CHAPTER 23
ChaseSabi nila, kung saan ka nanggaling at kung saang lugar ang pinakatumatak sa puso mo, doon at doon ka pa rin babalik. Dahil kahit saan ka pa man pumunta, hahanap-hanapin mo ang pakiramdam na kumpleto at masaya. Hindi ka tunay na magiging masaya kung wala sa lugar na 'yon ang puso mo. Kung naiwan mo ito sa lugar na nilisan mo.
Gano'n ang naramdaman ko nang umalis ako ng Pilipinas. Ngunit, ngayong nandito na ako ulit, napuno na ulit ng saya ang puso ko. Kontento na ulit ako. Dahil alam kong malapit na ako sa mga taong mahal ko.
Sinundo ako ng driver namin dito sa airport. Tumawag si Mommy kanina at sinabing hindi niya ako masusundo at sa bahay na lang daw niya ako hihintayin. Hindi naman ako nagtatampo. Ayaw ko na ring mapagod sila sa pagsundo sa akin.
Nang huminto ang kotse sa harap ng bahay namin ay parang hindi ako umalis. Kung anong itsura nito noon ay gano'n din ngayon. Walang pinagbago, maliban na lamang sa mga halamang mas malago ngayon kaysa noong bago ako umalis.
Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso na sa loob. Ang driver na ang kumuha ng maleta ko dahil mabigat iyon. Pagkabukas ng pinto ay nabigla ako sa sunod-sunod na pagputok ng confetti.
“Welcome back, Lia!!"sabay-sabay na sigaw ng mga taong nasa loob ng bahay namin.
I was speechless for a moment but when everything finally sinks in, my eyes watered with tears of joy. Nang mapagmasdan ko ang mukha ng mga bisita ko ay talagang napagtanto kong nasa Pilipinas na ulit ako. Nakauwi na ako.
“Lia! I missed you so so much!!"Erich exclaimed before hugging me tight.
Niyakap ko rin siya pabalik at nagsilapitan naman ang mga kaibigan at ka-batch mates ko noon sa FSU. Nakita ko ang mga magulang ko na nasa sala rin pero hindi muna lumapit. Alam kong hinahayaan muna nilang makihalubilo ako sa mga kaibigan ko dahil tatlong taon ko silang hindi nakita.
“Lia, lalo kang gumanda. Parang grabeng glow-up naman ang nangyari sa 'yo,"sabi ni Janet.
Napangiti ako. “Grabe naman. Ako pa rin naman 'to,"sabi ko sa kanya.
I am just wearing a black fitted cropped top matched with my high-waisted black pants. I also have my white coat that I already removed when I landed here in the Philippines.
“Yes, it's still you in a more mature version. Siguro may love life ka doon, 'no?"tanong niya sa akin.
Natigilan ako sa tanong ni Janet. Pasimple kong nilibot ang paningin ko at nang mapansing wala doon ang taong hinahanap ko ay hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o malulungkot.
“Ano ka ba, Janet. Walang love life doon si Lia kasi nandito sa Pilipinas ang mahal niya,"sabi ni Erich na nagpalaki sa mata ko.
Napakadaldal talaga ng babaeng 'to. Nakita kong nagngisian ang mga bisita ko kaya namula ang pisngi ko. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang tungkol kay Dominique. Hindi lang nila alam na wala na kaming koneksyon.
“So, you're still in to him, huh? Bakit balita namin sila na raw nung taga-Accounting department dati? Si Sabelle ba 'yon?"tanong ni Rhian kila Janet.
Nagtanguan naman sila. Nanlulumo man ako sa narinig ay nanatili akong nakangiti. Hindi ko naman kailangang ipahalata na affected ako. Hindi ko kailangang ipangalandakang hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso ko.
“Sino bang may sabi na si Mayor ang tinutukoy ko? Iba kaya ang mahal ni Lia. Alam ko 'yun dahil ako ang best friend niya!"sabi ni Erich.
Napailing na lang ako. Ang galing talaga magpanggap ng kaibigan ko.
Nag-umpisa ng kumain ang lahat ng bisita at hinila ko si Erich palayo sa kanila. Kailangan naming mag-usap.
“Bakit ba kailangan dito pa tayo mag-usap sa kusina? Alam ko naman ang sasabihin mo,"sabi niya sa akin at nginuya ang isinubong cake.
Kumunot ang noo ko sa kanya. “Sige nga, anong sasabihin ko?"
She smirked. “Lia, I know that you're going to ask me about Dominique and why the hell he's not here. Well, to answer your question, the Mayor is busy that he declined my invitation."
So, she really invited him? But he declined it? Hindi ako naniniwalang busy siya kaya hindi siya sumipot. Siguro galit pa talaga siya sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa kanya. Back to zero na naman ang relasyon naming dalawa.
“You're wrong. Hindi 'yan ang sasabihin ko,"sabi ko at umirap siya. Halatang hindi naniniwala. “Seryoso, may balak akong magbukas ng cosmetics line since iyon ang konektado sa negosyo ng pamilya namin."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Erich sa narinig. Since we were young, I've always wanted to open a cosmetic line because our family business is a fashion line. We are launching different clothes designs every year that is why I decided to match it with cosmetic line.
“Oh my gosh! Kunin mo akong business partner,ah. Sabay nating palalaguin ang negosyo mo!"
This is what I like about Erich. She always supports me when it comes to my dreams. Katulad na lang nang walang pag-aalinlangang pagpayag niya na magtungo ako sa America. Maybe, that is what friends are for. To support each other.
“Sige ba. Ikaw na rin ang kukunin kong model,"biro ko at napasimangot naman siya.
One fact about Erich, she hates posing in front of a camera. Kaya nga ayaw niyang maging model kahit maganda at sexy naman siya.
“Ako na ang maghahanap ng model ng products mo kapag nag-launch ka na. Marami akong contacts,"sabi ni Erich.
I was about to say something when Tristan suddenly entered the kitchen. Hindi ko siya nakita kanina, siguro kararating niya lang. Halata naman dahil naka-office attire pa siya.
“Sige, babalik na ako doon Lia,” sabi ni Erich at lumabas na ng kusina.
Naiwan kami ni Tristan. Hindi ko alam kung bakit parang nag-iba ang timpla ng paligid.
“I'm sorry I'm late. Kagagaling ko lang kasi sa meeting,"sabi ni Tristan.
Tumango ako. “It's okay. Mukhang pagod ka na, dapat hindi ka na tumuloy,"
“Hindi ko naman palalampasin ang araw na 'to. Tatlong taon kitang hindi nakita. I missed you,"
Nginitian ko lang siya dahil parang may something sa sinabi niya. I don't want to assume because he's a friend. Siguro naman gano'n lang din ang tingin niya sa akin.
“Let's go outside. Baka hinahanap na nila ako,"sabi ko na lang at nauna nang umalis ng kusina.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay may sasabihin pa siya at hindi pa ako handang marinig iyon. Hindi ngayon, hindi kailanman.
“Lia, mauuna na kami. We're happy that you're back,"Rhian said.
“Ako rin, Lia. Kailangan na ako sa amin. May trabaho kasi akong naiwan,"sabi naman ni Janet.
Sunod-sunod na silang nagsiuwian. Hanggang sa kami na lang ni Erich ang natira. Nag-umpisa nang magligpit ang mga maids ng mga kalat.
“I'm so happy that you're here again. Ano bang plano mo? Pupuntahan mo ba siya?"tanong ni Erich.
Huminga ako nang malalim at napaisip sa sinabi niya. Hindi ko pa alam ang gagawin. Ako na naman ba ang maghahabol sa kanya? Gagawin ko na naman ba ang ginawa ko noon? Hindi ko alam.
“I don't know, Erich. Hindi ko kasi alam kung may pag-asa pa ba ako? Kung masaya na siya bakit kailangan ko pang sirain ang kasiyahan niya?"
“But you still love him, right?"she asked and I nodded. “If you really love him you should fight for him even if it means you'll be the one to do chase. Dahil hinabol ka rin naman niya noon, ikaw lang ang umalis."
“You're right. I'm going to chase my love. At least kapag napagod ako, alam kong ipinaglaban ko siya,"sambit ko.
Niyakap ako ni Erich. “I'm always here for you, Lia. Kapag hindi nag-work ang plano mo at nasaktan ka lang sa huli, ako mismo ang maglalayo sa 'yo mula kay Dominique."
BINABASA MO ANG
Chasing Your Love [Isla Felice Series 1]-✔
RomanceCamellia Fortalejo is willing to do everything just to get the attention of the future Mayor of Isla Felice, Dominique Aranda. She will chase him and when they are finally together, she will make a decision that will hurt the both of them. Dominique...