Dirby POVDAHAN-dahan na kumalas sa pagkakayakap si Victoria saakin.
Kaya naman iniharap ko ito saakin.
Kitang kita ko ang pamumugto ng mga mata nya.
Umiyak ba siya?
"Umiyak kaba?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Hindi ah," nakangiting sagot nya
"Weh talaga?" Pangkukulit ko sakanya.
Alam kong meron eh!Ayaw nya lang sabihin.
"Wala nga" pagtatanggi nya pa.
Hinayaan ko nalang siya.
"Teka may ibibigay ako sayo," nakangiting saad ko sakanya kaya naman kinapa ko ang bulsa ng shorts na suot ko pero wala dito.
Inulit ko itong hinanap hanap sa bulsa ng shorts ko pero wala.Bat wala?Ang alam ko nandito lang yun eh!
Takte sira na plano ko nito.
"Ano yun?" Nakangiti paring tanong nya.
"Naiwan ko ata sa bahay saglit lang ah babalikan ko lang saglit!Dyan kalang ah!" Natatawang utos ko sakanya wala naman itong nagawa kung hindi tumango nalang.
Dali-dali akong tumakbo pabalik sa tapat ng bintana ng aking kwarto.
Ng makapasok ako ay dali dali akong lumapit sa bag na dala ko ng magbakasyon ako dito.
Kinalkal ko ang bulsa nito at tama nga ako nandito parin yun.
Ang bracelet na ginawa ko ten years ago.
Yep gumawa ako ng bracelet dahil iyon ang project namin noon sa art class.
Sabi ng teacher namin noon bago daw namin gawin yung bracelet kailangan daw isipin muna namin yung taong gusto naming pagbigyan ng bracelet.
Nagpabili ako ng mga real diamonds noon sa butler namin dahil gusto kong bigyan si Mom at gusto ko magmukhang mamahalin para naman tanggapin nya.
Ng matapos ko ang isang gawa ko na bracelet gumawa ulit ako ng isa sabi ko ibibigay ko yun sa babaeng magugustuhan ko.
Gusto kong matawa sa sarili ko ng maalala kung gaano ako masiyahin nung bata.
"Tuloy kayo" natigil ako sa pag-iisip at pagtitig sa bracelet na ginawa ko noon ng may marinig akong boses sa labas.
Sinong kausap ni lola?
"Baka po marinig tayo ng apo nyo" teka ang boses na yun pamilyar saakin.
Boses yun ng nanay ni Maddox.
"Wala dyan ang apo ko batid kong nasa tapat nanaman siya ng balon kasama si Victoria."
Nagulat ako sa sinabing yun ni lola?So all this time alam nya na tumatakas ako?What the hell!
"Paano na ang plano?" Teka si Maddox yun ah!
Anong plano?At tsaka bat ba sila nandito?
"Hindi ko alam kung gagana parin ang plano iniiwasan na ako ni Dirby dahil hindi si Victoria ang gusto nya"
Para akong nabingi ng marinig ang sinabing yun ni Jessa.
Anong kalokohan toh?
"I guess wala na tayong magagawa.Aalis na rin naman si Victoria ngayon so eto na ang huli nilang pagkikita," Dinig kong saad ni Blade.
Huling pagkikita?Bakit saan ba pupunta si Victoria?
"Aalis?Plano?What the heck!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw kitang kita ko sakanila ang gulat sa mga mata nila.
"Ano bang pinagsasabi nyo?" Inis na singhal ko sakanila.
So ano to?Lahat ng to palabas lang nila para mapalapit saakin at mailayo kay Victoria?
"Dirby apo huminahon ka muna," mahinahong pakiusap ni lola.
Pero hindi ko magawa yun.
"NO!I WANT YOU TO EXPLAIN EVERYTHING NOW!" Sigaw ko kay lola bagay na ikinagulat nya.
Napatayo naman si Maddox at nagtangkang lalapitan ako pero hinarang ko sila gamit ang kamay ko.
"Dirby--"
"Explain now," Matigas na saad ko.
"Ang baranggay na toh ay sinumpa," panimula ni lola.
"Sinumpa ito ng mga diwata dahil sa kalabisan naming mga mamayanan na nakatira dito sa mga yamang dagat na nakapaligid sa lugar na to" napasinghap muna si lola bago niya ito ituloy "Bago nangyari ang insidenteng yun ay merong isang dalaga na nag ngangalang Victoria" seryoso lang akong nakikinig habang pilit na prinoproseso sa utak ko ang lahat.
"Si Victoria ay isa sa mga pinakamagandang dalaga dito sa baranggay namin,Pero hindi namin siya katulad mapagmahal siya sa kalikasan siya ang naglilinis ng lahat ng kalat namin sa daan man o sa tubig" hindi ko mapigilang humanga sa paglalarawan ni lola kay Victoria.
"Ang pinakita nya sayo na secret river ay dating tambakan namin ng mga basura,pinaganda nya parin ang lugar na yun ng hindi humihingi ng tulong saamin" nagtaka ako dahil akala ko ay ako lang ang nakakaalam nun hindi ko alam na pati pala sila ay alam din.
"Ngayon ko lang nalaman ang lugar na yun ng nag umpisa kang makipagkita sakanya," paglilinaw ni lola.
"Meron din siyang masayang pamilya" nakangiting kwento ni lola.
"Ngunit isang araw nagbago ang lahat pinatay ang mga magulang ni Victoria dahil sa kumakalat na balita na myembro daw ng terorista ang kanyang ama" ramdam ko ang lungkot sa boses ni lola.
"Magmula noon ay laging nasa tapat ng balon si Victoria dahil sa ilalim ng balon na yun ay nandoon ang bangkay ng kanyang magulang doon itinapon ang bangkay nila" bigla akong nakaramdam ng kakaiba kaya pala nandoon siya.
"Ilang araw ang lumipas ay tulala parin si Victoria sa tapat ng balon kaya naman bumalik ang mga kalat sa daan at sa mga ilog" paliwanag ni lola.
"Nagpakita ang diwata kay Victoria at tinanong kung anong gusto nyang iparusa sa baranggay na to" paliwanag ni lola.
"Ang sabi nya ay gusto nya daw umulan ng umulan sa bayan na to at gusto nya ding lumitaw nalang tuwing uulan" naguguluhan parin ako.
"She decided to be the girl in the rain" singit ni Maddox.
"Lola Arlene pumasok na po ako kasi po bukas naman yung pint--" napatigil sa pagsasalita si Erika ng makita kaming seryoso.
"So nasabi nyo na sakanya?" Natatawang tanong nito sakanila.
Pinagmukha nila akong tanga.
"Ehh bakit siya?Kung makatanong siya ng muntik niya na akong mahule kasama si Victoria eh bakit parang hindi niya alam ang mukha nito" tanong ko.
"Dahil iilan lang kaming nakakita kay Victoria," paliwanag ni lola
"Saan pupunta si Victoria?" Tanong ko ulit sakanya.
"Gaya nga ng sabi ko mayroong mabuting puso si Victoria ng makita nyang nahihirapan kami dahil sa pag-ulan ay nagpadala siya ng simbolo na nangangakong titigil na ang pag ulan" mapait na ngiting paliwanag ni lola saakin.
Magsasalita pa sana ako ng inunahan ako ni Jessa.
"Kasabay ng pagtigil ng ulan ay ang pagkawala na rin ni Victoria"
YOU ARE READING
THE GIRL IN THE RAIN
Mystery / ThrillerThe first time I saw you was the first time I experienced to fell in love.. "I only see you when the rain has come and there you're gone when the rain stop.."