EPILOGUE

226 8 4
                                    

Danger

---

Chris Point of View

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, unti unti akong nakakita ng puting mga ilaw at kisame.

Naramdaman ko nadin ang bagay na nakapalagay sa aking bibig na nagsisilbing tumutulong saakin sa paghinga.

Pinilit kong iginagalaw ang aking katawan pero nahihirapan ako, dahan dahan kong itinuon ang aking paningin sa paligid at napahinto ang aking tingin sa taong nakahawak ngayon sa aking mata.

Pinilit kong pisilin ang kanyang kamay para maramdaman niya na giding na ako.

Namuo agad sa aking mga labi ang ngiti ng unti unti niyang inangat ang kanyang tingin saakin.

"Chris baby!" Masayang bigkas niya at dali dali niya akong niyakap ng mahigpit.

"Anak? Ayos ka lang ba? Wala ka bang nararamdaman na masakit?" Sabi niya ulit at tinignan niya ako, umiling naman ako agad bilang sagot, hindi ko mapigilan na maging emosyonal habang nakatingin kay mom.

"Kris! Uno! Gising na si Chris!" Biglang sigaw niya na nakatingin sa may pintuan.

Naibalik naman ang tingin niya saakin at hinaplos ang aming mga pisngi "oh..my.. baby" sabi niya pa habang pinagmamasdan ako, hindi ko mapigilan na mapangiti sabay ng maluha dahil sa inaasta ni mom ngayon.

"Chris!" Sabay kaming napatingin kay Dad at kuya na biglang pumasok sa loob ng silid, dali dali naman silang lumapit saamin ni mom.

"How are you Chris?" Sabi ni dad saakin at hinawakan naman na ang kamay ko, napatayo naman na si mom, at pinunas punasan pa ang kanyang mata dahil sa pagluha niya kanina.

Dahil hindi naman ako makapagsalita dahil sa sobrang dry ng lalamunan ko at tumango tango nalang ako bilang sagot kay dad.

"I will call the doctor" pagpapaalam ni mom saamin at nagmadali ng umalis sa silid, naiwan nalang kami dito nila dad at kuya.

"Oh my baby girl" sabi ulit ni dad at tsaka sumunod na hinaplos ang aking mga pisngi.

"Its good to know that you're fine now" biglang sabi ni kuya Uno saakin na nasa gilid lang.

Nakaramdam ako ng kakaibang saya ng makasama sila pero dali dali din akong nakaramdam ng kakaiba.

"Maayos....ba...si....Val...." pinilit kong magsalita para lamang tanungin ko sila, napalunok pa ako ng aking laway para lang mabasa ng kaunti ang aking lalamunan, nakita ko naman na nagtinginan pa silang dalawa bago ibinalik ang atensyon saakin.

"Ayos lang siya Chris, lagi siyang sana labas hinihintay kang magising pero kakauwi niya lang kanina" rinig kong sagot ni kuya Uno saakin, tumango naman ako at napahinga ng malalim, kahit pa suot suot ko parin hanggang ngayon ang oxygen mask.

"How...long...was...I...asleep?" Pagpipilit ko ulit na tanong sakanila,sa ngayon mas lumapit pa sila saakin para lamang malinaw at marinig nila ang gusto kong sabihin.

"Its been four days honey" malungkot na sagot ni dad, halatang puno siya ng pag aalala tulad ni mom.

Hindi ko alam ang aking iisipin ngunit grabe naman at apat na araw akong walang malay, ganoon ba kalala ang nangyare saakin.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now