Sidapa
Biringan... sinong tampalasan ang nagdala kay Jelie sa lugar ng mga engkanto?
"Sidapa—" nahihintakutang banggit ni Carol sa pangalan ko.
Nararamdaman ko ang kapangyarihan na bumalot sa aking katawan—kapangyarihan na matagal ko ng hindi tinatawag.
"Sidapa, sasamahan ka namin," ani ni Bunao.
Matagal na ang huling tapak ko sa Biringan. Mga engkantong mapaglaro— kunwari ay hindi sila maaring magsinungaling ngunit kayang baliin ang mga salita upang pumanig sa kanila ang kapalaran. Mga engkanto— na kung hindi hiniling ni Bathala noon ay baka wala na sila ngayon.
Kinuha nila si Kinabuhi noon. Ngayon ay si Jelie naman.
Kaawaan sila at walang Bathala na pipigil sa akin sa araw na ito.
Nagbukas ako ng lagusan patungo sa Biringan. Sumunod si Bunao, Carol, Zandro at Amihan sa akin. Nagkakasayahan sa Biringan nang lumabas kami sa lagusan. Maraming engkato ang patungo sa plaza. Napahinto sila nang maramdaman nila ako. At ang ilan ay humarang sa aking dadaanan.
"Sabihin ang iyong ngalan," wika nito sa akin.
"Tampalasan," ani ko at bigla ay naging abo ang engkanto na naglakas ng loob na harangan ko.
Napaurong ang mga engkanto na nakakita. Nahawi sila ng kusa nang humakbang muli ako. Ang ilan ay nagtago sa likod ng nagmamatapang. Ang mga nagmamatapang ay nagiging abo sa oras na dapuan ng kapangyarihan ko.
Mga iyakan at sigawan ang iniwan ng grupo namin. Lahata ay sinusumpa ang mga bagong dating.
"Sidapa, kailangan bang—"
"Kailangan," mabilis na sagot ko sa kung ano man ang sasabihin ni Carol.
Sa Plaza— kung saan nagkakagulo ang mga engkanto kami nagtungo. Nagkakasayahan sila at hindi alintana ang kamatayan na parating.
Si Carolina ay naghihintay sa plaza at naroon si Jelie na nakatali sa isang troso— at ang anak ni Sitan.
"Jake—"mahinang wika ni Carol.
Nahawing muli ang mga engkanto upang bigyan kami ng daan.
"Nagawi ka sa kaharian namin. Ano ang iyong sadya?" tanong ni Carolina.
"May kinuha ka na pag-aari ko."
"Wala akong kinukuha—"
"Kung ganoon ay bakit nakatali ang taga-bantay sa harapan ko?" galit na tanong ko.
May kung anong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Carolina.
"Ah, siya ba ang bago mong... laruan?"
"Kakalagan mo o mabubura ang Biringan sa mapa? Ano ang iyong pasya, Carolina?"
Hindi gaya dati na napakiusapan ako, ngayon ay magbabayad ka.
"Hindi mo gagawin, Sidapa!" banta niya.
Sa galit ko ay pinatay ko isa-isa ang bawat daanan ng kapangyarihang lumulukob sa akin. Nabubuhal sila at nagiging abo sa harapan ni Carolina.
"Itataya mo ang kasunduan dahil sa isang taga-lupa?" hindi makapaniwalang tanong ni Carolina.
"Dodong—" awat ni Jelie sa akin ngunit pakiramdam ko ay napakalayo niya upang maabot ng tinig niya ang galit ko.
"Tama na... Huling tapak mo na ito sa Biringan, Sidapa. Sa susunod na may kuhanin ka pang engkanto ay matitikman mo ang ganti namin," ani ni Carolina.
BINABASA MO ANG
The Book of Death
FantasySIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo. Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Mi...