Chapter 15

94 9 14
                                    

"Drake?!" Napabalikwas ako nang makita ko siya. Nagulat ako dahil andito siya.

Hinanap ng tingin ko si Vee at nakita ko siyang kausap si Theo. Pati si Theo andito? Kaya ba kanina pa busy sa cellphone si Vee?

"Anong ginagawa niyo rito?" Binalik ko ang tingin ko kay Drake. Umatras ako dahil ang lapit niya na pala sa akin.

"Grabe ka naman! Bawal ba kami rito?" natatawa niyang tanong sa akin. "Ininvite kami ni Vee. Sakto malapit lang kami rito sa bahay niyo," dagdag niya.

Napaisip naman ako, paanong may damit sila pa'ng ligo kung hindi sila umuwi sa bahay nila para kumuha ng damit? Naka shorts kasi sila at t-shirt.

"Paanong may spare kayong damit?" takang tanong ko sa kanya.

"Ay, boys kami Callista, laging napapawisan kaya may spare sa kotse," he explained. Napatango naman ako at tumingin kay Vee, kumakaway siya sa akin kaya tinaas ko rin ang kamay ko.

"Halika na Venus!" sigaw ko sa kanya. Natawa na man siya at nag thumbs up. Naglakad siya papunta sa shower at pagkatapos do'n ay tumalon na siya sa pool.

"Hi Drake!" bati niya kay Drake no'ng lumangoy siya papunta sa amin.

"Venus." He smiled. "Thanks for the invite," he gratefully said.

"Ano ka ba! Tropa na tayo, syempre naman. 'Tsaka ang boring naman ng swimming kung kaming dalawa lang ni Callie ang maliligo." Tumawa si Venus. Napairap naman ako. Kung makapag-invite ng ibang tao, akala mo naman bahay niya.

Buti na lang at si Drake at Theo lang ang ininvite niya, kung hindi ay magagalit talaga ako sa kanya.

Ngumiti si Drake nang marinig niya ang sinabi ni Vee at itinaas ang kanyang palad. Nakipag apir naman si Vee sa kanya. Tapos, nakakagulat dahil humarap sa akin si Drake na nakataas pa rin ang palad.

Gusto niyang makipag apir din ako sa kanya? Anong gagawin ko? I have the freedom to choose, but I also want to try.

Nagdadalawang isip pa ako kung makikipag high five ako sa kanya o hindi, but at the end, I decided to toughen up myself. Nakipag high five ako sa kanya pero madaling palo lang 'yon.

Ngumisi naman si Drake habang tumili naman si Vee at mas lumapit sa akin at inakap ako kaya bumaba kami sa pool.

No'ng tumaas na kami, tawang-tawa naman si Vee sa akin tapos ako ay sinamaan siya ng tingin.

"Plano mo ba akong lunurin?!" inis kong sabi sa kanya. Alam kong hindi naman 'yon ang gusto niyang gawin.

"Hindi ah! Congrats!" Lumapit siya sa akin para bumulong, "That was the second time. I am so proud of you." Inakap niya ako. Napangiti naman ako at pinikit ang mga mata ko. I'm also very proud of my self.

One step at a time, hindi ko dapat madaliin ang sarili ko.

"Thank you," I whispered back.

No'ng dumalit ako, bumitaw na kami sa yakapan. Nginitian ko si Vee pero agad niya akong tinalsikan ng tubig kaya napapikit ako.

"Ah, ganyan ka pala ah!" sabi ko sa kanya at nagtalsikan kami ng tubig. Tawa lang kami nang tawa nang sumulpot bigla si Theo sa tabi ni Drake.

"Oh bro!" Nag-usap si Drake at Theo. Humarap naman ako kay Vee.

"Tigil na, gusto ko nang mag swimming," pinagsabihan ko si Vee.

"Okay, ako rin," pagpayag niya. Lumangoy ako palayo do'n sa dalawang lalaki, habang sumusunod naman sa paanan ko si Vee kaya tumadyak-tadyak ako ng bongga para talsikan siya ng tubig. Sumigaw naman siya at tumigil sa paglangoy, habang ako ay patuloy pa rin na lumangoy hanggang sa naabutan ko 'yong side.

Scars of the Past (Hernandez Series #1)Where stories live. Discover now