KABANATA 15

18 4 0
                                        


                                  Dirby POV

"Gooo Bigg threeee!!" Dinig kong tilian ng mga panget doon sa likod..

Tch itong big three nyo walang binatbat..

Mag wala pang kalahating oras kaming naglalaro ay tambak na sila..

56-16

Ha!ang yayabang ng mga toh eh makukupad din pala..

"Blehh!" Pang aasar ko kay kulot na nasa harapan ko at pilit akong hinaharangan..

Agad ko siyang inikutan at agad akong tumira..

Boom shoot!!

Napalingon ako doon sa big three at ang sasama ng mga tingin nila saakin pero pinandilatan ko lang sila para mas lalo silang maasar wahaha..

"Argh tara na nga!!" Napatingin ang lahat kay kulot ng ihagis nya ang bola saka nag dali daling naglakad paalis..

"Kyahhhhh nanalo silaa!!!"

"Sa wakas may nakataloo na rin sa big three"

"Angg galing ni papa Dirbyyy!!"

Dinig kong sigawan ng mga tao..

Lol ampaplastik ng mga toh parang kanina lang ung tatlong bugok ang chinecheer nila tapos ngayon gumaganyan sila..

"Woahh tol nanalo tayo wahaha!!" Malakas na sigaw ni Blade saka nagtatalon pa na parang bata sa tuwa!!

"Tara sa bahay at sabay-sabay na tayong kumain" prisinta ni Maddox..

Minsan naiisip ko kung hindi ba naluluge tong si Maddox dahil lagi nalang kami ang kumakain sa bahay nila..

"Doon naman tayo sa bahay namin kumain.." prisinta ko..

"Bakit naman?" Takang tanong ni Blade..

"Anong bakit naman ka dyan syempre doon naman tayo ngayon nakakahiya na kanila Maddox lagi nalang tayong nakikikain sakanila" natatawang paliwanag ko at natawa din sila..

"Putsa tol baka sumunod din saamin ah.." biro ni Blade dahilan para magtawanan kami..

Yung mga taong kanina nanunuod ay umaalis na pero lampake..

"Nandito lang pala ang mga champions.." sabay-sabay kaming napatingin kay Jessa na nakangiting papalapit saamin..

"Ohh nandyan ka pala Jessa tara samahan mo kami na kumain sa bahay nila Dirby.." yaya sakanya ni Blade..

"Pwede ba?" Nakangiting tanong nito saakin..

"Mmm pwede naman.." sagot ko sakanya..

"Dirbyyyyyyyyyyyyyy!!!" Napalingon kami sa likuran namin ng marinig ang matinis na boses na yun!!

"Congratsssss!!" Bati saakin ni Erika ng makalapit ito saakin tsaka ako niyakap..

Arghh nakakairita talaga tong babaeng toh..

"Ahh-ehh salamat.." saad ko saka umalis sa pagkakayakap niya saakin..

"Sige ah mauna na kami" paalam ko sakanya..

"Pwede ba akong sumama?" Tanong niya..

Napalingon naman ako kila Maddox at Blade na ngayon ay seryosong nakatingin kay Erika..

"Ahh-ehh kasi Erika hindi pwede eh.." sabat ni Maddox..

"Ehh kasama ko si Jessa eh" saad niya saka hinila si Jessa palapit sakanya..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now