Napaupo ako sa couch na kaharap ng billiard table. Tinapos niya muna ang laro niya bago umupo sa tabi ko.Kinain naman niya yung dala kong pagkain. Ilang saglit namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Palihim kong inaangat ang tingin ko. Nahuhuli ko din siyang ginagawa iyon kaya nagtatama ang tingin namin.
"Pupunta ka sa kasal ni Anthony?" basag niya sa katahimikan.
"Gusto ko sana, 'kaso, masyadong malayo ang Batangas."
"Next week pa naman ang kasal niya, and you can ride with me to Batangas if you want. That is, kung okay lang sayo na kasama ako."
Lihim na kinilig ako sa isiping 'yon. Kami ni Ashton sa mahabang biyahe? At dadalo sa isang kasal na magaganap sa isang napakagandang beach resort?
"O-okay lang talaga sayo?" tanong ko.
"It would be my pleasure." nakangiting sabi niya. Ngiting palaging nagpapalambot sa mga tuhod ko.
Akala ko babae lang ang may mood swings, lalaki din pala. Kanina lang ang cold niya tapos ngayon, hay.
Bigla kong naalala. "Kailangan ko pa palang maka-reserve ng room ng hotel doon."
"Kung ayos lang sa'yo, puwede kang mag-stay sa hotel na ipina-reserve ko."
"M-mag-isa ka lang doon?"
Tumango naman siya. "For three days, yes. Since wala naman tayong pasok for three days dahil my team-building ang mga professor sa campus."
Kaming dalawa ni Ashton sa isang hotel sa loob ng tatlong araw? Ang romantic!
"Well?" aniya. "Okay lang naman siguro sa 'yong magkasama tayo sa iisang hotel, hindi ba? I-I mean..."
Napakunot-noo naman ako. Maybe he meant kung okay lang ba na magkasama kami sa iisang hotel since babae ako at lalaki siya. Duh. As if nag-iisip akong may gapangang mangyayari sa gabi.
Gapangan? Ano bang nangyayari sa akin. Bakit parang nag level-up na yata sa pagnanasa ang nararamdaman ko sa kanya?
His skin was golden tan and his eyes were light brown. Kahit commanding ang dating ng jawline at ilong niya, hindi ko parin maitatangging isang gwapo, mabait at harmless na lalaki siya.
Nakasuot naman siya ngayon ng manipis na black jacket na medyo hapit sa katawan at kinapalooban ng white V-neck shirt. Itim din ang pantalon at sapatos nito. Ang buhok niyang bahagyang ginulo sa pamamagitan ng light wax. His eyes seemed to look darker in the night. He looked mysterious, wild and sexy. Very sexy, actually.
"Yeah, sure." sagot ko sa tanong niya habang pinipigilan ang pilyang ngiti. "Wala namang problema sa akin, Ashton."
Tumango naman siya. "Cool."
***
Kanina pa nangangawit ang leeg ko kakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Ashton. Nasa biyahe na kami papunta sa venue ng kasal ni Anthony. Kanina ko din napapansing panay ang sulyap ni Ashton sa akin. Wala naman siguro akong dumi sa mukha. Hindi ako naglagay ng makeup o kahit face powder dahil magbibiyahe naman kami.
Parang gusto ko na tuloy magsisi kung bakit pumayag akong sumama rito. Ang hirap palang mag-relax kapag kasama siya nang solo at sa ganoong kahabang byahe.
"Naiinitan ka ba?" basag niya sa katahimikan.
Hinilot ko ang leeg ko nang lingunin ko siya. "No, I'm good."
"Sabihin mo lang kung hindi ka kumportable sa aircon at ia-adjust ko, okay?"
"Okay. Thanks."
Nagpaalam ako kina Gelli at Audrie na pupunta ako ng Batangas kasama si Ashton. Akala ko nga hindi papayag si Gelli pero nang banggitin ko ang pangalan ni Ashton, pinagtabuyan ba naman ako. Moment ko na raw 'yon.
BINABASA MO ANG
Sinful Desires
RomanceWARNING: MATURE CONTENT 🔞⚠️ She was willing to do anything to have Ashton's heart, kahit secondhand lamang iyon. Isusuko niya ang lahat-lahat ng mayroon siya- puso, pride and yes, pati na bataan.