CHAPTER 27
Sorry“Give me another hard drinks,"I said to the bartender.
Matapos ang parang walang katapusang pag-iyak ko sa parking lot ay agad akong nag-taxi papunta rito sa Elite. Hindi ko na alam kung nakakailang shots na ako ng alak at wala akong pakealam.
I want to get drunk. I want to drown myself so that I won't feel the pain in my heart. Gusto kong maging manhid kahit ngayon lang. Sobrang sakit kasi, eh. Hindi ko kinakaya.
“Miss, you've been drinking for three hours straight. Wala ka bang balak umuwi?"tanong ng bartender.
I raised my eyebrow on him. “Wala kang pakealam...Ako naman ang nagbabayad ng mga iniinom ko.."
“I'm just worried. Sinong maghahatid sa 'yo pauwi kapag lasing na lasing ka na? Mabuti pa, hangga't nakakapagsungit ka pa ay umuwi ka na,"
“Don't tell me what to do!Alam mo ba kung anong pinagdadaanan ko ngayon?! I was rejected by the one I love! At sobrang sakit...I'm willing to chase him..I'm willing to lower down my pride just for him but he doesn't want me anymore!”
Tears started to fall from my eyes for the nth time. I don't know that I'm such a cry baby. Hindi ko alam kung bakit hindi napapagod ang mga mata ko sa pagluha. Hindi ko alam kung bakit umiiyak pa rin ako. Ayaw ko nang umiyak. Masakit sa mata. Masakit sa puso. Masakit sa ulo. Masakit sa lahat!
“I'm sorry. I'm not in the place to say this but you'll move on, eventually."
Umiling ako. Ayaw kong mag-move on. Ayaw ko ngang tanggapin na wala na talaga tapos magmo-move on ako? Hindi ko kaya.
“Camellia? What happened to you?"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Gio. Pinaningkitan ko siya ng mata at hindi pinansin. Kaibigan siya ni Dominique at baka kung ano pang sabihin niya sa lalaking 'yon.
Tumayo na ako at aalis na sana pero may nakabangga sa akin. Natapon ang alak na hawak nito sa damit.
Feels like a de javu. Iyong unang pagtatagpo namin ni Dominique.
“Watch where you're going! Bulag ka ba?"sigaw ko doon sa babaeng nakabangga sa akin.
“Excuse me, hindi ko kasalanan na bigla kang tumayo! Tigil-tigilan mo ako at baka hindi kita matantya!"
My eyes went wide at her. I immediately grabbed my shot glass and splashed the alcohol to her face.
“That's what you get! Ikaw ang nakabasa rito kaya dapat nag-sorry ka pero nagmamayabang ka pa!"sigaw sa kanya.
She was about to slap me but I grabbed her wrist but she is quick to kick my legs. Bumagsak ako sa sahig at namilipit dahil sa sakit.
“How dare you?!"I shouted.
Susugurin na sana niya ako ulit pero humarang na si Gio at inawat siya.
“Hey, miss. Stop! Calm down!"he shouted.
Napatigil naman ang babaeng 'yon pero sinampal niya si Gio. Sobrang lakas no'n at pati ako ay napangiwi. Nang umalis ang babae ay saka humarap sa akin si Gio. Namumula ang kaliwang pisngi niya.
“Ang malas ko yata ngayong araw. Mabuti na lang at hindi ako pumapatol sa babae. Halika na nga,"sabi niya at tinulungan akong tumayo.
Iginiya niya ako palabas ng bar at dinala sa kotse niya. Pinaupo niya ako sa may front seat pero nanatili siya sa labas. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.
“I'm with her. You owe me this one,"that's what he said before he ended the call.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Sino naman kaya ang kausap niya? Bahagya niyang hinilot ang pisngi niya na ngayon ay medyo namamaga. Ang lakas naman sumampal ng babaeng 'yon, mabuti na lang at napigilan ko siyang masampal ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Love [Isla Felice Series 1]-✔
RomanceCamellia Fortalejo is willing to do everything just to get the attention of the future Mayor of Isla Felice, Dominique Aranda. She will chase him and when they are finally together, she will make a decision that will hurt the both of them. Dominique...