"Thank you, ah."Tinulungan niya pa kasi ako dalhin ang mga binili ko sa tapat ng pinto.
"Wala 'yon."
Lihim naman akong napangiti dahil you know sino bang maga-akalang makakasabay ko siyang kumain at ihahatid pa ako for the first time in forever!
"Do you want to come inside?" I asked.
"Ah, no. Late narin kasi. Maybe, next time?"
May next time pa pala? Na-excite tuloy ako. Next time daw oh, so may plano ba siyang pumunta sa bahay ko? Sana i-inform niya ako magpapa-red carpet ako! Chos.
"Anyway, I need to go. Thank you for joining me on dinner. I guess, I'll see you tomorrow in USB?"
Ngumiti naman ako at tumango. "See you."
Umalis siya sa harap ko at bumalik sa kotse niya. Nakita ko pang tiningnan niya muna ako bago pumasok. I waved goodbye at sinuklian naman niya 'yon ng busina. Sinundan ko naman ng tingin ang papalayong sasakyan hanggang sa mawala 'yon sa paningin ko.
Napabuntong-hininga ako ng bonggang-bongga at napatalon sa kilig habang napapikit. I composed myself first before opening the door at luminga-linga kung may tao ba sa paligid dahil sa pagtalon ko. Nakakahiya kung nagkataon.
"Gelli! Help me with the groceries!" I shouted.
"Coming!" I heard a foot steps running down from the stairs.
Tinulungan niya akong ilagay sa kitchen lahat ng binili ko at isa-isang nilabas 'yon para ilagay sa ref.
"Kumain ka na ba? I cooked adobo."
"Kumain na ako sa mall." at hindi ko na naman mapigilang mapangiti. Naramdaman ko namang tumitig sakin si Gelli.
"What?"
"What's with your smile? Para kang nanalo ng lotto diyan!"
Kinwento ko naman sa kanya ang nangyari, todo kilig naman ang bruha sa sinabi ko. He know Ashton by his name pero hindi niya pa talaga nakikita in personal kahit nasa iisang campus lang kami. Pagkatapos kong makausap si Gelli ay umakyat na ako sa kwarto para maghalf-bath bago matulog.
The next morning I woke up early than usual. Na excite akong pumasok. Dahil ako ang naunang nagising kay Gelli, ako nalang din ang nagprepare ng breakfast namin. Pagbaba niya nagulat siyang makita akong nasa kitchen.
"Whoa. Ang aga ng gising ah?"
"Inspired, eh."
"Sana pala palagi kang inspired, 'no? Para ikaw ang magprepare ng breakfast araw-araw."
Tinawanan ko nalang siya at hinain na ang niluto kong sinigang. Tahimik lang kaming kumain pagkatapos ay naligo at nag-ayos ng sarili. Dinaanan muna namin si Audrie sa bahay nila at sabay na kaming naglakad papunta sa USB.
Naghiwalay na kami ng landas nila Gelli at Audrie pagdating namin sa USB. Since Accounting si Gelli at Human Resource naman si Audrie.
Pagpasok ko ng classroom agad akong pumunta sa seat ko. I'm sitting beside the window giving me the perfect spot to see the oval field. Nahuli ko namang nakatingin sakin si Ashton, he's seating three seats away in front of me. Nginitian naman niya ako kaya tumango ako at ngumiti. Kahit na inspired ako sa kanya, dapat act normal. Who would've thought magpapasinan na kami after three years after ng encounter namin kagabi?
Good thing happens when you least expect it. Last night was really unexpected.
Dahil hindi pa dumarating ang prof namin naisipan ko nalang mag soundtrip nalang muna habang nakatingin sa labas. Like I usually do, I refuse Ashton's presence inside the classroom. Dahil ayokong may makahalatang crush ko siya, even him. Pakiramdam ko kasi sa oras na mapalapit ako sa kanya iisipin nilang may gusto talaga ako, ay defensive?
BINABASA MO ANG
Sinful Desires
RomanceWARNING: MATURE CONTENT 🔞⚠️ She was willing to do anything to have Ashton's heart, kahit secondhand lamang iyon. Isusuko niya ang lahat-lahat ng mayroon siya- puso, pride and yes, pati na bataan.