CHAPTER 5
RepresentativeKinabukasan, nagising na lamang ako sa sarili kong kuwarto. Nakasuot na ako ng pantulog at hindi na sumasakit ang aking tiyan. Ang huling naaalala ko ay nasa hospital ako at inuutusan ako ng doktor na 'yon na gumawa ng nakahihiyang bagay.
Teka, nakatulog ba ako sa byahe? Sinong nagdala sa akin dito sa kwarto? Si Dad ba?
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy. Bumangon ako mula sa kama at kinusot ang aking mga mata. Sinuklay ko rin ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Nag-alala ako nang sobra nang nakita kitang buhat-buhat ni Dominique. Ang sabi niya sumakit daw ang tiyan mo. Inakala ko pang buntis ka at siya ang ama—
"Mom! Bakit mo naman inakala 'yon? Wala naman kaming relasyon,"pagmamaktol ko.
Napahiya na nga ako sa hospital, napahiya pa ulit ako sa sinabi ni mommy. Ano ba naman 'to? Paano ko na siya haharapin ngayon?
"Eh, malay ko ba na kumain ka ng kamote kaya sumakit ang tiyan mo. Sa susunod huwag kang kakain ng mga bago sa paningin mo,"panenermon niya sa akin.
Sa dami ng sinabi niya kanina, ang natandaan ko lang ay binuhat ako ni Dominique. P'wede naman niya akong gisingin pero hindi niya ginawa. So, it means he really cares for me. At aaminin ko, kinikilig ako. Wala naman sigurong masama roon 'di ba? Kikiligin na lang muna ako sa ganito. Saka na ako maghahangad nang mas higit pa.
"O siya, mag-ayos ka na at nang makapasok ka na. Naghihintay na ang sundo mo sa baba,"sambit ni mommy at umalis na.
Sundo? Don't tell me, ibinalik na naman nila ang driver ko? No way! Paano ko na maipagpapatuloy ang mga plano ko?
Kahit na gusto ko munang magmaktol ulit ay naligo na ako at nag-ayos dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko. Pagkababa ko ng hagdan ay napahinto ako nang makita si Dominique sa sala. Huminga ako nang malalim at sinigiradong maayos ang itsura ko.
"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko sa kanya.
Pinasadahan na naman niya ako ng tingin at ngumiti. Parang may kung anong nagliliparan sa sikmura ko dahil sa ginawa niya. O baka aftershock ito nung kahapon? Hindi pa yata tuluyang magaling ang tiyan ko.
"Good morning to you, too. Ihahatid na kita sa FSU. Doon din kasi ang punta ko,"sagot niya.
Nabasa ko na ito sa mga romance novel na mayroon ako. Iyong ihahatid-sundo ng lalaki ang babae tapos 'yon pala nanliligaw na siya. Pero siya na rin ang nagsabi na wala akong mapapala sa kanya. Kaya siguro ginagawa niya ito ay dahil nakokonsensya siya sa nangyari kahapon.
"Alam mo, kung nagi-guilty ka sa nangyari kahapon, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Hindi naman ako galit sa 'yo,"sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay.
"You think I'm doing this because I'm guilty? Siguro nga,"sambit niya kaya tiningnan ko siya nang masama.
See? Tama ako, akala ko pa naman nagugustuhan na niya ako. Nag-assume na naman ako sa wala.
'Don't worry Camellia, mahaba pa ang panahon para magustuhan ka niya..'
Pagkarating sa FSU ay hindi ko na siya hinintay at dumiretso na ako sa klase ko. Kasalukuyang nasa gitna ng pagpupulong ang mga kaklase ko. Hindi ko kaklase rito si Sabelle dahil major subject ko ito sa course ko. Hindi ko naman alam kung anong course niya.
"Si Camellia na lang kaya ang gawin nating representative?"sabi ni Roland, isa sa mga kaklase ko.
"Anong meron?"tanong ko at naupo na sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Love [Isla Felice Series 1]-✔
RomanceCamellia Fortalejo is willing to do everything just to get the attention of the future Mayor of Isla Felice, Dominique Aranda. She will chase him and when they are finally together, she will make a decision that will hurt the both of them. Dominique...