Kahit puyat ako ay pumasok parin ako sa school. Nag-alala parin ako dahil hindi kami tuluyang nagkaayos ni Yvette kagabi dahil dun sa bigla nalang akong hinalikan ni Amara sa gazeebo.Naglalakad na ako papunta sa classroom nang biglang tumawag si Amara. Napabuga ako nang hangin bago sagutin iyon.
"Hello?" walang-gana kong bati.
"Let's eat dinner outside?"
"I'm going out with Yvette tonight," pagsisinungaling ko although may balak akong yayain si Yvette mag-dinner sa labas.
Hindi na kami nakapag-usap kagabi dahil parang iniiwasan niya ako. At bago ko pa siya yayaing ihatid pauwi galing sa bar nila ay sumakay na siya ng taxi. Nagpasya nalang akong wag siyang tawagan para lumamig ang ulo niya.
"Well, pwede kitang dalhan ng lunch ngayon diyan sa school niyo."
"Amara, what are you trying to do?"
"I'm getting you back, that's what I am doing."
"Yvette is my girlfriend now for Pete's sake!"
"Do you really feel something for her?"
"Wala ka ang pakialam sa akung anong nararamdaman ko para kay Yvette."
"You're just using her as your rebound. Or baka ginagamit mo lang siya ngayon para saktan din ako sa pag-iwan ko sayo?"
"For God's sake, Amara! Wala akong balak ganatihan ka."
Inaamin ko sa sarili kong nasisira ang maayos na relasyon namin ni Yvette sa pagbabalik niya. Everything was going smoothly, maganda ang takbo ng relasyon namin ni Yvette, when we discovered we both like and wanted each other. Sigurado akong papunta na sa malalim na pagtingin, dama ko na sa sarili ko. May nararamdaman na akong kakaiba para kay Yvette.
"Let's cut the crap. Why can't it be the two of us now? Matagal nating hinintay 'to diba? Ngayon ay wala nang makakapigil sa atin, Ashton."
"I don't want you anymore." I declare.
Ilang saglit na hindi siya nakapagsalita. "Akin pa rin ang puso mo."
"I am taking it back. Hindi na ikaw ang gusto kong magmay-ari ng puso ko."
"Just like that, huh?" may hinanakit na usal niya.
"What do you mean 'just like that'? I loved you, Amara. I gave you my heart and I was ready to give you the whole world as well." Nagulat ako sa mga sinasabi ko. Past tense lahat ng mga yon. Parte nalang talaga ng nakaraan ko si Amara.
"You let me reach my dreams. Bakit ngayong nagbalik na ako dala ang pagmamahal ko ay umaayaw ka na?"
"Ikaw ang nagsabing huwag na nating hintayin ang isa't isa. Wala rin akong binitawang pangakong mahal pa rin kita sa pagbabalik mo."
I was being cold and almost heartless. Pero kailangan marinig niya ang lahat ng iyon.
"I have to hung up now, Amara. May klase pa ako."
After class ay niyaya ko si Yvette na mag-date kami, gusto kong makasama siya at pambawi sa nangyari pero...
"I have plans."
"Can I come over at your house later at night? Gusto kitang makasama." pakiramdam ko talaga iniiwasan niya ako.
"May lakad ako kasama ang isang kaibigan. Gagabihin kami. Magpahinga ka na pag-uwi mo ngayon. Bye." at mabilis na umalis sa harap ko.
Nagpasya na lang akong umuwi sa bahay sa natulog. Dinner time nang magising ako kaya napagdesisyonan kong kumain nalang sa restaurant. Pero hindi ko inakalang makikita ko si Yvette doon at may kasama nga siya, pero hindi ko naisip na lalaki pala ang kaibigan na sinasabi niya. Kailan pa siya may kaibigang lalaki sa labas ng USB?
BINABASA MO ANG
Sinful Desires
RomanceWARNING: MATURE CONTENT 🔞⚠️ She was willing to do anything to have Ashton's heart, kahit secondhand lamang iyon. Isusuko niya ang lahat-lahat ng mayroon siya- puso, pride and yes, pati na bataan.