Dirby POVAishhh badtrip...
Biruin nyo ako ngayon ang nag huhugas ng pinggan well kahit papano eh alam ko naman mag hugas pero hindi ako sanay..
Humanda saakin si Dad sa oras na makabalik akong Maynila sinira niya ang summer vacation ko grrr....
Pagkatapos kong mag hugas ay mag cecellphone sana ako kaso naalala ko lowbat nga pala ito dahil ginamit ko ito kanina pala ito para mag laro ng online games pag palibang ma den sa sarili ko..
Agad kong dinampot ang charger ko saka ko isinaksak ito...
Ilang minuto pa ay ayaw paring mag on ng cellphone ko ano bang problema ng telepono kong toh sira naba?
Paulit ulit kong pinindot ito at nagbabasakaling mag on ito pero ayaw talaga aishh kainis pati ba naman kuryente wala sa lugar na toh?..
"Lola bakit wala pong kuryente?" Inis na tanong ko ng makababa ako..
Cellphone na nga lang libangan ko hindi ko pa magagamit..
"Aba Apo eh kahapon pa walang kuryente dito sa baranggay namin" anak ng-- Pano ko magagamit ang cellphone ko kung walang kuryente nahihibang na ba ang baranggay na toh?
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko..
"Bingi kaba Apo?Ang sabi ko kahapon pa walang kuryente sa baranggay na toh" pag uulit ni Lola aishhh gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader..
"I mean bakit naman po?Kahapon pa po walang kuryente edi sana inayos agad" reklamo ko..Tch ano ba naman kasing klaseng baranggay toh at hindi inaaksyonan agad..
"Ang probinsyang ito Apo ay hindi gaanong napapansin ng media kung kaya't kahit lumipas ang araw at buwan na aberya namin sa kahit anong bagay ay walang problema dahil wala kaming boses para sabihin ang mga hinaing namin" napanganga ako sa sinabi ni Lola..
Meron palang ganun?Pano kung matagalan pa bago magka kuryente?Anong gagawin ko?
"Pero dahil sa kawalan ng atensyon ng baranggay na toh ay nagawang magkaisa ng mga tao" hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa sinabi ni Lola..
"Marami ka namang pwedeng gawin Apo lumabas ka at maraming mga binatang nag lalaro ng basketball diyan subukang mong makipag halubilo sa iba" medyo maganda ang naiisip ni Lola..
Tama siya keysa tumunganga ako bakit hindi ako makipagkaibigan sa kapwa ko binta dito..
Eww Dirby iniisip mo talaga yan kailan pa ako nagkaalam sa pakikipagkaibigan eh bukod kanila Rocco at Ryder ay wala na akong ibang naging kaibigan pa..
"Diyan lang yung basketball court na kung saan naglalaro ang mga kabataan" hayy wala namang masama kung makipaglaro ako ng basketball diba?
I mean keysa naman tumunganga ako bakit hindi nalang ako makihalubilo?
Aishh ganito naba ang epekto saakin ng pag babakasyon ko dito sa probinsya?...
Nag tungo ako sa kwarto ko para mag bihis ng pambasketball na damit kinuha ko rin itong bola na nakita ko kanina dito sa kwarto ko sabi ni lola kay lolo daw ito..
"Oh siya mag iingat ka Apo" nakangiting saad ni lola akmang lalabas na ako ng--
"Siya nga pala Apo umuwi ka dito bago mag ala una ng hapon ah wag kang mag papaabot sa ulan" seryosong sabi ni Lola..
Ano ako si Cinderella may roll call?
Sa halip na sumagot ay tumango nalang ako...
Gaya ng sabi ni lola pagkalabas ko palang ng bakuran namin ay natanaw ko na ang basketball court na sinasabi niya...
"Hi pogi" napahinto ako sa paglalakad ng hinarang ako ng isang babae...
May itsura oo kaso mukhang gold digger...
Sa halip na pansinin ko siya ay nilampasan ko lang ito..
Wala akong balak na paglaruan ang sino mang babae sa probinsya nila lola baka mamaya ay gyerahin pa nila si lola at sunugin ang bahay niya gaya ng mga napapanood ko sa mga pelikula..
Pagdating ko doon sa court ay walang tao tch niloloko ata ako ni lola eh pero dahil nandito na rin ako makapagbasketball na nga lang den..
Ilang minuto na ako rito at puro lang dribble ang ginagawa ko..
"Yowww pare" napatingin ako sa dalawang lalaki na papalapit saakin at ngiting ngiti...
Hindi kaya mga bakla ang mga toh?
"Relax hindi kami mga bakla" saad nung isang maputi singkit...
"Maddox Aquino pare" saad nung singkit na maputi tsaka inilahad ang kamay niya saakin..
Agad ko namang iniabot ang kamay ko sakanya..
"Dirby Smith" pilit ngiting pagpapakilala ko sakanya...
"Blade Santos" agaw atensyon nung isang moreno na matangos ang ilong..
Sunod kong inilahad ang kamay ko sakanya...
"Bago ka dito noh?" Tanong ni Blade habang nag shoshoot ng bola..
"Ah yeah I'm here for summer vacation" sagot ko sakanya saka inagaw ang bola niya tsaka ko itinira..
Shoot!
"Summer vacation huh?" Hindi makapaniwalang ani ni Maddox..
Tch maging ako ay hindi rin makapaniwala na dito ako mag babakasyon...
"HAHAHA" tawa ko nalang hindi ko kasi trip magpaliwanag..
"Sa lahat ng probinsiya ay dito pa talaga ang napili mo HAHAHA" natatawang ani ni Blade..
"Wala bang mga turista dito?" Agad naman akong inilingan nila Maddox at Blade..
"Bakit naman?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot..
"Well makikita mo namang walang kaakit akit sa lugar namin diba?" Tatawa tawang pilit na ani ni Maddox..
Sabagay kung hindi naman ako pinilit ni Dad ay wala ako ngayon ditoo...
"I see" sagot ko sakanila..
Maya maya pa ay naupo muna kami dahil sa sobrang pagod sa paglalaro..
"Saan ka naman tumutuloy?" Tanong ni Blade saakin..
"Sa lola ko Arlene Cruz ang pangalan ni lola" kita ko namang saglit silang natigilan..
"Kamusta maganda bang mag stay doon?" Tch kung alam mo lang...
Sabay sabay kaming naglakad papalabas ng court..
"Sige pare mauna na kami" paalam nilang dalawa..
"Ay teka pare bago kami mauna may sasabihin muna ako sayo" nagulat ako ng biglang hablutin ni Blade ang braso ko..
"Ano yun?" Hindi ko ipinahalatang nainis ako sa ginawa niya..
"Wag kang pupunta sa balon na malapit sa bahay ng lola mo pag umuulan" gaya ni lola ay halatang seryoso rin siya sa sinabi niya..
Tatanungin ko pa sana siya ngunit hinila na siya ni Maddox..
Napatingin ako sa relo ko para tignan kung anon oras na..
Anak ng ala una na?
Bigla nalang bumagsak ang buhos ng ulan at dahan dahang dumampi ang mga iyon sa balat ko...
Dali dali akong nagtatakbo ayaw kong magkasakit noh...
Papasok na sana ako ng bakuran dahil basang basa na ako ngunit napahinto ako ng makitang may tao doon sa balon na malapit sa bahay ni lola..
What is she doing?bakit siya nag papaulan?

YOU ARE READING
THE GIRL IN THE RAIN
Mistero / ThrillerThe first time I saw you was the first time I experienced to fell in love.. "I only see you when the rain has come and there you're gone when the rain stop.."