Chapter Four

101 37 46
                                    


"She's a very good artist. Kaya niyang gumuhit gamit ang charcoal, watercolor, oil, and pastel."

I felt pain when I heard her name.

"She seems very important to you to give your heart to her."

Marahan siyang tumango.

"Did she give you her heart, too, Ashton?"

He wearily drank the remaining cold water in his glass. "Her heart belongs to art. Umalis siya ng Pilipinas para magpakadalubhasa ng painting sa Europe. We don't have communication at hindi pa siya umuuwi sa loob ng halos limang taon."

"Y-you're waiting for her?"

Ngumiti lamang siya bilang sagot.

"She's lucky with a capital L."

"What about you? What is your greatest dream?" tanong niya sakin.

"Ikaw lang ang nagtanong sa akin niyan." nahihiyang tumawa.

"I want to know." interesadong ungot niya.

"Well, sa totoo lang, wala naman talaga akong mataas na pangarap. I just want to finished college, help my parents running their business and to have a peaceful life."

I saw him stunned. "Wala ka bang pangarap na makapaglibot sa buong mundo or something like that?"

"I wanted to help my parents first before myself. But if I was given the chance to have the talent like Amara's, gusto ko ring hasain yun sa ibang bansa."

"Mas pipiliin mo ba ang pangarap mo kaysa pagmamahal?" bigla niyang tanong.

Tumingin naman ako sa kanya, siguro dahil mas pinili ni Amara ang pangarap niya kaysa sa kanya. I feel pity for him knowing na may minahal siyang tao nang sobra at iniwan siya, kahit gusto ko siya.

I smiled at him. "A dream would mean nothing if you got no one to share with. If I was Amara, you'll be my greatest inspiration on reaching my dreams. I would be willing to make any arrangements para hindi tayo maghiwalay." I giggled. "Isasama kita sa Europe. Ang romantic kaya non. We'll go to Milan, Venice, Madrid and Paris."

"Gusto mong nag-night swimming mamaya?" he suddenly changed the topic.

"I didn't bring any swimsuits."

"Ako rin pala, walang dala. Masyadong maikli ang three days na pananatili natin dito. Maybe next time we can stay here much longer para ma-enjoy naman natin ang lugar."

Next time? Gusto ba niyang makasama ulit ako? Napansin kong parang nagulat din siya sa sinabi niya kaya nagkangitian na lamang kami at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

***

Ayaw akong dalawin ng antok sa kabila ng mahabang byahe, siguro dahil ay nakatulog ako kanina. Tag-iisa naman kami ng kwarto ni Ashton. Hindi parin mawaglit sa isip ko ang bare upper body niya. First time kong makakita ng lalaking hubad at maganda ang katawan. Pinag-iinit ako.

Sinubsob ko nalang mukha ko sa unan at pinilit matulog. The next morning, I woke up eight in the morning. Papunta ako sa bathroom na adjacent sa dining room nang magkasalubong kami ni Ashton. Nahihiyang sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko.

"Good morning," masayang bati niya. Bagong ligo ito dahil amoy na amoy ko ang mabangong sabon na gamit at perfume niya.

"Morning," I greeted with my groggy voice.

Napatitig naman siya sakin, "You know, sabi ng lolo ko... malalaman mo raw na talagang maganda ang isang babae kung masisilayan mo siya sa bagong-gising."

Sinful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon