CHAPTER 6
SupportiveMabilis na lumipas ang ilang araw. Naging abala ako sa pag-attend ng mga rehearsals para sa pageant. Mula rin nang mangyari iyong paghalik sa akin ni Dominique ay madalas na siyang nasa paligid.
Minsan ay sinusundo niya ako sa umaga pero madalas ay sa uwian niya ako sinusundo. Minsan na lang din sumabay sa amin si Sabelle. Hindi ko alam kung abala lang siya sa pagre-rehearse o umiiwas talaga siya.
Kung tatanungin ako kung masaya ako sa set up namin ni Dominique ngayon? Hindi ko alam. Wala rin naman siyang sinasabi kung anong meron sa aming dalawa. I mean, gusto niya ba ako? O hinalikan niya lang talaga ako noon kasi gusto niyang patunayan ang pagkalalaki niya? I don't really know. I'm confused.
Ngayon ang huling araw ng rehearsal ng mga representative per course at bukas na ang pageant kaya naman hindi maaga ang pasok ko ngayon.
"Hija, parang napapadalas ata ang pagsundo sa iyo ng anak ni Mayor. Boyfriend mo na ba siya?"tanong ni Dad habang nag-aalmusal kami.
Muntikan pa akong masamid dahil sa tanong niya. Alam naman nila na si Dominique talaga ang sumusundo sa akin dahil minsan ay pumapasok siya rito sa bahay.
"Hindi po. Hindi rin naman po siya nanliligaw,"sagot ko.
"Really? Hindi pa ba siya nanliligaw sa lagay na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommy.
Umiling lang ako dahil hindi naman talaga nanliligaw si Dominique. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi pa namin napag-uusapan ni Dominique ang tungkol doon. Hindi rin ako nagtatanong dahil nakakatakot malaman ang sagot. Baka kasi nakukulitan lang siya sa akin kaya sinasakyan niya ang mga pangungulit ko.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong magpaalam kila Mom at Dad bago lumabas ng bahay. Nandoon na agad si Dominique kaya napangiti ako. Bawat araw parang mas lalo siyang gumaguwapo. Ang unfair! Paborito yata siyang anak ng Diyos.
"Do you really have to wear those heels?"He asked, concern is visible on his eyes.
Dahil nga ito ang huling araw ng practice ay nakasuot ako ng seven inches heels. Sanay naman ako at confident akong hindi ako matatapilok. Bata pa lang ako mahilig na akong magtakong kaya sanay na sanay na ako rito.
"Yes, of course. Don't worry I can easily handle these babies,"I said and winked at him. He just sighed.
Pinagbuksan niya ako sa front seat at sumakay na ako roon. Umikot naman siya sa kabila at binuhay ang makina ng sasakyan. Mabilis lang kaming nakarating sa parking lot ng school.
"I'll watch your rehearsal today,"he suddenly said when he parked the car.
"Really? Ikaw ha, hindi pa kita boyfriend pero ang supportive mo na,"pang-aasar ko sa kanya.
Seryoso niya lang akong tiningnan at lumabas na ng kotse. Napanguso na lang ako. Ni hindi man lang sinabayan ang biro ko. Sobrang seryoso!
Bumaba na rin ako at sabay kaming nagpunta sa opened court kung saan kami nagre-rehearse. Nandoon na ang ibang candidates at naagaw agad ni Dominique ang atensyon nila. Nagtataka siguro kung bakit narito ang anak ni Mayor samantalang bukas pa ang pageant.
Iginiya ko siya sa upuan malapit sa stage. Naroon din kasi ang mga kaklase ko na naghihintay sa akin.
"Dito ka na lang muna. Mag-aayos lang ako,"sabi ko sa kanya at tumango siya.
Nang masiguro kong ayos lang siya doon ay lumapit na ako sa mga kaklase ko. Nagtungo kami sa backstage para makapag-ayos na ako.
"Ikaw ha, jowa mo pala iyong anak ni Mayor,"pang-aasar ni Janet sa akin. Napalingon din tuloy ang ibang candidates sa amin. Maging si Sabelle ay tumingin.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Love [Isla Felice Series 1]-✔
RomanceCamellia Fortalejo is willing to do everything just to get the attention of the future Mayor of Isla Felice, Dominique Aranda. She will chase him and when they are finally together, she will make a decision that will hurt the both of them. Dominique...