Chapter Seven

103 33 36
                                    


I woke up eight in the morning. Sa guest room ako natulog at nilock 'yon para hindi makapasok si Ashton. Dahil hindi ko mapigilang umiyak kagabi, nasasaktan ako.

I am damn inlove with Ashton. I admit.

Alam kong gusto niya ako. Pero there's a big difference between like and love. Kontento naman na sana ako sa setup namin. Willing akong maghintay kung kailan niya kayang ibigay sa akin ang puso niya. Pero mangyayari pa kaya yun ngayong nandito si Amara? Anong laban ko sa unang taong minahal niya?

Para akong gumawa ng kastilyong buhangin sa dagat at winasak yun ng malakas na alon. It hurts.

Gustuhin ko mang maging masaya si Ashton dahil nagbalik na ang babaeng minahal niya, hindi ko magawa. Kahit na pinagtulakan ko siya kagabi ay nasasaktan ako sa ginawa ko.

I want Ashton's heart. I want him to love me back. Pero anong laban ko?

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto, suot parin ang ternong light-green pajamas at nagtungo sa dining table. Natigilan ako ng inabutan kong magkasama si Ashton at Amara.

Napansin naman agad ako ni Ashton kaya lumapit siya sa akin. "Good morning," bati niya at hinalikan ako sa pisngi. "Sorry, I didn't wake you up for breakfast, baby. Naka-lock ang pinto ng guest room. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na ako," at napasulyap kay Amara. Ngumiti naman siya sakin. That same 'odd' smile from last night. Ngumiti nalang din ako. Plastic na ngiti.

"Kumain ka na, Yvette. May natira pang kaldereta at sinigang na niluto ko," alok niya sa akin.

Argh! Marunong din siyang magluto? Ano pa kaya ang kaya mong gawin Amara?

'Mag handstand habang kumakain ng ice cream at bumibirit ng kanta ni Morisette?!'

"I'll just have a cup of coffee, thanks." sabi ko at dumiretso sa kusina kung saan may nakalagay pang pot sa coffeemaker.

Pagkakuha ko ng kape ay lumabas ako sa backdoor hawak ang isang kamay ng mug. Tumambay ako sa garden.

Maya-maya ay tinabihan ako ni Ashton. "Bakit ayaw mong kumain?"

"Hindi ako gutom."

"Kung si Amara ang iniisip mo, umalis na siya."

Hinigop ko ang kape. Nakalimutan kong hipan, napaso pa tuloy ang dila ko. Pero hindi ko nayun inalintana. Mas mahapdi ang sakit na nararamdaman ko.

"Gusto ko nang maunang umuwi."

"W-what? But why?" nagtatakang tanong niya.

"Nabo-bore na ako. Since tapos nadin naman ang ipinunta natin dito, ang birthday ng lola mo. Gusto ko nang bumalik dahil walang kasama si Gelli sa bahay."

Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa kanya. "You're lying. This is about Amara, right?"

"A-ayoko lang makaistorbo sa inyo. Matagal kayong hindi nagkita, hindi nag-usap. Kung gusto mong manatili muna, okay lang sakin."

"Yvette---"

"Take this an opportunity na makasama ulit siya. Huwag mong sayangin, Ashton. M-maybe this time, you can make her stay."

"Look, hindi ka babalik nang nag-iisa, okay? Bukas na tayo umuwi."

Sumama naman ang loob ko. "At anong gagawin ko dito? Mag-kunwaring hindi nasasaktan sa tuwing nakikita ko kayo?!" Halos pumiyok ang boses ko dahil sa pagtaas ng boses ko.

"You're jealous."

Iniwas ko ang tingin ko at tinungga ang kape. Ito ang unang beses na magkaroon ako ng ganitong emosyon. Nagagalit at nasasaktan, dahil nagmamahal ako.

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon