chapter 19

765 30 14
                                    

Y/n pov


Hindi ko na talaga kaya umabsent na naman ako ngayon magpapacheckup muna ko baka mamaya may nakain pala kong kakaiba kaya ganito nararamdaman ko ponyeeta.




"ms y/n?come here" tawag sakin ng isang nurse kaya pumasok ako sa loob at umupo sa tapat ng babae malamang doktor


"hello ms y/n" bati niya sakin at ngumiti kaya ganun din ako at bumati pabalik "so these past dfew days you always throwing up?" tanong niya sakin agad naman ako tumango "ne,  ne i think i eat something that's  why my stomach erm hehe" nakalimutan ko yung grammar puta



"did you feel headache or something strange?" huminga ako ng malalim at tumango tango, nakita ko naman siyang tumayo at pinasunod niya ko sa kaniya at pinahiga ako sa higaan.


"let me check your tummy" sabi niya at inayos ang mga gagamitin niya gago ooperahan kaya ako?  Baka may mga bulate sa tyan ko ah, may nilagay siya sa tyan kong parang gel at may pinagulong gulong sa tyan ko.



"ahh i see, congrats ms y/n you're 2 months pregnant" sabi niya at tumango tango naman ako "ANOOO!??" gulat kong sabi at umupo ng tuwid "you're pregnant ms y/n" nakangiting niyang sabi



"u-uh" ayun na lang tangi kong nasabi at nagbayad na lumabas ako dala dala ko ang picture ng bata sa loob, nanghihina ako kaya umiyak ako.


"h-hindi pwede to" hagulgol ko at pinawi luha ko na dere deretso lang sa pag agos "ano na lang sasabihin nila mama?!" nagpadyak ako ng paa at sumandal sa pader para magsilbing alalay saken pinunasan ko lang ang mga luha ko at inayos buhok ko.



"pano to alam kong hindi tatanggapin to ni taehyung" sabi ko at umiyak na naman nasabunutan ko na lang sarili kong buhok at napaupo habang humahagulgol sa mga halaman.


"tangina kase eh di ka nagiisip y/n... Hindi ka pwedeng mabuntis! " mangiyak ngiyak kong sabi "paano to putangina naman" sabi ko at tumayo nagayos na ko at tinago na sa bag ko ang picture ng ultra sound.







"oh y/n bat di ka pumasok" bungad ni ate lorna sakin pero umiyak lang ako kaya agad niya ko niyakap "oh bakit ka umiiyak ano nangyare!?" nagaalala niyang tanong at hinimas ang likod ko pero ako patuloy lang sa paghagulgol.




"ano bang nangyayare sayong bata ka sabihin mo kay ate" sabi niya at kumalas sa pagyayakap sakin at tumingin sakin saka pinunasan mga luha ko. "a-ate b-buntis ako" sabi ko at umiyak na naman "sus maryosep santa marimar" nasapo niya na lang noo niya.


"umupo ka muna dadalhan kita ng tubig" pinaupo niya ko sa sofa saka sya kumuha ng tubig at pinainom sakin, umupo siya sa tabi ko at seryosong tumingin sakin "akala ko ba wala kang jowa!?" sabi niya pero tumango lang ako " eh bakit nabuntis ka eh wala ka namang jowa!?  Ano yan naputukan ka lang na hindi mo namamalayan!?" sabi niya at napacross arm siya


"ate kasee mahabang kwento" sabi ko naman at nilapag ang basong pinaginuman ko "nako ka anong plano mo dyan sa bata na yan?" nagkibit balikat na lang ako at sumandal "nako ka nasstress ako sayo" sabi ni ate lorna at ininuman ang pinaginuman ko kanina.



"Magreresign na lang ako sa bighit at uuwi na ng pilipinas" sabi ko at huminga ng malalim "alam na ba ng mama mo yan at ate mo?" tanong niya ulit pero umiling lang ako at ngumiti



"wag mo kong nginingitingitian dyan jusko ka" sabi niya natawa na lang ako at pinunasan sipon kong tumutulo "oh siya nagluto ako kumain ka na muna" sabi ni ate lorna kaya tumayo na ko at sinumulan ng kumain


Sorry ma, ate baka maging pabigat ako sa inyo..









Kasalukuyan akong asa kwarto at iniiisip kong sasabibin ko ba kila mama at ate, kase pag sinabi ko baka bungangaan ako at palayasin pero pag hindi ko naman sinabi at sila pa makakaalam malamang ganun din gagawen sakin eh.



(oh anak? Napatawag ka?) sabi ni mama sa kabilang linya kaya nagsimula na naman akong umiyak
NATATAKOT AKONG BULYAWAN NI MAMA.


(hala kang bata ka anong nangyare bakit ka umiiyak?!) sabi ni mama sakin pinawi ko lang luha ko at naglakas loob na umamin na kay mama



"m-ma.." panimula ko at humikbi "ma sorry buntis po ako!" sabi ko at umiyak na naman tanginang luha yan sana maging diamond ka para magkapera naman ako kahit papaano.



(h-ha!?  Sinong tatay, anak? Ilang buwan ka ng buntis?  Alagaan mo sarili mo ha?) sabi ni mama na kinabigla ko "ma hindi ka galit sakin?  Hindi mo ko bubulyawan?" nagtatakang tanong ko narinig ko namang tumawa si mama.



(ano ka ba anak andyan na yan oh ano pa ba magagawa naten saka blessings yan nak wag na wag mong pababayaan yan) sabi ni mama kaya napangiti naman ako at naisip kong sobrang swerte ko at naging nanay ko to.



"kaso ma.. Uuwi ako dyan sa pilipinas dyan ko palalakihin ang bata" sabi ko kaya mama (nako anak mukhang sa canada lalaki anak mo)  sabi niya na pinagkataka ko "po? Bakit ma? Ipapatapon mo ko?" tanong ko narinig ko namang tumawa si mama



(ikakasal na kami ng tito brent mo yung jowa kong foreigner nak kinukuha na kami ng ate mo sa canada) sabi ni mama at halatang sobrang saya niya "andaya mo mama bakit hindi mo man lang sinabi sakin na ikakasal ka na?!" sabi ko at nagdamog kunware


(isusurprise ka sana namin eh pero kami nasuprise mo) sabi ni amma ata tumawa kaya ganun din ako "kelan po kayo aalis dyan mama?" tanong ko


(sa ikalawang araw nak, ano susunod ka ba?) sabi ni mama "opo mama syempre kailangan andun ako sa kasal mo no" sabi ko at tumawa kaming dalawa



"si ate po pala mama?" tanong ko sa kanya (andun sa mall eh may binibili) sabi niya kaya tumango tango naman ako, napahaba din usapan namin ni mama kaya napagod din ako at nakatulog din.



--+++--



"y/n ready ka na?" tanong ni ate lorna tumango naman ako at lumabas na ng apartment nagsuot lang ako ng maluwag na damit at jumper para di mahalata tyan ko.


"sure ka na ba na magreresign ka?" tanong ni ate lorna tumango naman ako at ngumiti "mas makakabuting lumayo muna kami ate"sabi ko at tumingi sa labas ng bintana


Di kalayuan ay nakarating din kami sa bighit umakyat na ko sa office ni bang pd at kumatok bago pumasok "oh yes y/n?" tanong sakin ni bang pd kasama niya ngayon ang dalawang manager ng bangtan


"uhm bang pd, manager... i will resign today, here is my resignation letter" sabi ko at binigay sa kanila ngumiti na lamang sila at huminga ng malalim


"okay y/n..." sabi ni bang pd at pinirmahan ang letter ko, nang matapos kami ay lumabas na ko at maglalakad na sana ng makita ko si jin kaya tumalikod ako at nagtago



"y/n?" sabi niya kaya humarap ako at ngumiti "ah yes?" napakamot na lang ako sa ulo ko "your absent for two days how are you?" sabi niya pero nagokay sign lang ako tinap niya lang ang ulo ko at ngumiti bago umalis.



"haysss sobrang hirap pero kakayanin" sabi ko at lumabas na ng building at nagpara ng bus para makauwi na ko.








Ngayon ay nagiimpake na ko ng nga gamit ko, bukas na aalis sila mama at sa susunod pa ko pero inayos ko na para hindi biglaan ang impake ko isasarado ko na sana ng makita ko yung picture frame namin ng bangtan.



Tumayo ako at kinuha yun naluha na lang ako habang tinitignan yun, ayun yung time na nasa labas kami ng bahay nila at sobrang init nun at lahat kami naka peace sign nun tyaka naka height arrangement.



"haha tanginang yan ang liit ko pala" natatawang sabi ko at pinunasan luha ko tinabi ko na yun at nilagay na sa bag saka sinarado ang bagahe ko.



"ays finish na!" sabi ko at pumalakpak pa "SO BABY KAYA NATEN TO KAPIT LANG TAYO HAHA GALINGAN MO KUMAIN" sabi ko at tinap ang tyan ko na ngayon ay lumulobo na din.




TO BE CONTINUED....



_________________________________________________

KEEP SAFE...




✔️𝐁𝐓𝐒 𝐌𝐀𝐈𝐃 - [𝐊.𝐓𝐇]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon