Jelie
Pagkatapos ni Dodong na sabunutan ang sarili ay hindi na niya ako kinibo. Galit yata sa akin pati ito.
"Galit ka ba?"
Tinitigan niya ako ng masama kaya shut up na lang ako.
"May isa pa akong problema," I murmured. Parang luging lugi na si Dodong. Nakikinig pa lang yan ah, hindi pa akong humihirit ng 'Friend, favour naman.'
"Kailangan kong makita si Bathala. Sa tingin mo nasa tagpuan siya?"
Nakagat ko ang inner cheek ko dahil sa frustrations ni Dodong sa usapan namin.
"Sabi ni Moira—"
"Tumahimik ka lang muna, Jelie."
"Okay, fine..." sagot ko ng pakanta.
"Hinahanap din nila si Bathala, kaya huwag kang atat na makita siya."
"Alam mo, nagresearch ako dati kung ano ang itsura ni Bathala. Sabi kasi nagkakatawang manok siya minsan, kaya nagpunta ako sa sabungan."
Napa-face palm na si Dodong. Napangiwi naman ako ng maalala ko ang ginawa ko. Isa-isa kong kinakausap ang manok. 'Bathala, Bathala, where art thou, Bathala.' Parang may Shakespeare play sa sabungan at that time.
"Pinasa rin ba ng lola mo ang powers sa iyo?"
Hindi na naman kumibo si Dodong.
"Ayaw ko ng powers ko. Ayaw kong mabuhay ng matagal. Gusto ko, tamang 80 years lang ako sa mundo."
"Nasa sisenta na lang ang buhay ng tao ngayon," sagot ni Dodong matapos manahimik ng matagal.
"'Yong lola ko na nagpasa sa akin ng bertud, hindi ko naman direct na lola. Bali..." Nagbilang ako sa kamay kung pang-ilang generation si Lola pero I failed. "Basta, hindi siya ang nanay ng nanay ko. 'Yong lolo ko na nangdekwat sa Biringan, tamalis— I mean tamad kasi iyon. Iyon talaga ang Lolo ko na tatay ng mama ko."
"Tapos? Saan papunta ang kwento mo?"
"'Eto na nga, ghorl..." Umayos ako ng upo. 'Yong nakaharap kay Dodong para feel na feel ko ang pagkukwento.
"So, habang nasa akin ang bertud, mabubuhay ako ng 48 years..."
"Maikli lang iyon."
"Bakla, hindi... Ay sorry hindi ka bakla, ang ibig kong sabihin, mabubuhay ako ng matagal, huwag lang masaksak puso tulo ang dugo ako. Na-gets mo?"
Naguguluhang umiling si Dodong.
"Mabubuhay nga ako ng matagal pero sabi nga ni Aling Alma, with reservations. Huwag lang akong mamatay, mabubuhay ako ng matagal."
"Ang labo mong kausap," sagot ni Dodong. Napabuga ako ng hininga. Ako na ang frustrated ngayon.
"Kapag naipasa ko ang bertud, maari na akong mamatay. So kung hindi ko ipapasa ang bertud, baka 'yong apo ng apo mo ay maging jowa ko pa."
Tumawa si Dodong na parang nag-aasar.
"Tantado ka ah. Bakit ka tumatawa?"
"Hindi ka papatulan ng magiging apo ko. Ano ang kinalaman ni Bathala sa iyo?"
Nanlaki ang butas ng ilong ko. Kung 'di ako papatulan ng apo mo, gagawin ko siyang bekimon. Lagyan ko siyang nail art pagkapanganak pa lang.
"I need to kiss him."
Mas lalong tumawa si Dodong. Kung may lakas lang ako para buhatin ang krus at ihampas sa kanya, nagawa ko na sana. Sa halip ay sinipa ko ang tuhod niya sa inis.
"Oo nga. Sabi ng Lola ko I need to kiss him para sealed ang forever young ko. Kasi kung hindi, tatanda ako gaya niya."
"Hindi nagpapakita si Bathala."
"Iyon nga ang problema," gigil na sagot ko.
"Kailangan ba si Bathala talaga. Baka pwede si... Bunao."
"Ayaw ko, Buang iyon. But tell me, saan galing ang mga tropa mo? Litong-lito na kasi ako sa kanila."
"Tanungin mo sila."
"Ayaw ko, laging may kapalit. Si Bunao, curious ako doon."
"Siya si Lakandula."
"Whaaa." Napatayo ako. Na-shook ako, bakla. "Totoo, bakla?"
"Isa pang tawag mo ng bakla sa akin, susuntukin kita," banta ni Dodong na ikinatawa ko.
"Ito naman, kwentuhan lang ih." Para akong si kumare na excited makarinig ng tsismis. "Teka, bakit buhay pa siya. Re-incarnated?"
Umiling si Dodong.
"Tapos?" tanong ko.
"Tapos na."
"Putangina, the end agad ang kwento mo. Paanong buhay pa siya? Vampire ba siya? Bumangon sa hukay?"
"Nakulong si libro," sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
"Tapos?"
"Hindi ko ugaling magkwento ng buhay ng iba." Bumalik na naman ang cold na si kumpare. Nagkwento na mars, biglang naalala ang morals.
"Buhay mo na lang ang ikwento mo. So, Sid pala talaga name mo. Ano apelyido mo? Taga-saan ka? Ano kwento ng pamilya mo? Paano napunta ang powers mo? Paano mo nakilala ang mga friends mo?"
"Inaantok na ako," sagot ni Dodong.
"Alam mo, ang daya mo. Ang dami ko ng naikwento pero ikaw, hanggang pangalan lang ang alam ko sa iyo. Mukhang palayaw pa nga 'yong Sid."
"Mas marami kang alam tungkol sa akin kaysa sa mga tinatawag mong kaibigan ko."
"Totoo? Bakit feeling ko—"
"Puyat ka lang. Umuwi ka na."
"Sabay na tayo. Saan ka ba uuwi?"
Natahimik na naman si Dodong. This time, tinanaw niya ang madilim ng bahagi ng bundok.
"Last question na lang. Sa tingin mo ba, nakikinig sa hiling si Kamatayan?"
Napabalik ng tingin si Dodong sa akin. "Depende," sagot niya.
"Hinihiling ko kasi lagi sa kanya na bigyan pa ako ng kaunting oras na makasama ang kapatid ko. Sa tingin mo nakikinig siya?"
"Sa tingin mo?" balik na tanong niya.
Tumango ako. "Sa tingin ko nakikinig siya. Buhay pa kasi ang kapatid ko hanggang ngayon." Tinapik ko ang everlasting na inilagay ko sa paanan ng krus bago ako tumayo. "Tara?" yaya ko kay Dodong.
Humarap ako sa kanya ang I saw a small movement of his lips. A small movement—maybe I imagined it— his lips moved and it looks like he smiled.
"Bakit parang nakakalimutan ko ang itsura mo after kong gumising. Pero kapag nakikita kita, alam kong ikaw iyan."
"Huwag mo kasi akong isipin pagkagising mo."
Napahinto ako sa paghakbang. Maging si Dodong ay napahinto sa paglalakad niya. Nagkatinginan kami ang I made face.
"Ang kapal mo," I told him and he rolled his eyes on me.
BINABASA MO ANG
The Book of Death
FantasiSIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo. Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Mi...