Dirby POVLumipas ang mga araw at ganun parin ang set-up namin ni Victoria laging nagkikita pag may ulan wahahaha wala trip lang eh bat ba?
"Oh pare ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Ngingiti akong bumaling kay Blade..
Nasa bahay kami nila Maddox kaarawan daw kasi niya kaya inimbitahan niya kaming pumarito sa bahay niya..
Kaso ang nakakatuwa ang aga akong niyaya ni Blade sa bahay nila Maddox kaya eto kami ngayon nasa tapat ng gate nila..
"Ang aga naman natin" reklamo ko tsaka humikab..
Alas otso palang eh baka nga wala pang nakalutong pagkain..
Masyadong excited tong si Blade...
"Nakuu kaya nga maaga tayo dahil tutulungan natin si Maddox" taka naman akong bumaling sakanya..
"Ano?" Anak ng--
Naputol ang pag iisip ko ng biglang bumukas ang gate at bumungad saamin si Maddox na ang ganda ganda ng ngiti..
"Ang aga nyo naman?" Natatawang tanong saamin ni Maddox..
"Ehh kasi yan eh" turo ko kay Blade na ikinatuwa naman ni Maddox..
"Nice maganda yan at matutulungan nyo akong mamalengke" anak ng kagang..
Anong mamalengke?
Pareho ko silang binigyan ng nagtatakang tingin pero tinawanan lang ako ng mga loko..
"Hindi ako sasama" agad na pagtanggi ko..
Ako mamalengke?Ang sikat,playboy at mayamang tulad ko mamalengke?Nahihibang naba sila?
"Samahan mo na kami pare pa birthday mo na saakin..Ano ayus ba?" Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya..
"Bibigyan nalang kitang ibang regalo" ayaw ko talagang mamalengke tsaka isa pa anong alam ko diyan?
"Nakuu wag ka ng tumanggi halika na" gulat ako ng bigla nila akong hinila..
Nagpumiglas pa ako pero wala akong nagawa dahil dalawa sila..
Aishh pinagkaisahan nila ako..
Sumakay kami ng jeep para makapunta sa kabilang baranggay dahil nga doon ang palengke nila..
Ng makarating kami dito ay samu't saring mga paninda ang nadaanan namin..
"Ano bang bibilhin?" Tanong ko sakanila..
"Hmm gulay,baboy at isda" nangunang maglakad si Maddox saamin...
Ang baho naman dito..
Maarte na kung maarte pero hindi ako sanay sa ganitong amoy..
"Ate magkano ang isang kilong tilapia?" Napalingon ako doon sa ateng nag titinda kay Maddox..
"250 isang kilo" masungit na ani nito..
"Grabe wala nabang tawad yan?" Gusto kong matawa sa inasal ni Maddox..Seriously?
"Oo wala na" ang sungit naman ng tinderang toh..
"Kahit na gwapo ako?" Gusto kong masuka ng nagpa cute si Maddox sa harapan nung tindera..
"Hindi.." pareho kaming bumungisngis ni Blade dahil sa sinabi nung tindera..
"Sayang naman at gusto pa namang matikman ng poging kasama namin ang tinda mong tilapia" nabigla ako ng bigla akong hinila ni Maddox at iniharap doon sa tindera..

YOU ARE READING
THE GIRL IN THE RAIN
Mystery / ThrillerThe first time I saw you was the first time I experienced to fell in love.. "I only see you when the rain has come and there you're gone when the rain stop.."