CHAPTER 20
BloomingI woke up feeling restless but contented. Hindi ako agad bumangon dahil dinarama ko pa ang yakap ng lalaking katabi ko ngayon. Mahimbing na natutulog si Dominique sa tabi ko kaya naman malaya ko siyang natitigan. Susulitin ko na ang pagkakataong ito dahil baka hindi ko na ulit magawa.
I know his plan. I know that he wanted to get me tired last night so that I won't catch my flight today. Pero hindi iyon nangyari dahil maaga pa rin akong nagising. At siya itong tulog na tulog.
Dahan-dahan kong kinalas ang braso niyang nakayakap sa akin bago ako tumayo. Napaigik pa ako nang kumirot ang gitna ko. Damn! It really hurts, huh?
Kinuha ko ang mga pinamili ko kahapon at dahan-dahan ding nagtungo sa banyo para mag-ayos. Muntik pa akong mapamura nang makita ang mga marka ng mga halik ni Dominique sa buong katawan ko.
Wala tuloy akong choice kun'di isuot ang turtle neck top na binili ko kahapon na dapat ay sa States ko pa gagamitin. Pagkalabas ko ng banyo ay natutulog pa rin siya.
My heart clenched when I remembered how desperate he was to make me stay last night. Pero hindi na talaga magbabago ang desisyon ko. Kaya aalis na ako hangga't hindi pa siya nagigising dahil baka kapag nakita ko ulit siyang umiiyak, tuluyan nang maging marupok ang puso ko at pumayag sa gusto niya.
I reached his face and kissed him for one last time. Lumabas ako ng penthouse niya at nagmamadaling nagtungo sa elevator. Natatakot akong maabutan niya ako.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko habang nasa elevator. Nanatili akong nakayuko palabas ng hotel dahil ayaw kong makita ako ng mga empleyado nila. Baka gisingin pa nila si Dominique.
Nasa byahe ako papuntang airport dahil nag-message ako kila Mom at Dad na doon na lang ako hintayin. Hindi na kasi aabot kung uuwi pa ako sa bahay namin.
Nakatanggap ako ng text message mula kay Erich.
From: Erich
Lia, where are you? Ano nagbago na ba ang isip mo?Natawa ako dahil naririnig ko ang boses ni Erich kahit binabasa ko lang ang text niya. Nagtipa ako ng reply.
To: Erich
OTW. Hindi magbabago ang desisyon ko.Tumanaw ako sa labas ng taxi at nakita kung gaano katindi ang traffic. Kahit kailan talaga hindi na naayos ang problema sa trapiko dito sa Pilipinas. Baka hindi ko pa maabutan ang flight ko. Hayst.
It's already nine in the morning when we reached the airport. Agad kong binayaran ang driver bago ako tumakbo papasok sa loob. Natanaw ko kaagad ang parents ko at si Erich na naghihitay sa akin dala ang mga bagahe ko.
“There you are! Masyado ka na bang excited na magtungo sa states kaya naka-turtle neck ka na dito sa Pinas?"bungad ni Erich sa akin kaya bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata.
Ang daldal talaga ng babaeng 'to. Lahat na lang napapansin. Pero mami-miss ko siya. Sobra.
“Lia, saan ka ba kasi nanggaling? Muntikan mo nang hindi maabutan ang flight mo,"sabi ni Dad.
Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam kung aaminin ko ba na kasama ko si Dominique magdamag. Knowing my parents, kung ano agad ang naiisip nila.
“You don't have to answer that, hija. Alam na namin kung saan ka nanggaling. Mabuti nga at nakarating ka pa,"sabi naman ni Mommy.
Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Si Erich naman ay napansin kong pangiti-ngiti habang nakatingin sa akin.
“Mag-iingat ka doon, ah. Susunod kami sa bakasyon. Huwag kang magpapalipas ng pagkain,"bilin ni Mommy at niyakap ako.
Napag-usapan talaga namin na susunod sila sa bakasyon kapag wala nang masyadong trabaho si Daddy. Hindi rin naman nila matitiis na wala ako sa tabi nila.
“Lia, no boys allowed. Hindi porke't nasa liberated country ka ay magiging ganon ka na rin. Study first,"sabi ni Dad.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang nangyari lang kagabi. Ano kayang iisipin nila kapag nalaman nila iyon? Talagang wala akong ie-entertain na ibang lalaki doon dahil inangkin na ako ni Aranda.
“Yes, Dad." I said and I hugged him also.
Si Erich naman ang lumapit sa akin at yumakap.
“I know what you did last night. I can see it. Blooming ka ngayon,” bulong niya para hindi marinig ng parents ko.
Namula naman ako at bahagya siyang hinampas sa braso. Wala talaga akong maitatago sa babaeng 'to.
“I'll miss you, Erich. Mag-iingat ka rito,"sabi ko at nakita ko siyang nagpupunas ng luha. Siya pa itong umiiyak kaysa sa mga magulang ko.
“Ikaw ang mag-iingat doon. Ibang bansa iyon at hindi mo kabisado! Basta,tumawag ka ah,”sambit niya.
Tumango ako at saktong tinawag na ang mga pasahero ng flight ko. I hugged them for one last time before I was able to walk away from them.
Aaminin ko, umaasa akong may sisigaw ng pangalan ko at pipigil sa aking umalis. Ganon kasi ang mga napapanood ko sa mga movies. Darating iyong lalaki sa airport at pipigilan ang babae. Pero hindi katulad ng sa movies, walang dumating. Walang sumigaw ng pangalan ko para pigilan ako sa pag-alis. Walang Dominique na pumigil sa akin kaya dirediretso ang naging lakad ko papunta sa departure area.
Maybe, I was hallucinating. Pero nang lumiko ako ay parang may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Hindi ako tumigil para lumingon dahil baka imagination ko lang 'yon. Hindi siya darating.
Pagsakay sa eroplano ay may natanggap pa akong mensahe mula kay Erich.
From: Erich
Lia! Dominique is here. Plano ka niyang pigilan pero wala ka na.Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang mabasa iyon. Dumating siya. Nandito siya para pigilan ako. Pero wala na akong magagawa kun'di ipagpatuloy ang desisyon ko.
'See you soon, Dominique..'
Babalik ako. Aabutin ko lang ang pangarap ko at babalik ako. At sa pagbabalik ko, babawiin ko ang mga bagay na binitawan ko. Alam ko namang, kung para talaga kami sa isa't isa, kahit gaano pa katagal, kami pa ring dalawa ang magkakatuluyan. We just have to grow for ourselves so that we can be better for each other. Dahil hindi kami maggo-grow kung magkasama kaming dalawa.
Alam kong maaaring hindi ako mapatawad ni Dominique sa ginawa kong pag-iwan sa kanya pero aasa ako. Aasa ako na may babalikan pa ako. At pagbalik ko, gagawin ko ang lahat para makuha ulit siya kung sakali mang may nagmamay-ari na sa kanyang iba.
Pinatay ko na ang phone ko dahil mag-uumpisa na ang briefing. Hindi naman ito ang unang beses na sumakay ako ng eroplano. Pero ito ang unang beses na sumakay ako mag-isa kaya siguro medyo kinakabahan ako. Nasanay kasi ako na kasama sila Mom at Dad sa bawat travel namin. Ngayon, mag-isa lang ako.
Natulog ako habang nasa himpapawid kami. Iyon lang kasi ang paraan para hindi ako lamunin ng lungkot habang papalayo sa mga taong mahal ko.
“Ma'am, do you like some coffee, tea or juice?"the flight attendant asked me with a polite smile on her face.
I shook my head. “No, thank you."
In a few hours, the plane will land on its destination. Sa loob ng ilang oras ay mararating ko na rin ang lugar kung saan ako magsisimula ng bagong buhay.
America, here I come!
BINABASA MO ANG
Chasing Your Love [Isla Felice Series 1]-✔
RomanceCamellia Fortalejo is willing to do everything just to get the attention of the future Mayor of Isla Felice, Dominique Aranda. She will chase him and when they are finally together, she will make a decision that will hurt the both of them. Dominique...