KABANATA 1

156 12 6
                                        


                                 Dirby POV

"WOAHH paree sa wakas bakasyon na rin" parang batang ani ni Rocco isa sa mga bestfriend ko..

Oh before I forgot I'm Dirby Smith gwapo,mayaman,nag iisang anak,at ano pa nga ba edi playboy..

Si Rocco William at Ryder Miller ay ang mga kaibigan ko na mula pagkabata..

Si Rocco ay loko loko katulad ko nagagawa niya ang lahat ng kalokohan na gustuhin niya dahil wala dito ang parents niya matinik din ang isang toh sa babae..

Si Ryder ay tahimik na nilalang..Lagi namin itong nakakasama sa walwalan pero madalas ay papagalitan siya ng parents niya dahil tumatakas pala siya..Saaming tatlo ay siya ang pinaka mattured na mag isip..

At ako katulad ni Rocco ay playboy din ako ang pinagkaiba lang namin ni Rocco siya tumatagal ang babae sakanya ng buwan samantalang ako ay araw lang...

"Saan ba tayo magbabakasyon?" Masayang tanong ni Rocco pero nanatili lang kaming nakatingin sakanya ni Ryder..

Nasa tambayan nga pala kami..Yep may tambayan kami sa eskwelahan well madali lang naman toh dahil amin naman ang school...

"AHA!Alam ko na eh kung sa resort naman kaya tayo magbakasyon?" Sasagot na sana si Ryder ng biglang tumunog ang cellphone ko..

Arghh siya nanaman sinabi ko na sakanyang tapos na kami ah..

"Aba pare akala ko ba wala na kayo niyan?" Tatawa tawang saad ni Rocco dahilan para matawa rin si Ryder..

Dahil sa inis ay itinapon ko ang cellphone ko kung saan..

"Ang highblood mo naman pare" pang aasar ni Rocco kaya agad ko naman siyangb sinamaan ng tingin..

"Ang kulit ng babaeng yan sinabi ng wala na kami eh" inis na saad ko dahilan para mas lalong lumakas ang pagtawa ni Rocco..

"Makukulit talaga ang babae" sa wakas nag salita narin si Ryder...

"Ang mga babae kapag naging sweet ka sakanila ng isang beses ay aasa sila na gusto mo sila" paliwanag ni Ryder..

Tch bat ba kasi ang gulo ng mga babae..

"Tama!Kahit na sabihin mong hanggang kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sakanila aasa parin sila" gatong naman ni Rocco kay Ryder..

"Kaya sila madalas paglaruan" sarkastikong saad ko...

"Tama ka pare" nakangiting saad ni Rocco saka tinapik pa ang balikat ko..

TOK TOK TOK

Napatingin kami sa pinto dahil sa sunod sunod na katok..

Agad na tumayo si Ryder para buksan ang pinto..

Sino naman kaya yan?

Ahh si butler lang pala tch..

Ano naman kayang kailangan ng isang yan?

"Young master pinapasundo po kayo saakin ng Daddy nyo" magalang na saad niya...

"Pwede nya naman akong tawagan ah bat kailangang ipasundo pa niya ako sayo?" Inis na saad ko..

Nakakairita..Anong sundo?Mukha ba akong bata?

"Hindi daw po niya kayo macontact kaya nag desisyon siyang ipasundo nalang daw po kayo saakin" magalang na paliwanag niya..

Ay oo nga pala tinapon ko yung cellphone ko kanina haishh kainis..

"Oh paano pare bukas sa resort namin ah" nakangising ani ni Rocco bago ako umalis...

"Dala ko ang kotse ko hindi mo ako kailangang isakay diyan" saad ko sabay turo sa sasakyan ginamit niya para sunduin ako..

Dali dali akong nagtungo sa sasakyan ko saka mabilis kong pinaharurot ito..

"BABYYYYYYYYYY" nagulat ako sa nakakabinging tinig ni Mom pagdating ko sa bahay..

Teka andito si Mom?

"M-mom?" Di makapaniwalang tanong ko..

Nandito nga siya...

"Oh baby did you miss me?" Saad ni Mom saka ako inakay papunta sa dining area..

"I miss you Mom" saad ko sakanya ng makaupo kami..

"Balita ko ay summer vacation niyo na daw bukas?" Tanong ni Dad..

"Opo" saad ko napangiti naman ako kay Mom ng makitang nilalagyan niya ang plato ko ng pagkain..

"Ubusin mo yan" magiliw na saad ni Mom tsaka ko siya binigyan ng isang malawak na ngiti..

"Aalis kami ng Mommy mo para sa negosyo at aya naming maiwan ka dito mag isa napagdesisyonan namin ng Mommy mo na doon ka muna sa Lola mo mag babakasyon" -dad

"WHATTTTTTTTTT!!" Napatayo ako sa sinabi ni Dad..

What the heck kanila Lola?

"Dirby Smith maupo ka" maotoridad na utos saakin ni Mom kaya naman dahan dahan akong umupo..

"Bakit doon pa?" Hindi makapaniwalang tanong ko...

"Dahil wala kang kasama dito" saad ni Dad..

"Meron" deretsong sagot ko kahit naman hindi ko alam kung sino..

"Look gusto namin ng Mom mo na makasama mo ang Lola mo sa summer vacation mo" whattt???

"Edi si Lola nalang ang papuntahin nyo rito" giit ko...

"Anak hindi na kayang bumyahe ng Lola mo" saad ni Mom..

Mag isip ka Dirby kung ayaw mong makulong sa probinsya..

"Ahh-ehh May lakad po kami nila Rocco at Ryder eh" yes sa wakas...

"Saan?" Tanong ni Dad

"Sa resort po nila Rocco" sana gumana..

"No..Pupunta ka sa probinsya sa ayaw at gusto mo" anak ng kagang..

"Dad naman.." pagmamaktol ko...

"No buts" ayy wala talaga akong choice tatakas nalang ako mamaya para hindi nila ako ihatid sa probinsya..

"Pag tumakas ka idedeactivate ko lahat ng cards na meron ka at kung pupuntahan mo rin ang mga kaibigan mo ay malalaman ko dahil nandyan ang parehong magulang nila" nakangiting saad ni Dad saakin..

Aishhh badtrip so wala talaga akong choice?

Padabog akong nagtungo sa kwarto ko at hindi an tinapos ang kinakain ko..

Kumuha ako ng bago kong cellphone sa cabinet ko...

Saka dali daling idinial ang number ni Rocco..

[Hello pare]

Bungad niya saakin matapos sagutin ang tawag ko..

"Hoy tulungan mo naman ako gusto nila akong dalhin sa probinsya at ayaw ko doon tulungan mo akong gumawa ng paraan para makatakas ako dito" walang paligoy-ligoy na saad ko sakanya...

[Tae hindi ako pwede bantay din ako nila Mama nabigla nga ako dahil bigla silang umuwi eh]

Aishhh ano bayan kainis..

Ibinaba ko ang tawag sakanya saka dali daling dinial ang number ni Ryder..

[Kung hihingi ka ng tulong saakin para tumakas wag na bantay din ako ng mga magulang ko]

Sarkastikong saad niya saka ibinaba haishh walang kwenta hindi man lang ako hinintay makapagsalita..

At tsaka anong bantay?

Letse wala talaga akong takas..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now