KABANATA 11

23 6 0
                                    


Dirby POV

Ng makauwi kami ni Jessa kanina ay hindi ko maiwasan mapaisip kung ano ba yung mga pinag sasabi niya..

Bakit ba ang weweirdo ng mga tao dito?

Tsaka bat kailangan ko ba silang isipin?

Napatingin ako sa relos ko at 12 na ng tanghali nakaluto na rin si lola..

Tch uulan kaya mamayang ala una?o hindi?
Baka inuuto lang ako ng babaeng yun ..

Tch kung bakit ba kasi nagpapaniwala ako sakanya..

"Oh apo tigilan mo na ang pagtulala dyan halika at kumain na tayo" natigil ang pag iisip ko ng sabihin saakin ni lola yun..

"Oh eto nga pala yung cellphone mo apo" abot saakin ni lola nung cellphone ko..

Tch ano namang gagawin ko dyan eh lowbat nga?

"Ah eh lola hindi ko naman po yan magagamit kasi lowbat po" pilit ngiting saad ko kay lola..

"Ahh kaninang umaga ay dinala ko yan at chinarge ko sa kabilang bayan..Baka kasi gusto mong kamustahin ang mga kaibigan mo"  nakangiting saad saakin ni lola..

Nagtataka ko naman itong tinignan tsaka ko pinindot ang cellphone ko at tama nga si lola chinarge niya nga..

"Salamat po lola" isinantabi ko muna ang cellphone ko para ituloy ang pagkain..

"Ikaw ba apo ay may pinupuntahan sa tuwing umuulan?" Tanong ni lola saakin..

Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa tanong niya..Akalain mong pati yun ay malalaman niya pa?eh palihim na nga akong umaalis ng bahay eh..

"Ahh hehehe lola busog na po ako" pagpapalusot ko..

Ayaw kong sabihin sakanya na nagpupunta ako sa tapat ng balon tuwing umuulan at baka bawalan niya pa akong magpunta doon..

"Ahh sige pumunta kana sa kwarto mo iho at ako na ang maghuhugas ng mga pinggan makipag-kamustahan ka muna sa mga kaibigan mo" utos ni lola saakin kaya naman agad akong nagtungo sa kwarto ko..

Hehehe yess!!Ligtas ako sa paghuhugas ng pinggan!!

Napahiga ako sa matigas na katre dito sa loob ng kwarto ko habang tinitignan ang cellphone ko..

Andami ko na palang missed call sa ilang linggo kong pamamalagi sa probinsya..

Ang iba ay galing kay Mom at ang marami ay galing kay Rocco at Ryder..

Nakangiti kong idinial ang number Rocco..

At wala pang ilang minuto ay agad niya na itong sinagot..

[Hello paree!!!!Kamusta ka?Buhay kapa ba?Kumakain kaba ng maayos diyan?Ano binangungut kana ba dyan?Kamusta marami kana bang naka away diyan?]

Saglit kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil sa sunod sunod na tanong saakin ni Rocco kainis to wala paring pinagbago..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now