Dirby POV"DIRBY pakiabot nga yung gunting" utos saakin ni Jessa bored ko namang inabot ang gunting sakanya..
Pagkatapos nila akong sinundo kanina ay naglinis kami ng mga kalye halos lahat ng kabataan na taga dito ay kasama namin sa paglilinis..
Tapos ngayon naman ay niyaya ako nila Jessa na samahan ko siyang magdesenyo sa kanilang court.
"Para saan ba kasi toh?" Reklamong tanong ko sakanya kanina pa nila hindi sinasabi kung anong meron kung bakit namin ginagawa toh.
"Ahh mamaya kasi gaganapin ang sayawang bayan namin" nakangiting saad niya habang inaayos ang pagkakalagay ng mga upuan..
Samantalang ako ay ito nakaupo lang para akong boss nila at sila ang empleyado ko wahaha..
"Hoy Dirby tumulong ka dito hoy" sigaw saakin ni Blade pero pinandilatan ko lang ito ng mata.
"Gutomm na akoo" reklamo ko ng lumapit saakin sila Maddox at Blade.
"Uunti pa nga pang ang naitutulong gutom kana agad?" Natatawang ani ni Blade.
Anonv uunti hampasin ko kaya siya ng walis at dustpan?Yung paglilinis pa nga lang ay nakakapagod na eh.
"Oh kumain muna kayo" abot saamin ni ERIKA nung mga tinapay at yung tray na pinaglalagyan ng mga kape.
Naiinis man ako sakanya ay tinanggap ko nalang yung binigay niya saamin wala eh gutom talaga.
"Oh ano pang ginagawa mo dito?" Inis na sagot ko sakanya.
Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko at nagulat pa pero agad din siyang ngumiti.
"Ang aga-aga mo naman atang masungit?" Nakangiting tanong niya.
Kung pwede lang sumapak ng babae eh kanina ko pa ginawa kaso hindi pwede.
"Umalis kana dito Erika" kalmadong singit ni Blade sa usapan namin.
"Psh ang sungit" reklamo niya saka kami tinalikuran.
Inumpisahan naming kainin ang binigay saamin ni Erika na pagkain.
"Oh mamayang gabi wag kang mawawala ah" paalala saakin ni Maddox ng matapos kaming magdesinyo ng court ngunit tanging tango nalang ang isinagot ko sakanya saka nagmadaling umuwi ng bahay.
12 na kasi kaya kailangan dalian ko para mautakan ko si lola wahaha.
Ng makarating ako sa bahay ay nakaupo si lola sa upuan nyang tumba-tumba habang nagtatahi.
"Ohh nandyan kana pala kumain kana doon" turo nya sa lamesa kaya naman doon agad ako dumeretso.
"Batid kong pupunta ka mamaya sa sayawang bayan.Tama ba ako?" Nakangiting ani saakin ni lola ng maupo siya sa harapan ko habang kumakain ako.
"Ahh opo" sagot ko saka nagsalin ng tubig sa baso.
"Meron kana bang isusuot?" Tanong saakin ni lola.
Medyo napaisip ako ng kunti.
Aha!Wala pala akong dala.
Tch ano naman kasing alam ko na merong ganitong okasyon na nagaganap sa lugar nila.
Agad naman akong umiling bilang sagot sa tanong ni lola.
"Meron na akong inihanda na isusuot mo para mamaya" nakangiti parin nitong sabi.
"Sige po.Punta po muna ako sa kwarto ko" pagpapaalam ko hindi ko na hinintay na sumagot si lola saka tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto ko.
"Dirby ihahatid ko nalang sayo mamaya ang damit na susuotin mo" sigaw saakin ni lola mula sa kusina.
I-on ko muna ang electrifan bago ako humiga sa katreng matigas gags mag isip ka nga Dirby may katre bang malambot?
Ay oo nga pala may kuryente na!Oo sa wakas sa tagal tagal ng pag stay ko dito ngayon lang nagkakuryente.
Kaya naman hindi nanamin proproblemahin ang sound system at mga lights para sa sayawan mamaya.
Maya-maya pa ay pumatak na ang ulan.
Tch hindi ko muna siguro pupuntahan si Victoria dahil paniguradong bantay-sarado nanaman ako ni lola ngayon!
Kainis.
Ng dumating ang ala-sais ng hapon ay lahat ng tao ay naghahanda na.
Ganito ata sila palaging excited habang ako eto parang tangang nakaupo sa terrace namin at pinagmamasdan ang mga batang tuwang-tuwa na nakabihis na.
Nakabihis na rin ako hinihintay ko nalang sila Maddox at Blade na dumaan para sabayan ko sila sa paglalakad.
Simpleng polo st pantalon lang ang isinuot ko ngayon na si lola pa ang gumawa oh diba astig!
"Dirbyyyyyyyyyy!" Napalingon ako sa may gate namin ng tinawag ako ni Blade sa pasigaw na paraan.
Tch kahit kailan bungangero.
"Hey whatsup" bati ko sakanila saka ako tumayo para lapitan sila.
"Ang gwapoo naten ah" nakangising
pang-aasar niya saakin."Kayo lang ang gwapo dahil ako ang pinakagwapo" pagyayabang ko saka ko sila kinindatan.
Umasta naman ang dalawa na nasusuka mga gagong toh walang pinagkaiba kay Rocco at Ryder.
"Tara na?" Nakangiting tanong saamin ni Maddox.
Nagpaaalam muna kami kay lola saka umalis na.
Pagkarating namin sa court ay napakarami ng tao ang nandoon.
Medyo may kalakihan din kasi naman tong court nila at may bubong den naman para siyang gym kaso parang lang.
"Goodeveningggg!!!" Pagkaupo namin ay biglang may boses babae ang nagsalita sa mic.
Naupo muna ang lahat sa kanya kanya nilang upuan.
Napatingin ako sa stage at nakita ko namang nandoon si Jessa naka white dress siya at nakalugay ang kanyang buhok na naka curl sa bandang ibaba.
Napakaganda niya.
"Alam kong excited na kayong lahat kaya hindi ko na ito papatagalin pa!" Nakangiting saad niya sa mikropono.
Agad namang nagpalakpakan ang mga taong naroon.
"The dance floor is now openn!!!" Animong kinikilig na ani niya..
Agad namang nagsimulang nag play ng malakas na music.
Kanya-kanyang kuha naman ng partner ang mga naroon pati sila Balde at Maddox ay iniwan ako mga lokong yun.
Tatayo na sana ako para maghanap ng partner para isayaw kaso bigla nalang akong hinila ni Jessa sa dance floor.
Gusto kong magreklamo kaso para akong napipi ng hilain niya ako..
"Tara sayaw tayo!" Saad niya saka kami nagsimulang sumayaw.
Maya-maya pa ay biglang nag play ang sweet na music.
Nagulat ako ng awtomatiko niyang inilagay sa batok ko ang dalawang kamay niya.
Napalunok akong iniyakap ang mga kamay ko sa bewang niya pero binigyan ko ito ng malaking espasyo ang pagkakayakap ng kamay ko sa bewang niya.
Naimagine nyo?
Ah bahala kayo
Naiilang ko siyang tinignan sa mga mata niya na ngayon ay ang lawak ng pagkakangiti niya saakin.
Maganda si Jessa.Maputi,makinis at mabait kaya hindi na ako magtataka kung lahat ng lalaki ay magugustuhan siya.
"Dirby.." tawag niya saakin dahilan para magbalik ako sa huwisyo.
"B-bakit?" Damn Dirby wag kang mautal!
"Dirby gusto kita"
YOU ARE READING
THE GIRL IN THE RAIN
Misterio / SuspensoThe first time I saw you was the first time I experienced to fell in love.. "I only see you when the rain has come and there you're gone when the rain stop.."