Kabanata 35- ANG PAGBABALIK NG BOSES

3.1K 230 32
                                    

Jelie

Wala akong nagawa kung hindi matulala.

"Jelie—" tawag ni Dodong sa pangalan ko. "Ayos ka lamang ba?"

Saan ako aayos? Tangina, joke ba 'yon?

"Jelie—" tawag niyang muli.

Napakurap ako ng mga ten times bago nagsimulang bumalik sa isip ko ang nagaganap.

"Ano—" Wala nga pala akong boses... hayop na iyan. Kung kailan ko kailangan saka wala.

"Nabigla ka ba?"

Nabigla raw ba ako? Mukha ba akong prepared sa sinabi niya? 'Yong itsura kong nakanganga ba ay mukhang prepared?

Huminga ako ng malalim at nagsulat.

JOKE BA IYAN?

"Kailan ba kita biniro?"

Napalunon ako ng laway— tipak-tipak na laway.

"Pansamantala ay mawawala ang marka mo at magbabalik kapag nahagkan muli kita."

Parang reporting lang ang nangyayari at straight face siya. Halik 'yon, bakla... magnanakaw na ito! I need to have my underwear to be in control. Gantong wala akong suot maliban sa mahabang t-shirt— nawawalan ako ng kakayahang maging hambog.

BAKIT MO AKO... HINALIKAN?

"Dahil nais ko," sagot niya.

SASAMPALIN KITA, DODONG. UMAYOS KA NG SAGOT.

"Maayos naman ang sagot ko. Ano ba ang nais mong sabihin ko?" tanong niya.

Ugh, ewan ko sa iyo! Naupo muli ako sa sofa at pumikit... tapos nagreplay sa utak ko ang kiss. Wahh, kailangan kong makapagsalita.

Nagulat si Dodong nang bigla akong tumayo. Hinila ko ang braso niya at sumenyas ng portal.

"Bilog?" tanong niya. Umiling ako. Sumenyas ulit ako.

"Bilohaba?"

Ay ang tanga lang ha... matatalo tayo kung charades 'to.

Kumuha na lang ako ng papel bago pa ako tuluyang mainis... at nagsulat ako na may panggigigil na naman na kasama.

PORTAL!!!!!!

"Ah, saan mo nais pumunta?"

MARIKIT

"Sige, ngunit sa isang kundisyon," wika niya.

Ay, ano ba? May ganito?

"Babalik ka rito at dito magpapahinga."

Okay deal! Nagthumbs up ako kay Dodong.

Kumpleto ang tropa nang lumabas kami ni Dodong sa portal at natingin sila sa magkahawak kamay namin. Hindi ko alam bakit kailangan pa akong hawakan eh parang dumaan lang naman kami sa pintuan.

Tulala sila nang makita kaming holding hands, pero ang lintik na si Jake ay unang nakabawi.

"Bakit may marka ka?" tanong niya sabay turo sa tattoo sa wrist ko.

"Anong marka?" tanong tuloy ni Carol.

Sumenyas ako na wala akong boses.

"'Yong parang bracelet na tattoo niya," sagot ni Jake. "Kayo na? Nag-sex na kayo?"

Waahhh? Napahawak ako sa dalawang pisngi ko para pigilang malaglag ang panga ko this time.

"Tampalasan ka," sagot ni Dodong kay Jake. Itinaas ni Jake ang dalawang kamay niya.

"Nagtatanong lang," wika niya.

Sumenyas akong walang boses ngunit walang pumapansin sa akin kung kaya nagwalk-out na ako at pumunta sa silid na ginagamit ko noon dito upang magbihis.

"Jelie—" sigaw ni Dodong no'ng nagsusuot na ako ng panty. Tangina, baka lumitaw dito sa kwarto si Dodong. Nagmadali tuloy akong magbihis. Ayon, baliktad ang t-shirt ko nang bumaba ako sa kanila.

Tinatawanan nila akong nagpunta sa banyo at itinama ang t-shirt na suot ko.

"Okay ka lang?" nakangiting tanong ni Marikit.

Makikisingit sana ako sa upuan sa pagutan ni Carol at Jake nang hilahin ako ni Dodong papunta sa tabi niya.

"Diyan ka na lang bago pa ako sunduin ng jowa mo," ani ni Jake.

"Hindi ko pa nakakalimutan na ikaw ang dahilan kung bakit nasaktan si Jelie," saad ni Dodong nang makaupo na ako sa tabi niya.

"Oo na, sorry na," napabuntong hininga si Jake. "Marami akong kasalanan."

Kinawayan ko si Bunao na pilit akong binabaliwala. Kinalabit ko tuloy si Dodong at tinuro si Bunao.

"Ayos na 'yang wala kang boses," wika ni Dodong na ikinasingkit ng mga mata ko at ikinatawa ng iba.

"Tigilan na nga ninyo si Jelie. Ikaw Bunao, gumaganti ka ba?" may pagbabanta na tanong ni Marikit.

"Ginamot ko nga... lumapit ka na dito at nang maalis ko 'yang halamang gamot sa leeg mo."

Halamang gamot pala ito, akala ko may hardin na sa leeg ko eh.

Pinaupo ako ni Bunao sa isang bangko sa gitna nilang lahat. I feel shy dahil nasa akin ang attention nila. Sinimulan naman agad ni Bunao ang orasyon niya. Sa bawat pagtanggal niya ng dahon ay siyang bigkas niya ng chant. Unti-unti ngang gumagalaw ang kamay ko eh hanggang sumasayaw na ako ng sayaw ni Sarah G. para hindi umulan. Hindi iisang beses akong natusok ng dahon sa leeg. Nanadya yata itong si Bunao.

Nang matanggal na ang hardin sa leeg ko, nagsimulang bumalik ang boses ko kaya sinubukan kong magsalita.

"Bakit gano'n, parang Renz Verano?" I asked. Tawa nang tawa si Carol, Rose at Marikit sa akin. Medyo paos pa ang boses ko o baka ito ang totoong boses ko? Boses lalaki...

"Ano na ang plano?" tanong ko sa kanila ngunit si Dodong ang sumagot.

"Hindi ka sasama sa kanila."

"'Oy, hindi ikaw ang boss ko. May kasalanan ka pa, Dodong."

"May kasalanan ka pa pala eh," segunda ni Bunao na umupo na sa tabi ni Marikit. Nakaupo pa rin ako sa upuan sa gitna nila.

"Sasama ako, babalik ka ba ng Biringan?" I asked Jake.

"Hindi ka sasama," pigil ni Dodong.

"Gigilitan ko rin ng leeg si Carolina," I said. Naku, nag-init na naman ang dugo ko. "Hayop siya. May pilat ba?" Pinakita ko kay Jake ang leeg ko. Umiling naman siya.

"Naroon ba sa Biringan si Bathala?"

"Bakit mo hinahanap?" balik na tanong ni Jake.

"Kailangan kong halikan."

"Hindi mo hahalikan si Bathala," mariing sagot ni Dodong.

"Kailangan ko," giit ko.

"Hindi mo kailangan."

"Kailangan ko ng clear skin," pamimilit ko.

Napabuga ng hininga si Dodong at hinawakan ang pulso ko. Itinaas niya ang kamay ko hanggang maduling ako sa kakatingin sa tattoo ng balahibo ng uwak.

"Ahh, so nagkiss lang pala kayo," wika ni Jake na nakapagpasinghap sa akin.

Feeling ko kasing laki ng kwago ang mga mata kong natingin kay Dodong.

"Oo— malinaw na sa iyo?" tanong niya sa akin.

"Oh shit, hindi ko mahahalikan si Bathala?"

Si Dodong naman ang naningkit ang mga mata.

The Book of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon