Kabanata 32- CHOICES

2.5K 207 19
                                    

Jelie

Alam mo 'yong pakiramdam na hindi ka makahinga ng maayos pero hindi ka naman mamatay? Hindi n'yo alam? Paano ninyo maiintindihan?

Nataranta si Marikit nang makita akong duguan sa kamay ni Dodong. Gusto ko nga siyang biruin na tagos lang 'to, pero nahihirapan nga akong magsalita. Naubos ang lakas ko sa kakasabi na Type O ang dugo ko. Wala yatang balak na dalin ako ng hospital ni Dodong. Dahon-dahon na lang daw para makatipid.

"Bakit ka ba nagpunta ng Biringan?" sigaw ni Dodong nang maibaba ako sa sofa nila Marikit. Napatingin kaming lahat sa kanya at itinuro ko si Jake. Napatingin si Dodong kay Jake at may lumabas na aura dito. Itim na usok na hindi ko maintindihan kung saan galing. Pumagitna si Carol, Rose at Zandro kay Dodong at Jake. Si Jake ay nakatayo lamang at hindi gumagalaw.

At ako— nawalan ako ng boses. Tinanggalan nga yata ako ni Bunao ng boses. Hinampas ko ang kamay ni Bunao na naglalagay pa rin ng dahon sa lalamunan ko at sinenyasan ko na wala akong boses. Tumango lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ang mahalaga ay ligtas na nakabalik si Jelie," wika ni Carol.

"Ligtas ba 'yan? Tingnan mo nga at duguan," sagot ni Dodong. Nanggagalaiti sa galit. Nakakatakot din palang makita ang karit niya. Nakahood pa, ready to kill. Nanliliit akong nanatiling nakahiga sa sofa.

"Ano ba ang nangyari?" mahinahong tanong ni Marikit. Kinaiinggitan ko ang pagiging mahinahon niya.

"Tinangay ng anak ni Sitan si Jelie sa Biringan," galit na sagot ni Dodong. Napayuko ng ulo si Jake.

"Para ano ha?" sumbat ni Dodong. Bakit ba siya galit? Ako nga ang galit sa kanya. Magkaroon lang ako ng boses, hinayupak na lalaki na ito.

"May ililigtas siya," sabat ko. Pero ang narinig nila na sinabi ko ay parang tunog ng lata na kinaskas sa semento. Wala silang naintindihan.

"Manahimik ka muna nga," wika ni Bunao at tinapik ang noo ko ng medyo malakas. Aba't bumabawi ng ganti.

"Umalis ka nab ago madamay ang mga tao rito," utos ni Dodong kay Jake.

"Walang aalis," sagot ni Marikit. "Jake—" tawag ni Marikit kay Jake na ikinalaki ng butas ng ilong ni Bunao.

Natawa ako ng bahagya pinindot ang ilong ni Bunao na lalong nainis.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Marikit. "At huwag kang magsisinungaling sa amin," banta niya.

Huminga ng malalim si Jake at naupo sa isang bakanteng upuan.

"Hindi kami good terms ni Sitan. Pinili ko kayo—" sagot nito. Nakatingin ang lahat kay Jake. "Ang sabi sa propesiya hindi ba, kailangan mamili ng panig? Pinili ko kayo kung kaya hinahabol ako ng kampon ni Sitan upang patayin. Gusto kong i-secure si Anya bago ko kayo puntahan pero nakuha siya ng dalakinton at dinala sa Biringan."

"Sino si Anya?" tanong ng lahat maging ang utak ko.

"Kasintahan mo?" tanong ni Marikit. Umiling si Jake at hindi nag-elaborate.

"Sorry, Jelie," Jake murmured. Mukha naman siyang nagu-guilty sa nangyari. "Hindi ko alam na hindi ka pwedeng tumungtong sa Biringan," dagdag niya.

"Tapos na ba, Bunao?" tanong ni Dodong kay Bunao na nagco-concentrate sa paglalagay ng dahon. Feeling ko wala na akong leeg dahil sa dami ng dahon na nakatapal sa leeg ko.

"Tapos na," sagot ni Bunao nang banggitin nito ang huling dasal.

Walang kibong binuhat ako ni Dodong.

Teka, oy, hindi ako prepared.

Nagbukas siya ng portal at tinangay ako. Iniwan namin ang buong grupo sa bahay nila Marikit.

Back to his house ako. Pagkababa ni Dodong sa akin sa kama niya ay inipon ko ang natitira kong lakas at binato siya ng unan. Sayang at walang flower vase para matigas-tigas sana ang naibato.

Nakatingin lamang si Dodong sa akin at hindi tuminag.

Tangina, pulutin mo ang unan!

"Magpahinga ka na," ani ni Dodong. Tiningnan ko siya na parang nasisiraan siya ng bait at tinuro ko ang duguang damit ko.

"Hindi kita maaring palitan ng damit," sabi nito.

Bakit hindi? Luh!

"Pagkagising mo, kapag malakas ka na, doon ka na lamang magpalit. Sa ngayon ay matulog ka. Mag-uusap tayong dalawa pagkagising mo."

Sumenyas ako na wala akong boses at tinaasan ko ng middle finger.

Napabuntong hininga si Dodong sa akin. Pinulot niya ang unan at maingat na inilapag sa tabi ko.

"Babantayan kita simula ngayon," wika nito na ikinaikot nga mga mata ko.

Nakatulog ako pag-alis ni Dodong. Nakatulong nga siguro ang mga dahon na ito sa leeg ko. Sana lang bumalik ang boses ko, ayaw kong maging pipi for life.

Hindi ko alam kung nanaginip ako pero feeling ko panaginip ito kasi hindi naman malungkutin si Dodong.

Nakatingin daw si Dodong sa akin na may lungkot sa mata. Gusto ko nga siyang sumbatan kaso pagod pa ako at nanghihina. Pero malungkot siya talaga habang nakaupo sa upuan malapit sa akin.

"Dodong—"

Walang lumalabas na boses pa rin sa akin. Hindi ko na pinilit at nagpahinga na lang ako.

Panaginip, hindi ba? Kasi... bakit siya malulungkot eh siya itong ayaw magpakita sa akin? Hay, maiba ako self, sino si Carolina at bakit bitter siya kay Dodong? Mag-ex ba sila? Hindi naman masakit... tangina. 

The Book of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon