Critique made by: JLblackclandestine.
Book: Majestic Academy
Author: empressjoy18[Note: Lahat ng nakasulat ay base lamang sa kaalaman at obserbasyon ng kritiko bilang mambabasa. Nasa iyo naman ang desisyon kung susundin mo ba o hindi.]
🎀 TITLE & BOOK COVER:
Wala naman akong problema sa title at alam mo naman din siguro na maraming kuwento na ginagawang pamagat ang paaralan na pinapasukan ng bida. Sa BC naman, naiintindihan ko kung bakit maramimg stickers.
🎀 NARRATION/CONTENT:
Sa first part (prologue), 'yong mga linyang walang indikasyon kung sino ang nagsalita, mas mainam na isalaysay mo ang pangyayari na nagaganap habang binibitiwan ng mga karakter ang pangungusap.
Halimbawa:
"Shishi, salo!" sigaw ni Bibi at akmang itatapon patungo sa akin ang punyal na dala niya. Agad ko naman itong sinalo at binigyan ng mabilis na sulyap sina Riri.
"Riri, ihagis mo sa akin, dali!" Rinig kong utos ni Mimi habang naghahanda sa pagtakbo.
Kailangan mauna kami. Hingal na hingal na ako maging ang kakampi ko, pero hindi p'weding magpahinga.
"Bibi, dito!" hiyaw ko. Medyo bumabagal na ang paggalaw niya. Baka maging dahilan pa ito ng pagkatalo namin.
Those sort of things. I'm not that good with this as well, so I suggest you to write your own style basta maipasok lang ang action.
May kahabaan ang prologue, pakiramdam ko tuloy part na siya ng chapter.
Mahilig ka gumamit ng 'naman' at 'pa' sa mga pangungusap na p'wedi namang wala.
Halimbawa:
pagmamaktol naman, sinamaan naman siya, nandaya naman kayo.- Kung may ginamitan ka na nito sa unang pangungusap, p'wedi mo naman siyang kunin na sa mga sumusunod. Basta 'wag lang masyadong magkalapit.
At kung maaari namang kunin ang word para hindi maulit ay mas mainam gawin.
Halimbawa:
Tila parami nang parami ang kaluskos na aming naririnig na tila may kakaiba blah blah.- Mas magandang kunin ang Tila sa panimula ng pangungusap.
Same as halos. At sa marami pang words sa story na laging nauulit sa iisang paragraph.
Also, ang word na agad, which appears a lot can be omitted o kaya naman interchanged with "mabilis".
Another, don't repeat what you have said at the upper part.
BINABASA MO ANG
Arcane's Critique Shop 2.0
NezařaditelnéWelcome to Arcane's Critique Shop version 2.0! "Critiques are perceptions." √ Offers constructive criticisms and feedbacks. √ Giving suggestions, corrections and advices to your work. √ Neatness, Formality, Grammar are all a must.