga mata nito.
Pare-perehong nanlaki ang mata nila kasabay ng pagtaas ng kamay nito na may hawak na baril ay walang pagdadalawang isip na pinaputok iyon.

Diretso ang bala sa dibdib ng kaawa-awang dalaga kasabay ng pagtulo ng mga luha nila na punong-puno ng galit, kalungkutan at pag-asa.



.................

"Hi Steff, kumusta ka na dyan, hmm? Namimiss mo ba si kuya?kasi ako namimiss na kita" patuloy ang pagpatak ng luha nya habang kinakausap ang puntod ng nakababatang pinsan.

Steffany Nadine Alfonso
Birth: january 28, 2000
Died: December 8, 2018

Marahan nyang hinaplos ang lapida ng pinsan.
Isang taon narin simula ng walang awa itong patayin.
Awang-awa sya sa pinsan, kung sana hindi nya ito iniwang mag-isa dito sa pilipinas edi sana hindi iyon nangyari.
Silang dalawa nalang ng pinsan ang magkasama, parehas na nasawi sa isang car accident ang mga magulang nila at ang isang nakakatandang kapatid na lalaki nito.
Mayaman sila kaya hindi naging problema sa kanila ang pera.
Naging maayos naman sila, pero dumating ang oras na umibig at nasaktan sya. Nagpakalayo-layo sya at hindi inisip ang kalagayan ng pinsan nya. Kaya ngayon labis nyang sinisisi ang sarili nya. Kung hindi sana sya umalis, kung hindi sana sya nagpatalo sa nararamdaman nya edi sana buhay pa ang pinsan nya.

"sorry! S-sorry.. P-patawarin mo si kuya"
Tuluyan ng bumuhos ang sakit na nararamdaman nya. " pangako, hahanapin ko ang gumawa sayo nito. Magbabayad sila"

Nag-uumapaw sa galit ang puso nya. Kahit anong mangyari, ipapaghiganti nya ang pinsan. Magbabayad ang mga pumatay sa kaawa-awa nyang pinsan.


Magbabayad sila. Gagawin nya ang lahat. Buhay ang kinuha nila, buhay din ang sisingilin nya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnbreakableWhere stories live. Discover now