Chapter Nine

67 6 6
                                    

R-18. Read at your own risk.

Nagmartsa ako pabalik sa loob ng bar at um-order ng Black Label. Lalong uminit ang ulo ko nang makita ko si Jaze.

"Hi-"

Kinuwelyuhan ko siya. Hindi na ako makapagpigil pa. Kung kinakailangan kong pairalin ang violence sa lalaking ito para tantanan niya ako ay gagawin ko.

"What the fuck are you doing here? Ini-stalk mo na naman ba ako?"

"O-of course not!" gulat na tanggi niya. "Hindi ko naman alam na nandito ka sa bar niyi. I am here to meet my date."

Binitawan ko naman siya agad. "P-pasensiya ka na," nahihiyang paghingi ko nang paumanhin.

"It's alright." Bumuntong-hininga siya. "I guess I have to go. I can't find my date, baka hindi na yun sisipot."

Saglit kong pinasadahan ng tingin si Jaze. Kung tutuusin hindi pa namab hopeless case ang itsura ni Jaze. May tinding ito, husto sa pangangatawan, baduy lang kasi pumorma. Saka sa tingin ko, may hitsura din siya kung magugupitan lang nang maayos ang makapal at alon-along buhok niya.

"You know what, Jaze." sabi ko bago pa niya ako talikuran. "Mas may pag-asa kang makakuha ng ka-date kung magme-makeover ka ng sarili mo."

"What do you mean?"

"Baguhin mo ang pananamit mo, saka magpagupit ka."

"You think I really look that bad?"

Pinigilan kong matawa. "Hindi ko kasi maintindihan ang fashion mo."

Bumuntong-hininga siya. "Yeah, I think I dress a lot like my grandpa. Siya kasi ang nagpalaki sa akin since nasa states ang parents ko."

Ngumiti ako. "You know what? Puwede kitang samahan mag-shopping for new outfits at samahan na rin sa salon."

Kinabukasan ay niyaya ako ni Ashton mag-date after class para makabawi daw sa nangyari kahapon.

"I have plans." pagdadahilan ko.

"Can I come over at your house later at night? Gusto kitang makasama."

"May lakad ako kasama ang isang kaibigan. Gagabihin kami. Magpahinga ka na pag-uwi mo ngayon. Bye." at mabilis na umalis sa harap niya.

***

Napangiti ako nang tingnan ko si Jaze. Nasa isang restaurant kami. Ang gwapo ng porma nito. Naka-dark khaki pants at light-gray long-sleeved polo siya na medyo hapit sa katawan.

Tinulungan ko siyang mamili ng mga bagong outfit at sinamahan ko din siyang magpagupit. Halos hindi ko siya makilala nang lumabas kami sa salon.

Nakita kong may dalawang babaeng lumapit sa mesa, ngiting-ngiti sa kanya. Pero hindi niya iyon kinausap nanh matagal.

Lumapit ako sa kanya galing kasi ako ng CR. "O, bakit mo tinaboy ang magagandang babaeng 'yon? Akala ko ba, gusto mong magkaroon ng date?"

Umupo ako sa harap niya.

"Parang nawalan na ako ng interes makipag-date," sabi niya. "I mean..." at umiling. "What? Nagkainteres lang ba sila sa akin dahil sa itsura ko?"

"Jaze, hindi mo maiaalis na ma-attract ang tao sa physical appearance. That's human nature. We were made that way. Saka, sa una lang naman ang physical attraction. Something much deeper would eventually develop if it is meant to be."

Yup, gaya ng nararamdaman ko kay Ashton na nag-umpisa sa attraction, naging sinful desire at ngayon ay pagmamahal na pala. Life is so mysterious...

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon