10

635 21 0
                                    

CHAPTER 10
Pride

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang Biyernes na naman. Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas kong kasama si Dominique. Minsan nga ay gusto ko na siyang tanungin kung ano bang ibig sabihin nitong ginagawa niya. Ayaw ko kasing umasa tapos hindi naman pala gano'n ang nais niyang iparating.

Nitong nakalipas na araw din ay hindi ko napapansin si Sabelle sa FSU. Hindi rin namin siya nakakasabay ni Dominique sa pag-uwi. Ang balita ko ay hindi pa siya pumapasok. Kaya naisipan kong puntahan siya sa bahay nila ngayong uwian.

Ite-text ko na lang si Dominique na kay Erich ako sasabay pauwi dahil nasabi ko na rin kay Erich na magpapasama ako sa kanya.

To: Dominique
Huwag mo na akong sunduin. Sasabay ako kay Erich. :)

Ilang sandali pa ay nag-reply na siya.

From: Dominique
Okay. Take care.

“Huy, nakangiti ka diyan. Ka-text mo si Dominique, 'no?”

Napalingon ako kay Erich na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Hinihintay ko kasi siya dito sa tapat ng building namin. Inirapan ko siya pero natatawa rin ako.

“Baliw ka. Halika na nga,"sabi ko at hinila siya papuntang parking lot. Tatawa-tawang sumunod naman siya.

Pumasok kaming dalawa sa kotse niya at siya ang nagmaneho papuntang bahay nila Sabelle. Itinuturo ko lang sa kanya ang daan papunta roon.

“Alam mo Lia, gaano ka naman nakasisiguro na tatanggapin niya ang pera?"tanong ni Erich habang nasa biyahe kami.

Actually, ang dahilan ng pagpunta ko rito ay para talaga hatian si Sabelle ng perang napanalunan ko sa contest. Naaawa kasi ako sa tatay niya at naging mabait din naman iyon sa akin. Nabalitaan ko kasi na may sakit ang ama ni Sabelle at wala silang perang pambili ng gamot. Kanino ko nalaman? Kay Dominique.

Tinutulungan naman sila ng pamilya ni Dominique pero gusto ko pa ring hatian siya sa pera. Hindi ko rin naman kailangan ito kagaya ng pangangailangan nila. Alam kong dapat no'ng nakaraan ko pa ibinigay ang pera pero ngayon lang kasi ako nakahanap ng tyempo kay Dominique. Madalas kasi siyang maaga magsundo kaya hindi na ako nakakapagsabi.

“Hindi ko rin alam, Erich. Siguro kung hindi niya tatanggapin, iiwan ko na lang nang palihim,"sagot ko.

“Narito na tayo. Gusto mo samahan kita?"Tanong ni Erich at umiling lang ako.

“Hintayin mo na lang ako rito. Mabilis lang ako,"sabi ko at bumaba na ng kotse.

Naglakad ako patungo sa tapat ng bahay nila Sabelle. Nakasarado ang pinto nila kaya kumatok ako. Pinagbuksan ako ng batang kapatid ni Sabelle at umiiyak ito.

“Ate, 'di ba kaibigan ka ni Kuya Dom?"naiiyak na tanong nito sa akin.

Nagtataka man ay tumango na rin ako. Mukhang may problema sila. “Oo, bakit anong nangyari?"

“Ate, tulungan ni'yo po si tatay. M-May sakit siya....Wala po kaming pampa-ospital,"naiiyak na sambit nito at hinila ako papasok.

Nagtungo kami sa kwarto kung nasaan ang ama nila na nakahiga sa kama at walang tigil sa kauubo. Nasa gilid nito si Sabelle na umiiyak din habang yakap ang isang pang nakababatang kapatid.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang makita ang lagay ng ama nila. Hindi ko maiwasang maawa. Lalo pa at patuloy sa pag-iyak ang dalawang paslit na nandito.

Napalingon sa akin si Sabelle at bigla na lang tumayo. Napaatras ako nang bigla siyang naglakad palapit sa akin.

“Anong ginagawa mo rito?! Kasalanan mo 'to! Kung hinayaan mo akong manalo edi sana naipagamot ko na si tatay!"bulyaw niya sa akin at tinulak-tulak pa ako.

Chasing Your Love [Isla Felice Series 1]-✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon