Chapter Eleven

42 5 0
                                    

Nakangiti habang napapailing ako nang makita ko ang malaking sobreng iniabot sa akin ni Matte. Invitation iyon ng kasal ni Anthony. Paano ba naman kasi nabuntis si Iris. At dahil mahal naman niya, papakasalan niya.

"Wag mong sabihing ikaw ang susunod na magpakasal Ashton. Baka bigla na lang naming malaman na may nabuntis ka din." asar ni James sa akin.

Nasa bahay kaming tatlo ngayon at nag-usap tungkol sa kasal ni Anthony. Nagkamot ako ng ilong. "Hindi ba dapat ay ikaw sabihan ko nang ganyan dahil ikaw ang may girlfriend sa ating dalawa?"

"Naku, hindi ko pa nga nagagalaw si Jessica, hindi pa interesado ayaw ko namang mamilit," sabi niya at umupo sa harap ng mesa.

"Seriously? Baka naman sa iyo hindi interesado si Jessica," banat ko.

Kung pakialamero lang siguro ako ay tatapatin ko na hindi ko gusto ang girlfriend niya. Parang walang panahon dito si Jessica. Mahilig mag-cancel ng mga date at palaging inaaway si James. Palibhasa, mabait at maunawain kasi kaya nagpatitiyagaan ang girlfriend. Martir nga ang tawag namin sa kanya.

Nagsalita, sabi ko sa sarili ko.

Ang lakas ng loob kong mang-asar sa kaibigan ko samantalang hindi ko nga alam ano ba talaga status ng love life ko. Hindi ko nga alam kung may love life akong matatawag dahil wala naman kaming communication ni Amara simula nung umalis siya papuntang Europe, halos limang taon na nakakaraan. Kahit LDR ay hindi ko matawag.

Amara left with my heart. Kung alam lang ni James at Matte ang tungkol don baka binatukan na nila ako.

"Gago!" mura sa akin ni James. "At least may love life, eh, ikaw wala. Makipag-date ka naman, o kaya ay gumimik."

"Alam mong wala akong hilig sa mga ganyan." pagdadahilan ko. Hindi ko hilig lumabas, lalo na sa gabi. I always hated crowds.

"You know what? Makipag-date ka kaya kay Yvette?" si James.

Yvette Saavedra. Yeah, first year college palang attracted ako sa kanya. Dahil yun sa ngiti niya nang sabay kaming buksan yung pinto. Late kasi ako.

"Malabo. Sa lahat at ng blockmates natin ako nga lang yung hindi niya pinapansin." sabi ko. "Kayo, kinakausap kayo at close din lalo na kay Anthony pero sa akin wala akong maalalang kinausap ako ng babaeng iyon."

"Baka may crush sayo?" asik ni Matte.

Tinawanan ko nalang siya. That's too impossible. Wala nga yung interes sa akin eh.

"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Binibisita ka dahil baka kinakapitan ka nang lumot dito sa bahay mo pag walang pasok."

"O, ngayong nakita mong buhay pa ako't humihinga, pwede na kayong umalis." tumatawang pagtataboy ko sa kanila.

Alam kong ang susunod na sasabihin nito ay yayayain akong lumabas at uminom. Malamang ay hindi na naman siya sinipot ni Jessica.

"Umiiwas ka lang sa gimik." banat niya.

"Si Matt lang ang yayain mo. Papaag iyan." Itinuro ko si Matte na kumakain ng chips.

Umiling naman sa akin si Matte. "You need to get laid, dude. I mean, big time."

"‘Tado!" singhal ko.

Napagdesisyonan kong pumunta nang mall dahil nasira ang charger ng laptop. Pasakay na ako ng elevator nang makita ko sa loob si Yvette.

"H-hi."

"Hey." nakangiting bati ko.

Napatitig ako sa suot niya bago pumasok at tumabi sa kanya. Was it the sight before me that made me linger for awhile? Nagustohan ko ang suot niya. Maganda pala ang legs niya at maganda din ang mga dibdib nitong nakabakat sa suot niya.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon